7:00am
Hanggang ngayon di ko pa rin matanggal sa isip ko na sinabihan niya ako ng 'I love you.' Isa kasi iyon sa salitang hindi madaling bitawan kaya di ko rin alam ang irereply sa kanya. Ito lang ang reply ko, "Thank you rin po sa lahat. Nighty-night. -.-zzZ" Di ba, di ko rineplayan ung ily niya. Ugh.
"Ui, Aer. 'Lalim nang iniisip mo ngayon ah. Kanina pa kasi kita tinatawag eh." Tanong ni Raine. Naku, nakakahiya naman sa kanya. Di ko siya napansin dahil iniisip ko pa rin ung tungkol kay Kuya Harold. Ang laki ng epekto niya sa'kin nuh? :) "Ah e-eh, ano ba un?" Sabi ko na lang. Nakakahiya talaga. "Tinatanong ko lang kasi kung nasan si MJ." Tanong niya. Oy ah, I smell something fishy dito ah. Mwehahaha. I'll play cupid para sa kanilang dalawa. "Si MJ ba? Alam ko hinahanap ka rin niya eh. Teka, tatawagan ko lang." Oo, tatawagan tutal wala rin naman kaming teacher sa first subject. Lumayo ako ng konti kay Raine para di niya marinig ang plano ko.
"Kulaw, tawag ka ni Raine. Kita daw kayo sa cafeteria. Dun sa may table 20"
"Ha? Bakit daw?"
"Ewan ko, nasan ka ba?"
"Dito sa rooftop. Teka, bababa na lang ako dun sa caf."
"Sige. Sabihin ko nalang."
"Ge."
*Call ended*
Ganun ako makipagusap. Walang babye babye, walang hello hello. Bonggang di ba? "Raine, dun daw siya sa cafeteria. Sa table 20. Punta ka na lang dun." Sabi ko kay Raine habang nakangiti nang super laki. "Ah, sige. Salamat!" Sabi rin niya habang patakbong pupunta ng cafeteria. Ayiiee, ano kaya gagawin nila? Kakain nang sabay? Iinom sa isang baso? Aish, kinikilig na ako.
Pero teka. Problemahin muna natin ung akin. Uwaaaah! Naalala ko bukas na pala ung camp, buti nakahanda na ung mga gamit ko. 3 days at 2 nights pa man din un. Sana ma-enjoy ko naman.
"Aer, anyare? Nakita ko si MJ may kasamang lalaki, tapos kaholding hands niya." Bungad sa'kin ni Grazielle. HUWAAAAT! Lagot! Ano ba si MJ? Is he turning to be a gay? "Ha? Eh kasama niya kanina si Raine ah." Sabi ko kasi gulat na gulat talaga ako. "Ang alam ko--" Naputol ito dahil dumating na si MJ.
"Ui, 'Kulaw at Taba. Tara, kain tayo." Sabi niya na parang walang tinatago. Ah, lagot ka sa'kin! "Oo, at may kelangan tayong pag-usapan." Hinila ko siya at sumunod si Grazielle.
Pumunta kami sa rooftop at tinapat ko na siya. "MJ, ikwento mo sa'min ang nangyari sa inyo ni Raine." Sabi ko na galit ang mukha. Tss. "Ano naman ikweikwento ko?" Tanong niya. "Michael Jacob Dimayuga! MagkweKwento ka ba o ano?" Sigaw ni Grazielle. Paktay! Pag nag-gan'to na siya alam na naming galit na galit na siya.
"Kasi sinabi lang sa'kin ni Raine na magkagrupo tayo sa survival camp. Tapos tinanong ko kung iyon lang ba ang sasabihin niya. Sabi naman niya, may gusto pa rin daw siya sakin. Sabi ko naman gusto rin kita pero bilang kaibigan lang tapos un umiyak na siya." Kwento ni Mj. "Umamin ka na." Sabi ni Grazielle. "Oo, nababakla na ako. Sobra ako nasaktan nung maghiwalay kami ni Raine. Sobrang sakit. Pero ang mga kaibigan kong lalaki, imbes na tulungan ako pinagkatuwaan pa ako. May ginawa sila sa'kin. Noong una, nandiri ako pero unti unti ay nagustuhan ko ito. Nababakla na talaga ako." Mahabang explaination ni MJ. Grabe maka-confess si MJ. Nalungkot ako para sa kaibigan ko. "MJ, nandito lang kami ni Grazielle, kahit anong mangyari sa'yo. Bestfriends tayo di ba? Sa lahat ng lungkot, saya, hirap o kung ano pa magkakasama tayo. Basta next time no more secrets na ah." Sabi ko sa kanya to assure him. "Hahaha, sige na. Tara na mamaya nandun na si Dora." Sabi niya. I'm glad he is doing well.
Teka, bukas na pala ung camp. Uggggh.
BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?