Wakas

202 8 0
                                    

This is the end. ;)

Wakas

Tinitigan ko ang babaeng nasa aking harapan. I studied intently her facial features. Hooded eyes, katamtamang kapal ng kilay, mapupulang mga labi. Sa bawat galaw ko, sumusunod ito. Nakatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin.

Nandito na naman ako sa harap ng aking mesa na mayroong malaking salamin. Dito rin nakalagay ang mga kolorete sa mukha. The last time I used this, hindi maganda ang mga sumunod na nangyari.

Kasama ko na naman sina Tina at Sette. Nagswap sila ng designated assignment. Actually, I offered them other work na may mas malaking sahod but they chose to stay. They wanted to work hard before reaching it to the top.

Sette applied the first layer of foundation. May kung ano ano pa siyang nilagay na hindi ko alam kung anong tawag. 

Naglagay na siya ng eyeshadow. Smokey eyes raw ang gagawin niya and it is nearly similar sa brown na shade. Inarrange rin niya yung kilay ko. I trust her on this. Magaling siya sa painting. She has good eyes on art and I heard magaling rin daw magmake-up ang mga magaling gumuhit.

May pa-highlighter and stuffs pa siya. She applied nude lipstick sa lips ko. Sette had the final touch until it's all good.

Tinitingnan ko lang sa salamin yung ginagawa niya. She really has an eye for these kind of stuffs.

Lumapit na si Tina and pinagtulungan na nila yung buhok ko. They turned it into a bun. May iba silang tinira sa magkabilang gilid. May nilagay rin sila na kung ano-anong gold clips sa bun at isang gold headband.

Nang matapos sa aking buhok ay pinatayo na nila ako. Yesterday ay kinulayan nila yung kuko ko.

Ipinasuot nila sa akin ang isang puting gown. It's too extravagant for me, pero ito ang gusto ni Caius and he said that I can't do anything about it daw.

It has entricate designs at ang pinakaayaw ko rito ay yung price. Di ko na lang sasabihin, baka mahimatay kayo.

After itinali ni Tina yung ribbon sa likod ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I feel so beautiful today.

Inilagay na nila Sette ang veil sa buhok ko then after ay ipinasuot na yung heels.  I looked at them and they were smiling like a fool.

"Ano?" I said, medyo natatawa nang bigla nila akong yakapin. Niyakap ko rin sila pabalik.

Bumaba na kami. Medyo nahirapan ako sa may hagdan. Pa'no ba naman kasi, masyadong mahaba yung gown, dagdagan mo pa ng heels. Sinong hindi mahihirapan?

Paglabas ko sa malaking double doors ay nakita ko agad doon ang sasakyan. Hindi ko na lang pinansin ang mga camera at ngingiti na lang kapag inuutusan.

Pagpasok ko sa sasakyan ay agad kong nakita si Hector. Nakapaskil sa mukha niya ang isang pilyong ngiti.

"Long time no see, your highness," he said.

Napailing na lang ako at nagsimula nang umandar ang sasakyan.

Katabi ko ngayon si Sette at nasa harapan naman si Tina. The wedding will occur sa garden. Ayaw lang nila akong palakarin papunta roon dahil mainit. They do have a point, though.

Medyo malayo pa kami nang natanaw ko ang disenyo ng venue.

May curtain bago ka makalakad sa aisle. Sa gilid naman nung aisle ay may mga bulaklak. Tinulungan ako ni Tina at Sette para makalabas ng sasakyan. Inayos rin nila ang suot ko. Isinara ko ang pinto ng sasakyan at umalis na si Hector.

Agad akong sinalubong ni Kuya Joseph. He smiled at me pero alam kong teary eyed na siya.

"Hindi ko inakalang mauuna ka pa sa'kin," he said.

The Viridi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon