Chapter 5

29 0 0
                                    

10:00am SM Megamall

"Oy! Bakulaw Taba, kanina pa kayo? Kain na tayo." Sabi ko nung nakita ko sila sa Tropical Hut. Malaki kasi chicken nila dito kaya gusto ko dito, syempre gutom na ako eh. "Ang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami dito." Sabi ni Taba. "Nagpapakamalan na nga kaming mag-on dito eh. Yuck!" Reklamo nman ni MJ. Grabe naman siya. Bagay nga sila eh. Dahil nga gutom na kami, pumasok na kami sa Tropical Hut at nag-order na.

Habang kumakain, may nagtext sa'kin.

Crush ko

*Ui, dito ka ba ngayon sa Tropical Hut ng SM Megamall?*

Hah? Pano niya nalaman na nandito ako?

*Ah, opo. Bakit po?*

Nagulat na lang ako at nakatingin na sa akin sila Grazielle at MJ. Magkatabi kasi silang dalawa at ako nakatalikod kaya hindi ko alam kung sino ang tinitignan nila kaya tumingin ako sa likod ko. At OHMMYYY! Bakit andito si crush? At sino 'tong magandang babaeng kasama niya?

"Hi, Aerith." Bati sa'kin ni Kuya Harold na nakangiti. "U-uhm, h-hello po." Bakit ako nauutal? Narinig kong nagpipigil nang tawa ung dalawang kasama ko. Che, lagot 'to sakin mamaya.

"Ah, ito pala si Ate Helen. Kapatid ko." Napansin niya siguro na nauutal ako kaya nya sinabi un. In fairness, maganda ang ate niya kaya di maiwasang mapagkamalang sila. "Nice to meet you po." Sabi ko sa ate niya. Mukha naman itong mabait kaya no worries ako. "Hello Aerith. Alam mo bang madaming nakwukwento sa'king 'tong si Harold tungkol sa'yo. At tama nga siya. Sobrang ganda mo!" Sabi sa akin ng ate niya. Nahiya ang beauty ko dun ah. Ibig sabihin ba, tanggap ako ng ate niya? YEHEY! Haha napaka-assumera ko ew.

"Ah, h-hehe." Yun na lang nasabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Ay, pasensya ka na Aerith. Kelangan na kasi naming umalis. Bah-bye MJ at Grazielle!" Sabi ni Kuya Harold habang papaalis na sila.

"HAHAHAHAHAHA, kung nakita mo lang mukha mo panigurado matatawa ka nang todo! HAHAHAHA!" Sabi ni Grazielle habang humahalgapak sa tawa. Ugh, nakakahiya talaga silang kasama. "HAHAHAHAHA, oo nga Bakulaw! Halatang nagseselos ka sa ate ni Kuya Harold. HAHAHAHA!" Sabi naman ni MJ. Uggh, grabe silang dalawa. "Pag di pa kayong tumigil dyang dalawa, di ko kayo ililibre ng sine. Che, bahala kayo." Sabi ko habang nag-akmang papaalis na, saka hinatak ni MJ kamay ko. Sabi na nga ba di nila ma-take ugali ko kapag nagtatampo. Mwahahaha!!

"Oh, bakit ka aalis? Tara na, Taba. Sundan na natin 'tong si Bakulaw, mamaya mag-pakamatay pa 'to sa kahihiyan." Sabi ni MJ habang patayo na sa upuan at binitawan nya na rin ang kamay ko. Grabe, kala masaya kaming magsasama may kahihiyan pa rin pala. "-,-

Pagkalabas namin sa Tropical Hut, dumiretso na kami agad sa Cinema. Ugh, ang babaduy naman nang palabas. Sila na ang namili nang papanoorin kaya hindi ko alam kung anong title nun. Bahala na. Di ko na rin inalam kahit nung nasa loob kami ng sinehan. Ok naman ung palabas. May lalaking gangster na may gusto sa magandang babae na kapangalan ng bida kaya nag-plano sila na pag-selosin ung girl. Basta yun na un. Inubos ko ung popcorn na binili namin butter flavored pa man din.

Pagkalabas namin sa sinehan, dumiretso kami sa Timezone. Oo, isip-bata talaga kami mula pa noon. Hay grabe kapagod. Pero masaya talaga lalo na kung sila ang kasama. "Oh, ano? Sasama ka na ba sa survival camp?" Tanong ko kay MJ habang naglalaro kami ng arcade games. Sabi ko nga kasi sa inyo, gamer ako kaya di pwedeng mawala 'to sakin. "Oo, sinabi ko na rin kila mama at pumayag na rin sila kaya ayos lang kahit andun si Raine. Basta wak niyo kong iwan na siya ang kasama. Di ko kire 'te!--" Huwaat! Si MJ ba talaga ang kasama ko ngaun? Tama na ba ang naiisip ko? Bumibigay na nga ba siya? "---I mean, ayokong makasama siya. No way!" "Ah, wak kang mag-alala di ka namin iiwan na siya ang kasama. Lalo na kung may past kayo." Sabi ni Grazielle, buti na lang magaling 'to magpick-up ng mga usapan. Di siya slow.

Pagkatapos nun ay kanya kanya na kami ng uwi. Di na kami kumain dahil alam kong nagluto na ang mga magulang namin sa kanyang kanyang bahay kaya umuwi na lang talaga kami. Hay naku, nakakapagod at nakakagutom. Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong nang aking mga doggies. Stress reliever talaga 'tong mga 'to. Nag-mano na ako kay mommy saka kami sabay kumain. Oo, ganto lang kami palagi. Kung tutuusin di talaga kami close. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga. Tinignan ko ang phone ko kung may nagtext at meron nga.

3 messages received

Grazielle Taba

*Thank you kanina. :* Sleepwell*

MJ Bakulaw

*Salamat kanina. Nag-enjoy ako. Labyou, babes!*

Crush ko

*BTW, ang cute mo magselos. :)*

Ang ganda naman ng araw ko T____T

You AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon