Aerith's POV
Dahil hindi pa ako nakakaisip ng plano para sa paghingi ko ng sorry (joke lang yung kanina), naisipan kong mag-shopping muna ng damit para kay mommy dahil magbi-birthday na siya. Hmm, ah alam ko na!
Ladies' section.
Ano bang bagay na damit ni mommy? Ung itim o pula?
Yung pink kaya? Uuggh! Ang hirap pala mamili ng damit. Di naman kasi ako sanay eh. T-shirt at pants lang ako, ayos na.
Habang namimili ako, may nararamdaman akong sumusunod sa'kin. You know, girls instinct? Eh di kunwari wala akong paki. Tapos bigla akong tatalikod.
"WHAT!?" Parehas pa naming sigaw. Well, guess who. Yung bebeloves ko lang naman. Teka teka, erase. Bakit bebeloves? Ang eww ko naman. Si Harold nga. Ang weird, siya pala sumusunod sa akin. Tsh. Next time na nga lang ako bibili para kay mommy.
"Bakit mo ako sinusundan?"
"Ah, mamimili lang ako ng regalo para kay lola."
Ok, ang assuming ko naman. Sana man lang sinabi niya na, sinusundan kita. Di bale na. Aasa na naman kasi ako, hindi nga kasi kami bagay. Tss.
"Ah. Sige una na ko."
"Teka!" Sabay ngiti siya sa'kin. Ayy, ang hawt mo! Ehhh, napapa-ngiti ako deep inside eh. Nakakainis naman. Tss.
"Samahan mo muna ako. Di pa ko nakakapili ng damit eh. Tulungan mo ako." sabay ngiti uli. Nakaka-tunaw, shemaay!
Habang namimili siya ng damit, panay ang tingin ko sa kanya. Siguro kung may secret camera lang ako sa may mata, malamang marami na akong nakuhang stolen pictures nya. Ang gwapo niya kasi eh. Pero kelangan ko pa rin sila layuan. Especially, siya. Si Harold. Harold Cruz. Ang lalaking nakakainlove.
"Hmm, Aer. Ano sa tingin mo dito?" Sabay taas ng damit na bagay na bagay sa lola niya. Pati ang kulay ay bagay rin. Ang galing niyang mamili ah.
"Ayos. Maganda siya. Bagay kay Ma'am Liz."
"Sige, bayaran ko na 'to sa counter. Tara."
Habang nagbabayad siya, hinahantay ko siya sa may tapat ng couple shirts. Ang awkward nga tumayo dito dahil couple. What do you expect?!
"Aer, hindi mo naman kelangan tumayo dyan. Sabihin mo lang sa'kin na gusto mo niyan. Tara, bilhan na kita!"
"O-Oy! Di ko gusto 'to ah. Nagkataon lang na dito ako napatayo. Hmp!"
"Haha ang cute mo. Sukat na natin 'to." yaya niya sa'kin. Mukhang pulang-pula na ako nito ah. Dumiretso na siya ng fitting room.
Pumasok na lang rin ako sa fitting room, nakakahiya kasi eh. Imagine, couple shirt? Couple shirt!? -,-
Pagkasuot ko ng shirt, tinignan ko sarili ko sa salamin. Mukhang ayos naman yung suot ko na shirt at tokong. Lumabas na ako ng stall kung nasan ako at pagkalabas ko nandun na rin si Harold.
"Ok na po ba, sir? Kunin ko na lang po ang price tag." sabi sa kanya nung saleslady. At dahil no one touches my boy, ako na ang nag-volunteer na magtanggal ng price tag.
Habang tinatanggal ko yung tag sa likod niya, bumulong siya.
"Di ko alam na sweet ka pala."
"Ayoko lang na may ibang humahawak sa'yo."
"Protective pa. Aray!"
Kinurot ko yung sa may batok niya. Ang kulit eh. Teka, bakit ko nga ba nasabi yun? Argh, erase erase. Tinanggal niya rin yung tag sa likod ko. Mukha talaga kaming couple nito eh.
"Ito na, miss. Salamat."
Ang gwapo niya tignan habang nakangiti. Oo, alam kong gwapo na talaga siya pero mas gumwapo siya sa suot niya. At terno pa kami. Ayts :')
"Yan, pareho na tayo. Bagay talaga. Tara, kain muna tayo."
"A-ah sige."
Pagkalabas namin, pinagtitinginan kami ng mga tao. Gan'to ba kami ka-weird tignan? Pero siya naman nakangiti lang na parang walang nangyayari. Nakakainis! How could he stay calm?
"Pwede ba hawakan ang kamay mo?" tanong niya. Ano ba, Aerith? Magpapakipot ka pa ba? Hello, isang gwapong nilalang ang nasa harap mo oh! Magpapa-Maria Clara ka ba? May tinatagong landi rin yun, kaya um-oo ka na!
"Sige, ok lang. Pero baka basa kasi pasmado ako eh. Ayos lang ba?"
"Oo naman. Kahit mangulubot at kung ano pa mangyari sa kamay mo, hahawak at hahawakan ko pa rin ito. Mahal ata kita." sabay ngiti ng tipid. Bakit ganyan ka sa'kin? Ang lakas ng tama ko sa'yo. Shemay.
Lumabas na kami ng Dept. Store at dumiretso sa isang Italian restaurant. Siya na ang umorder at mag-hintay na lang daw kami ng inorder niya.
"Kamusta ka naman?" nabigla ako sa tanong niya. Bakit niya ako tatanungin ng parang walang nangyari nung isang gabi? Nakakahiya.
"I'm sorry." sabay pa kami ng pagkasabi. Mukhang nabasa niya ang sasabihin ko.
"Nakakatuwa. Parehas uli tayo ng sinabi." habang tumatawa siya. Ang weird namin. Nakakatuwa nga.
"Sorry dahil iniwan ko kayo doon na nag-hihintay. Sorry dahil bigla akong umalis. Sorry sa lahat." paliwanag ko.
"Sorry. Alam ko na dahil sa akin kung bakit ka bigla biglang umalis. Narinig ko na may nag-uusap sa may cr. I'm so sorry, Aerith. Ni hindi man lang kita napagtanggol. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa yun. I'm very sorry." sabi naman niya.
Grabe, ang drama namin. Buti na lang at biglang dumating yung pagkain. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naiinis ako sa sarili ko, kung bakit ako naduwag. Kung bakit ganun ang nangyari. Ang gulo, grabe.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako sa bahay. Mukhang pagod rin siya. Bago ako bumaba ng kotse niya, may sinabi siya.
"Aerith, ayoko ng magpakaduwag. Gusto kitang protektahan. Ayokong mawala ka pa sa'kin."
Huminto siya sa pagsasalita at akala ko ay tapos na siya. Pero may sinabi pa siya.
"I love you. Why can't you love me back?"

BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?