-9:30am sa church-
Sa Kanya ako agad humingi ng tulong. Kelangan ko ng lakas para sa paghingi ko ng tawad sa kanila. Di ko naman magagawa 'to ng ako lang di ba? Kaya nandito ako, nakaupo habang nakikinig sa Pastor.
Naalala ko nung nalaman ko na dito rin pala nagchu-church si Harold. Natawa ako nun dahil hindi ko naman aakalain na nagsisimba pala siya. Nakakatuwa lang. Kamusta na kaya siya? Ayos lang kaya un?
"Sabi nga, People will always find a reason to judge you. Just don't listen. Pero ako, hindi ako aprub sa huling sentence. Bakit hindi ka makikinig? Natatakot ka ba sa sasabihin nila? Alam naman natin na kahit ano ang gawin mo, masama man o hindi. May mga tao pa rin na nandyan, huhusgahan ka. Kahit hindi nila alam ung rason kung bakit ka nagkakaganyan. Pero kelangan mo pa rin makinig sa kanila kung ano ang ginagawa mo, yun ka sa paningin ng iba. Hindi ko sinasabi na baguhin mo sarili mo para sa kanila, sinasabi ko kahit ano ka pa, andyan Sya. Handa Syang makinig sa'yo..." Sermon ni Pastor Gabriel.
Buti talaga at dito ko naisipan pumunta. Alam ko lahat ng nararanasan ko ngayon may rason. Gumagamit Sya ng ibang tao para ipakita sa akin na hindi ako nag-iisa sa buhay. Pagkatapos na pagkatapos ng service, alam ko na kung san ako pupunta...
Syempre sa McDo. Nakakagutom kaya,wala pa akong breakfast. Kelangan mag-brunch muna ako bago ako humingi ng sorry sa kanila. Syempre kelangan may plano muna ako. Hmm, AH! Alam ko na. Pero.. Kakain muna ako. Hahahaha!
Harold's POV
Nakakamiss si Aerith. Namimiss ko ung itsura niya, ung boses niya, ung buhok niya.. Pero siya talaga ang miss na miss na miss ko na. Gusto ko siya kausapin dahil alam ko na may rason kung bakit niya kami iniwan doon. Kung bakit hanggang ngayon di pa rin siya nagpapakita sa'min. Nakwento ko kay Lola ang nangyari at sinabi niyang kakausapin niya si Aerith. Nakausap na nga ba?
Gusto ko rin mag-sorry. Baka kasi ako ang dahilan kung bakit siya umalis kaagad. Ewan ko, feeling ko kasi. Saka may mga narinig ako noon eh. Tungkol sa kanya. Nasaktan ako ng sobra noon, dahil alam ko na tungkol sa kanya ang pinagU-usapan.
>Flashback<
Nandito ako ngayon sa school ni lola. Gusto ko kasi siya bisitahin eh. Si lola talaga, napaka-close ko sa kanya. Ang teenager niya kasi kumilos.
Habang naglalakad ako, may narinig akong nag-uusap. Oo, narinig ko kahit na mahina usapan nila. Malakas ata pandinig ko!
"Uiiii, ang gwapo talaga ng apo ni Ma'am Liz!"
Ugh, nakakainis talaga kapag ganyan. Sana naman alam nila na gustong-gusto ko si Aerith eh.
"Pero alam mo ba na may malanding babae, na palagi umaaligid sa kanya?"
"Like duh, oo kaya. She's so landi. Pero she's kinda maganda naman. But kahit na! She's not bagay kay Harold."
Arrrgh! Nakakainis! Alam kong si Aerith na pinag-uusapan nila. At napaka-conyo naman na babaeng 'to. Sabihan ba naman daw si Aerith na panget! Mas maganda pa si Aerith sa'yo. Dyosa siya.
"La, pwede po bang walang discrimination sa school na 'to?" Tanong ko kay lola. Naawa naman kasi ako kay Aerith. Pinag-uusapan siya ng dahil sa akin. Hays.
"Bakit? Ano bang meron?" tanong naman ni lola. Tapos ayun, kwinento ko na sa kanya lahat lahat. Grabe, muntik na ako maiyak ha :(
"Sige, sosolusyunan natin yan. Pero kakausapin ko muna si Aerith."
"Thanks, lola. I love you talaga!"
>END<
Sana makausap ko na si Aerith.
Teka teka, si Aerith ba 'tong nakikita ko? Nasa... Ladies section!? Di nga?
BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?