Chapter 8

21 0 0
                                    

5:30am

Ang aga ko, nuh? Nandito na kasi ako sa school. Sabi ko nga, survival camp na ngayon. At oo, sobrang excited ako! Trip ko kasi ang adventure at gusto ko lagi may thrill kaya nga lagi ako naglalaro ng RPG eh. Kasama ko na rin sila Grazielle at MJ. Naging okay na kami simula kahapon. Kami kami pa lang ang nakakaalam tungkol doon, ni hindi pa alam ng magulang niya. Pero nag-agree kami na hihiwalayan na niya ang boyfriend niya. Oo, di ba? Ang galing, siya may boyfriend kami wala. HAHA! T__T

"Kulaw, nandito pala boyfriend mo eh." Bulong sa'kin ni MJ. Sinabi ko na rin sa kanila yung tungkol kay Kuya Harold. Puro 'ayiiieee' ang narinig ko sa kanila. Sinabihan na rin pala nila ako na tigilan ko na ung pag-'po' ko kay Kuya Harold, dahil ang awkward kung maging kami eh di sanay na ako mag-'po' kadiri daw. Dami talaga nilang alam.

"Hala! Itago nyo ako. Itago nyo ko!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Nagtawanan silang dalawa. "Alam mo, kahit itago ka namin. Alam nya kaya na klase natin ang may camp ngayon." Sabi naman sa'kin ni Grazielle. Oo nga pala. Ang baliw baliw ko naman. Ba't ba ako di nag-iisip!? "Hi Aerith, Hi Grazielle! Hello, Michael." Nakangiting bati sa'min ni Raine. Buti pinapansin niya si MJ. Kala ko magiging bitter siya eh, pero mukha naman sila ok.

"Ok, guys. This is it. Ituloy na natin lahat ng plinano natin para sa camp na 'to." Sigaw ko. Ako kasi ang leader, ang galing nuh? I got a really good leadership thingy. "Who are we!?" "WE ARE BENJAMIN. WE ARE HERE TO FIGHT, WE ARE HERE TO SURVIVE!" Ito ang itinuro ko sa kanila. Oh di ba, bonggacious! "Una nating gagawin ay ang iaayos ang mga tent nyo para mailagay na natin ang inyong mga gamit. Pagkatapos niyo gawin un, tawagin nyo ako para makapag-ready tayo. Just in case." Sabi ko tapos inaayos na namin ung tent namin nila Grazielle. 3 kami sa tent. Oks lang un kahit na may boy na kasama. May tiwala naman kasi kami dito eh. Safe kami sa kanya.

"Ok guys, ayos na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila. "YES LEADER!" Sagot naman nilang lahat. "Ok, mag-ayos kayo lahat. May pupuntahan pa tayong school para sa gift-giving natin. Kelangan friendly kayo ha! Tapos wak kayo lalayo para makabalik tayo agad. Magdala rin kayo nang water nyo para di tayo madehydrate." Sabi ko. Sinunod naman nila ako. Alam naman nilang lahat na natural leader na ako kaya ayos lang sila sa akin di sila ilang.

"Hi Aer!" Sabi ni Kuya Harold. "Hello." Sabi ko habang nakangiti sa kanya. "Sasama ka ba dun sa gift-giving? Hihi." Tanong niya. Aww, may kabaitan rin pala siya eh. Natuwa ako dun sa 'hihi' niya. Nagmukha tuloy siyang girly girly. Yiiiieeee <3 "Ah, oo. Sabay ka na sa'min." Sabi ko. Di ba, drinop ko na ung 'po' thing. Mukha naman di siya nagulat kaya tinuloy kong gawin un. "Ah sige. Kilala ko naman ung mga bata kaya ipapakilala ko rin ang grupo niyo." "Salamat." Sagot ko habang todo ngiti.

Nandito na kami sa school. Pina-ayos ko ang grupo ko para makuha namin ang best team award. "Ok people. This is the Gumayapak Elementary School. You will be assigned in different grade. Benjamin, you will be assigned in Grade 6-Rizal..." Tapos binanggit na ni Ma'am Liz lahat ng group para sa kanilang assignment. Sumama sa'min si Kuya Harold. Sinabi niya samin na wag kami mailang sa mga bata dahil super bait nila.

"Hello Grade 6-Rizal!" Bati ni Kuya Harold habang papasok kami. "KUUUUYAAA HAROOOLD!" Sigaw nang mga bata. Bagay talaga sa mga lalaki ang malapit sa bata. "Benjamin group, this Grade 6-Rizal. Sila ang star section ng buong grade 6 dito. Mga bata, gusto ko ipakilala sa inyo ang Benjamin Group. Siguro naman nabalitaan nyo ang tungkol sa gift-giving namin di ba? Sila ang magbibigay nang gift sa inyo. Gusto ko rin sa inyo ipakilala ang leader nila na si Ate Aerith." Mahaba niyang explaination. Pero teka, bakit nakatingin sila sa'kin? "Siya ang sinabi ko sa inyo na babaeng gustong gusto ko." Sabi niya habang kinukuha ang kamay ko at pumunta sa harapan nang mga bata. Nakakahiya >/////<

"Ate Aerith, alam mo ba ang daming nagkakagusto diyan kay Kuya Harold. Ang gwapo niya kasi at napaka-caring." Tsismis sa'kin nung valedictorian nila. "Oo nga Ate!" Sigaw nung iba. "Talaga? Buti napaka-close niyo sa kanya. Kala ko kasi masungit un eh." Sabi ko habang binibigyan sila nang iba't ibang regalo. "Naku, Ate. Sobrang bait po niya talaga. Kaya nga po bless ka po sobra." Sabi nung valedictorian. "Salamat." Un na lang sinabi ko habang nakangiti sa kanila.

"Goodbye and thank you, Benjamin group!" Sabay sabay na sabi sa'min ng mga bata. Ang babait talaga nila. Biruin mo linibre pa ako nung isang lalaki at inasar siya nang mga kaklase niya na may gusto raw siya sa'kin. Nakitawa na lang ako. Sana makabalik pa ako uli dito, kahit sa 3rd day lang. "Bye, Ate Aerith! Wag mong kalimutan ung sinabi ko ah!" Sabi nung valedictorian habang nagwaWave nang goodbye sa akin. "Bye! Try kong bumalik, promise!" Un na lang sinabi ko. Pero habang papabalik na kami sa campsite, naalala ko kung bakit ko nasabi un? Mamaya baka sabihin niya pinapaasa ko lang siya. Arrrgghh.

"Aerith, natuwa ako at gusto ka nang mga bata---"

"Para sa'kin."

Bumibilis ang tibok nang puso ko, uyyy. <3

You AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon