Chapter 14

12 0 0
                                    

11:00am

Nandito kaming dalawa sa isang kilalang resto. Grabe, ang bongga niya ha. Dito pa ako pinakain. Okay lang naman daw un kasi kami na naman daw kaya ayos lang. "Oh, order ka na. Kahit ilan, alam ko naman na 'MATAKAW' ka." Sabi niya habang tawa ng tawa. Naka-emphasis talaga ang 'matakaw' ha. Bawian ko nga 'to. "Sige. 3 capuccino shake 4 na order ng tonkatsu at 10 order ng katsu-don at saka 3 crepe 5 eclairs at 3 blueberry cheseecake. Thank youu!!" Sabi ko habang nakangiti. Haha, masaya 'to. Umorder na rin siya kaya umalis na ung waiter at binigay ung order namin sa loob.

"Aer, gusto ko sanang magsama sa'yo." Sabi niya habang hinahantay ung order namin. Grabe, ang gwapo ng boses niya at ang hinahon pa. "Saan naman?" Tanong ko. "Sa hearing ni papa."

-Flashback 2 years ago-

>Harold's POV

"Urgghhh, a-ano ba ang g-g-gusto mo?" Sabi ni papa habang akmang sasaksakin na siya ng lalaki sa leeg. "Gusto ko lang naman sanang patayin ka dahil gusto kong nakawin ang motor niyo. Bwiset ka! Mamatay ka na!" Sabi naman nung lalaki, mukhang NPA 'to kung magsalita. Gusto ko sana humingi ng tulong pero hindi ko magawa, lalo na kung sinabi ni papa na magtago ako sa dilim at wag iimik o gagawa nang makakapansin sa killer. "Papa!" Lakas loob kong sinigaw habang tumatakbo at tutulakin ang lalaki. Masyadong malakas ang pagka-tulak ko sa lalaki kaya natumba siya at nabitawan ang kutsilyong hawak niya kanina. "Harold! Sinabi ko sa'yong wag kang gagalaw sa pwesto mo eh!" Pagalit sa'kin ni papa pero alam kong nag-aalala siya. "Ah, at kasama mo pa talaga ang anak mo dito ah. Ngayon, parehas ko kayong papatayin!" Sabi nung lalaki habang nagdadasal na kami ni papa na sana makahingi nang tulong si mama agad.

"Bitawan mo yang hawak mo at itaas ang kamay mo." Sabi nung isang pulis habang kumukuha nang handcuffs. Hindi naman binitawan nang lalaki ang kanyang kutsilyo at akmang susugurin ang papa ko at ako. Pero nung sasaksakin na niya kami, biglang siyang sinipa ni mama. Nahulog ang cap na suot niya at dahil nakita namin ang mukha niya, tumakbo siya papalayo at sinundan nang mga pulis.

Simula noon ay hindi na namin siya nakita.

-END-

"K-kuya.." Sabi ko. Hindi ko aakalain na ganun ka-dark ang past niya. Grabe, nalungkot ako bigla. Naku naman! "Wag kang mag-alala, Aer. Gusto ko lang sana suportahan mo ako." Sabi naman niya na merong nakaka-awang mukha. Kitang kita sa mata niya ang lungkot. "Sige, sasama ako. Basta pagkatapos na natin kumain." Sabi ko habang nakangiti. Pinapagaan ko lang naman ang loob niya. "Hahaha, ikaw talaga. Puro pagkain. Oh, andyan na pala ang food natin eh." Sabi niya habang nilingon ang waiter. Nilagay na ng waiter ang pagkain namin sa table at kumain na kami. Lord, tulungan mo ako mamaya. Uwaah!

2:00pm Court Hearing

Nakita ko kung pano tignan nang papa ni Kuya Harold ang lalaki. Sa wakas ay nagkita rin silang dalawa. Namumula na si Kuya Harold at ang papa niya sa galit. Hinawakan naman ng mama niya ang kamay ng papa niya. Ginawa ko rin ito at hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

Naging maayos naman ang lahat. Nabigyan na ng kaso ang lalaki, pero bago pa man yun ay napatawad na siya ng pamilya ni Harold. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang resto na naman. Ang yaman talaga nila.

"So, Ms. Mizushima. Will you tell us something about yourself?" Sabi ni Mr. Cruz. Nakakaba siya magsalita, grabe. "U-Uhm, I love to play video games, Sir. I also tend to eat a lot, but because of my metabolism I never experienced gaining too much weight." Sabi ko. Mukhabg hindi naman kainteresado ung paliwanag ko.

"Is that so? So, what kind of video games do you play?" Tanong naman ni Mrs. Cruz. Mas mukhang mabait si Mrs. Cruz kesa kay Mr. Cruz. Kasama rin pala namin ang ate ni Harold na kinaselosan ko. "Rpg types, Ma'am. I own a big collection of RPGs." Sabi ko. Mukhang natuwa naman si Mrs. Cruz. Ewan ko kung bakit, pero naging masiyahin na rin ung mukha ni Mr. Cruz.

Pagkatapos ng dinner namin ay nagpaalam na kami sa magulang at kapatid ni Harold at sinabi niya rin na ihahatid niya ako.

Pagdating naming dalawa sa kotse, sobrang tahimik. Nagpapakiramdaman pa kami kung sino ang unang magsasalita.

Siya na ang unang nagsalita. Di niya talaga ako matitiis. Yiiieee. "A-Aerith. Thank you ha. Thank you dahil ikaw ang naging kalakasan ko kanina. Nakapagpigil ako ng emosyon ko dahil sa'yo. Thank you talaga ng marami."

"Naku, ayos lang. Ginawa ko un para sa bayad ng mga libreng pagkain ko sa'yo." Natawa naman siya sa sinabi ko. Buti na lang at naging maayos ang lahat.

Nasa may bahay na namin kami. Bago ako bumaba, binigyan niya ako ng isang maliit na box. "Buksan mo yan pag nasa loob ka na ng kwarto mo. Thank you uli." Sabay kiniss niya ang noo ko. For me, pag kiniss ang noo ko it means that someone respects me. At sobrang natuwa ako that time. Nagpaalam na rin ako sa kanya at pumasok na ng bahay.

Pagkapasok ko ng gate, binuksan ko ang mailbox. Kinuha ko un at binasa. Mukhang para kay mommy un, kaya hindi ko na ito kinuha at dumiretso na ako sa kwarto.

Pagkarating ko sa kwarto, binuksan ko na ung box na bigay ni Harold. At napangiti ako sa nakita ko.

Isang necklace na ang pendant ay pokeball. At may note sa loob na...

If you are a pokemon, I'D CHOOSE YOU <3

NAKAKAKILIG! >//////<

You AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon