Chapter 6

24 0 0
                                    

9:30am

Nasa church ako ngayon. Ang dami ng tao ha. Ah, buti linead ako ng decon doon sa may bakanteng upuan. At ano ba naman 'tong nakikita ko papunta dun!? Kuya Harold! Bakit nandito ka? "Ui, Ms. Mizushima. Bakit andito ka?" Alam mo bang yan rin ang gusto kong itanong sa'yo? Ang gwapo niya sa suot niya ha. Polo shirt at jeans saka naka-Vans. Sobrang simple pero ang lakas ng appeal. "Ah eh, di ko po alam na ka-church kita." Sabi ko na lang habang nakangiti.

Nagsimula na ung service sa church. Di ko maiwasang di siya tignan. Grabe, super simple talaga ng porma niya. Ah, di ko pa nga pala siya ina-add sa FB. Hahaha, makakalimutin talaga tss.

"There is no fear in love; but perfect love casts out fear. -- John 4:18" Iyon ang message ng pastor namin na si Ptr. Ramirez. "Narinig mo iyon? 'There is no fear in love', kaya pagbigyan mo na ako." Narinig kong sabi niya. Grabe siya makadikta talaga ha! Kung alam lang niya sana ang tungkol sa past ko. Hay.

"Ui, kanina mo pa ako di pinapansin ah. Tara kain na tayo. Tapos na ang service." Sabi niya habang tatayo na ako at maglalakad paalis. Alam niyang weakness ko ang pagkain ah. How cool is that!

"Ok ok, tara na po." Sabi ko para makakain na rin at merong makasabay sa pagkain. Doon kami sa Tokyo Tokyo kumain, syempre alam ko ang menu dun, duh? Trinay niyang gumamit nang chopsticks, but sadly he failed. Tawa lang ako ng tawa dahil sobrang nakakatawa tignan habang kinukuha niya ung stir fry.

"Grabe ka naman makatawa. Mamaya ma-inlove ka na niyan sa'kin." Bigla ako tumigil sa kakatawa. Yung tataa? Ako maiinlove sa kanya? ABA SYEMPRE OONG OO! "Huh, ok ka lang kuya? Spell ASA. Baka gutom lang 'yan. Kain ka pa ah." Sabi ko habang kumakain ako ng kumakain. Boohoo. Nasaktan ko ata, di na siya umiimik. Hala! :/

"Sorry." Sabi ko habang nakayuko. "Seryoso naman kasi ako sa'yo ikaw lang talaga ang may ayaw. Sabagay, 17 ka palang. There's still more time to decide." Sabi niya ng seryoso. Uwah! Di ako sanay nang seryoso siya. "A-ah, haha!" Un na lang ang nasabi ko. Grabe kasi kaba ko nun.

"Hatid na kita. Tara, punta tayo sa parking lot. Nandun kasi car ko." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Nasabi ko na ba na I think holding hands is gross? Sa tingin ko kasi you should hold hands if you really loved each other at kung may deep meaning pa ito sa inyo. "A-ah, kahit wag na po. Ako na lang." Sabi ko habang tatanggalin na sana ung kamay ko sa kamay niya. Pero mas lalo pa niya 'tong hinigpitan. Jeez. "Ano ka ba? Nililigawan kita at gusto kita ihatid sa bahay nyo. Sabihin mo na sa akin kung saan iyon at ng maihatid ka na." Sabi niya ng may halong pag-aalala. Makakatanggi pa ba ako? :) "O-ok po." 

Sa kotse niya tahimik kaming dalawa at super awkward! Duh? "Ah, dito na lang po sa tabi." Sabi ko buti na lang nakarating na kami. Di ko na kasi kaya ung awkwardness dun eh. Haha! "Di na ko papasok ah. Alis na ko. Sige, bye." Sabi niya habang inalalayan ako bumababa ng car. "Ah, sige po. Ingat." Sabi ko sa kanya at umalis na rin siya.

Pumasok na ako sa gate at meron akong naririnig na tawanan. Sino na naman 'tong bwisita dito? Ugh. Pagdating ko sa loob nakita ko si mommy at ung kim tapos may 2 lalaki. Sino 'to? "Oh, Yuna. Nandiyan ka na pala." Sabi ni mommy habang nagmamano ako sa kanilang dalawa ng kim. "Ah, opo. Tapos na po ako kumain. Akyat na po ako, may tatapusin pa po kasi ako." Sabi ko habang papaakyat na sa hagdan. "Teka, ito pala si Kuya Aisu at si Kuya Dex mo. Anak sila ni Tito Lex mo." Nag-wave na lang ako dun sa dalawa at ngumiti. Pagkatapos ko gawin un, umakyat na ako.

1 message received

Crush ko

"Thank you sa ngayong araw. Nag-enjoy ako. Sana may susunod pa. Love you, Aer. :* "

OHHMMYYY! >///////<

You AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon