"..Para sayo hihintayin kita."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Kaka-birthday ko lang please, ayoko pa ng stress. Hindi pa ako ready sa commitment. Takot ako sa mga sinasabi nila kapag nakikipag-commit sila. Takot akong masaktan.
Di ko maiwasang mapaluha sa sinabi niya, pero yinakap niya lang ako. Hindi niya na pinilit ung sinasabi niya kanina. Mukhang hihintayin niya talaga ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Pagkatapos ng presentation niya ay meron ng mga 18 echos echos. Hindi ko naman kilala ang mga pumunta dahil hindi naman ako ang nag-invite. Kaya ginawa ko na lang lahat ng sinasabi ng emcee.
Pagdating sa 18 Roses, si Harold ang unang sinayaw ako. First time kong sumayaw, pero ayos naman. Naging maayos ito kahit na di ako marunong sumayaw. Ang sumunod ay si MJ, nakipag-kulitan pa sa'kin ang kulaw. Tss.
Last dance ko ay si Jer. "Oi, pusa!" Sabi niya sa'kin. Saan naman nya nakuha yang pusa pusa na yan? "Aso. Tss." Sabi ko. Ksi di ba, nkakatakot ang aso? Para kasing nakakatakot siya eh.
"Anong aso? Aba pusa ka ah."
"Di ba, nakakatakot ang aso? Para kang ganun!"
"Eh ikaw pusa! Tss."
"Ayos nang pusa, cute naman. Eh ikaw, aso? Nakakatakot."
"Crush mo naman." Ha? Anong crush? Matino ba 'tong kasayaw ko? Hmm, may looks siya pero hindi ko siya crush. Ano ko ba siya? Acquintance. Oo, tama. Acquintance ko lang siya. Ewan ko ba, natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang 18 Roses kung di pa nya ako bibitawan.
May ginawa pa lang dance number sila MJ, Grazielle, Raine at John Robin. Ang galing nila sumayaw grabe! Sobrang natuwa ako dahil ramdam ko ung love nila sa sayaw na yun. Natapos na rin ang dance presentation nila.
Bagay talaga si Raine at MJ. Narinig ko nga sa tsismis na sila na raw. Pero di ko pa un sure. Matanong nga. "Kulaw, kayo na raw?" Tanong ko. Nagulat naman ang mukha niya. Nakakatawa. "S--San mo nakuha yan?" Hahaha, nakakatawa talaga! "Hindi kami nuh! Dyan ka na nga!" Sabi nito. Mataray na naman ang lola mo xD
Si Grazielle at si John Robin mukhang nagkakamabutihan na rin. Ang cute nila tignan kahit nag-aaway minsan. Bagay kaya sila. Kahit chubby si Grazielle, macho kaya si John Robin. Kahit chubby si Grazielle, maganda pa rin siya lalo siguro kung papayat siya konti. Shucks! Bagay na bagay sila.
Ako kaya? Sino kaya ang pwede sa'kin? "Aer, sana naging masaya ka sa suprise ko ah." Sabi sa'kin ni Harold. Nakangiti pa siya. Hindi niya ba alam na yang ngiti nya ang nagpapatibok nang puso ko. Yung ngiti niyang sobrang bumabagay kahit anong porma nya? Bakit ba kasi ang gwapo nya?
"Ui, oo hindi lang sagot sa tanong ko. Wag mo kong titigan dyan. Kawawa ang kagwapuhan ko kung matutunaw." Sabi niya sa'kin habang tumatawa. Di ko talaga napansin na nakatingin pala ako sa kanya. Bakit ba? Ang gwapo eh.
"..Pero ayos ng matunaw, basta ba ikaw."
BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?