7:30am
"Uwaaaaah!! Late na ako! Kainis, bakit ba kasi ako di nagising agad?!" Dali-dali akong tumakbo sa banyo. Tinapos ko pa kasi kagabi ung Final Fantasy: Lightning Returns, game siya actually.
"Mommy, di na po ako kakain baka andyan na ung service ko." Sabi ko habang tumatakbo na palabas ng gate namin. Pagkalabas ko saktong nandiyan na ang service bus. Whoo! Buti nakaligtas ako.
"Hoy 'Kulaw! Bakit ba antagal tagal mong kumilos?" Sabi ito ng bestfriend ko na si Michael Jacob Dimayuga. Hay naku! Ang sarap batukan ng unggoy na 'to. Bwiset ha! Ang totoo, di ko talaga siya mabatukan. Sa tangkad ba naman niya na 5"6 anong panglaban ng 5"2 kong tangkad?
Ay, oo nga pala nakalimutan kong magpakilala. Ako pala si Aerith Yuna Mizushima. Isa akong half japanese at half pinay, pero dito na ako sa Pinas lumaki. Namatay kasi si Daddy nung 1 yr. old ako, ang sad no? Haha! Like I said, 5"2 ang height ko. Sexy ako kung tutuusin. 36-24-34 kasi ang body measurements ko. Pero di ito pansin, dahil akala ng marami tomboy ako. Yuck!
Ah, dito na pala ako sa school. Bigla akong inakbayan ni Michael or MJ for short, at bumababa na kami. "Tigilan mo nga ako, MJ ang bigat bigat ng kamay mo. Sapakin kita eh." Angal ko ksi duh, ang bigat talaga ng kamay nya. "Yaan mo na. Ngaun lang naman ako maglalambing sa'yo ah." With matching pout at paawa face pa. Kung di ko lang talaga bestfriend 'to malamang sa malamang niligawan ko na. Gwapo kasi siya. Chinito ang mata, matangos ang ilong at ang kutis nya ay kutis pinoy na pinoy.
Papunta na kami sa room namin ng may tumakbo sa akin na babaeng dambuhala. Ay naku, ang aga aga manggugulo na naman itong babaeng 'to. Siya pala si Grazielle Dayat. Ugh, panigurado may news na naman itong babaeng to sakin. "Morning, Aer. Morning, J! :) Good news, wala tayong teacher ng first subject. Hay salamat!" "Oo na sige na. Pasok na tayo sa room, 'Kulaw at Taba." Mataray na sagot nito ni Mj. "Bakla ka lang kasi." Sagot ni Grazielle na nakadila. Ito na naman sila. Tsk tsk.
Papasok na ako ng room ng bigla merong lalaking pumasok sa office ng principal. Sa floor kasi namin ang office ng principal.
Pareho kaming nagkatinginan sa isa't isa. Grabe! Ang gwapo nya. Pero baka tranferee to? Di ko pa kasi siya nakita dito sa school eh. Hay naku, pasok na nga lang ako sa room.
Pagpasok ko sa room, lahat sila nakatingin sakin. "Anong problema nyo?" Tanong ko sa kanila. Grabe naman kasi tong mga to makatingin. Para akong nakapatay. "Pinapatawag ka kaya sa principal's office." Sabi nung isa. Ako naman dumiretso na sa Office ng principal. Ano naman kaya ang ginawa kong mali? Naku naku naman.
"Ms. Mizushima, good morning." Nakangiting bati sakin ng principal. "Good morning po, Ma'am Liz." Sagot ko naman. Ohmyyy!! Di mo aakalain na nandito ung gwapo. Ugh, sabagay pumasok nga pala siya dito kanina. Bakit ba ang baliw ko? "Napatawag nyo daw po ako, Ma'am?" Tanong ko. Syempre, nagdasal dasal na ako. "Napatawag nga kita. Di ba ikaw ang president ng Class 4-A? Ito ang requirements nyo para sa isang project sa unang subject nyo. Biglaan kasing nagkasakit si Sir Tumanda kaya hindi siya makakapasok---" Naputol ang pagsasalita ni Ma'am. May sumabat kasi. Tss. "Pwede na po ba ako umalis, 'La? May pasok pa po kasi ako." Sabi nung gwapong crush ko. Yiieee! <3 "Oo sige, apo. Magiingat ka ha. Diretso ka kaagad sa bahay pagka weekend." "Yes, lola. Bye po at ingat ka rin po." Sabay halik nya kay principal. So awkward nman sobra. "As I was saying, Ms. President. Pinapabigay ito ni Sir Tumanda. Go to your room now. Thank you." Sabi ni Ma'am Liz. Dali-dali naman akong pumunta na sa room. Mali pala akala ko, kala ko dito nag-aaral ung gwapo. Naku naman. Grade 10 na ksi ako o mas alam as 4th yr highschool. Tss. Biglang may nagtext sakin.
*Hi Miss Mizushima :)*
*Uhm, sino po sila? :)*
*Ung lalaking nakita mo sa office ni lola kanina.*
OHMYGOSH. Seryoso? Nagtext sakin si crush? WAAAAAAH!!
Reply agad!!
*Ah, ikaw po pala. :) Bakit mo po ako natext?*
Sus kunwari pa ako eh. Assuming naman akong gusto nya ako.. Malay mo? :D
*Ah, pwede bang magtanong? May boyfriend ka na ba?*
Yan ang tanong na ayaw kong sagutin. Bakit ganun ang mga lalaki? Magtatanong sila kung may boyfriend ka na tapos bigla na lang sila manliligaw. Tss. Mga nagmamadali masyado. Kadirdir.
*Uhm, wala pa po. Bakit po?*
-After 20 mins-
Di na sya nagreply. Hay buti naman. Kahit crush ko siya, di naman ako agad papatol dun. Ew. Haha! Ang boring naman ng klase ni Dora. Oo, Dora un ang codename ko sa teacher kong walang kwenta magturo. Haay, nakakasira ng bangs.
-Nagring ang bell-
"Ok class, bago kayo lumabas gusto ko munang ipagawa sa inyo itong homework nyo. Makipagusap kayo sa opposite sex na hindi dito nagaaral sa school, pagkatapos ay itanong ninyo ang mga question na ito." Sinulat nya sa whiteboard ang question. "Does your environment affects on how you fall in love?" Naku naku naku naman. Grabeng question. Ah bahala na gutom na ako. Kelangan ko nang lumabas sa room na 'to. "That's all, class. Goodbye." Sa wakas!
"Uy, 'Kulaw! San ka nakakita ng teacher na nagtuturo ng TLE pero ang tanong ay tungkol sa 'love'? Anlabo nuh?" Tanong sakin ni MJ habang kumakain kami. Napagisip-isip ako. Oo nga. Ang labo, para siya <3
1 message received
Crush ko
*Wala lang. Ang ganda mo kasi.*
Uwaaah! Nakakaumay naman 'tong lalaking 'to. Ugh. "Oh sino naman yan, Aer? Taglandi ba ngaun?" Tanong naman ni Grazielle. Pagkatingin ko sa kanilang dalawa, grabeng pagtataka ang nakita ko. "Grabe naman kayo! Si mommy 'to, may pinapabili sakin sa grocery." Sana naman makalusot. Ay! Nakalimutan kong magreply.
*Ay, salamat po ^_^*
Yuck, kadiri naman sinabi ko. Sana makita ko na lang siya uli.

BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?