7:00am
Hay, umaga na naman. Tss. Papasok na sana ako sa room namin nang may bumangga sa akin. "Hoy, ikaw tomboy ka wag kang haharang harang sa daan ko." Sabi nung isang machong lalaki. Kadiri naman siya, anong trip niya? "At sino ka naman?" Tanong ko sa kanyang with sarcastic smile. "Ako? Ako lang naman ang pinakaGwapong machong lalaki dito sa school." Yuck! Alam niya ba ang sinasabi niya? "Oh tapos? Ibig sabihin ikaw ang pinaka panget na lalaki dito sa school? Yuck. Kadiri." Sambit ko sa kanya. Nakakadiri naman kasi talaga. Gosh. "At mayabang kang tomboy ka---" Naputol ang sasabihin niya na may sumigaw na, "JOHN ROBIN DE GUZMAN!" Ah, kilala ko 'tong boses na 'to. Sabi na nga ba. Si Grazielle, tumatakbo papunta samin ng PANGET na lalaki. Tch. "Sinasabi ko na nga bang kakilala mo 'tong PANGET na 'to eh. Pwe!" Sabi ko kay Grazielle. Natawa naman ito. Kaya ang nangyari iniwan namin ung John Robin De Guzman na mag-isa at pumasok na kami sa room.
"Magandang umaga, Aerith at Grazielle!" Sigaw ni MJ. Haluh! Anong sumapi sa lalaking 'to at nasa good mood ata? Tch. Ang gulo ng utak nito ah. "Oh, anong meron sa'yo at ang saya mo? Wag mong sabihin na may girl---" Sabi ni Grazielle. "Loko! *Pak* wala." "Oo na. Wak mo naman sanang batukan si Grazielle. Baliw!" Sabi ko sa bakulaw. Hay naku ang aga aga eh. "Oh, andyan na si Dora. Bwiset!" Sabi nung classmate naming si Raine. Siya nga pala si Raine Angelica Mandrigal. Naging ex niya si MJ. Naging sila for 3 years kaya alam kong hindi bakla si MJ. Sabagay maganda rin naman si Raine kaya di ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni MJ.
Pagkatapos ng subject ni Dora, break na. Tantanantanan!! Ayun, tumakbo na ako papuntang cafeteria di ko na hinantay ung bakulaw at si tabachoy. Alam naman na rin nila na hindi nila ako mapipigilan kapag gutom na talaga ako. Mwahahaha! >:) May nakita ako pamilyar na mukha, HUWWAATT!? Nakakahiya ung ginagawa ni Kuya Harold. May banner ba naman na nakalagay, *Aerith Yuna Mizushima, dito ka uupo! -HC* Grabe makadikta kung anong gagawin ko ah. Haha!
Pagka-upo ko doon, bigla kong rinoll ung banner at naka kunwari-naiinis-ako face. "Hi Ms. Mizushima." Sabi ni Kuya Harold na nakangiti. Hay naku! Sinasabi na nga ba. Ngiti niya palang mawawala na 'tong kunwari-naiinis-ako face. Kyaaa >\\\\< "Bakit ka po ba naglagay ng banner?" Tanong ko sa kanya. "Wala lang. Para mapansin mo ako syempre. Anong gusto mo kainin? Order ako para sa'yo libre ko na rin." Sabi niya habang naka-full grin. Ah, ganun ha libre mo ba? Haha, masubukan nga 'to. "3 Fried chicken, 7 na rice, 2 coffee shake, 15 na ice cream sandwhich. Un lang. Thank you!" Sabi ko habang naka-full grin rin. Mwahahaha-- *cough* *cough* Naubo ako sa kaka-evil laugh tsk. Tumayo na siya at wala pang 10 mins. naibigay na niya ung order ko. Grabe ha ang bilis masyado! Bilib ako dito. Pano niya kaya ginawa un?
"Sige kain ka lang. Kumain na ako." Sabi niya habang nagi-iPhone. Bigtime 'tong lalaking 'to ah. Pa-iPhone iPhone pa. Samantalang, Samsung Galaxy Y lang ung phone ko. Tsk. Ngumiti na lang ako at sinimulang kumain. Pagkatapos ng 30 mins. ay naubos ko na agad lahat ng order ko. Ansarap, busog na busog ako. "Nabusog ka ba?" Tanong niya sa'kin with a worried face. Ang gwapo niya talaga kahit anong face pa ang gawin. "Ah, opo. Thank you po ah. Sige punta na ako sa room ko." Un na lang ang nasabi ko. Siguro hot rin 'to? XD Ano ba naman yang iniisip ko. "Ah, teka hatid na kita." Sabi niya. Ano ba yan!! Baka asarin ako nila Bakulaw at Taba.
Pagdating namin sa tapat ng room ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakapatay ba ako? Dun ko lang nakita na nakasuot ng t-shirt si Kuya Harold na nakalagay na *I love Aerith Mizushima* My goodness. Ilang kahihiyan na ba nagawa nitong lalaking 'to!? "Ayyiieee, Aerith ah." "Ui, si Aerith!" "Pakilala mo naman sa'min yan." Sabay sabay nilang sabi sa'kin. Arrrgggh! Buti nalang busog na ako kaya di ko na pinatulan pa. Naman. "Dito na lang po. Thank you po sa libre ha. Thank you ng marami. Byebye!!" Sabi ko habang sinara na ung pinto sa likod ko. Ang gwapo niya talaga. Tae!
"Class, we will have have survival camp next week. The campsite is owned by none other thank our school principal herself, Ma'am Liza Cruz. I will give you the things to bring for you to be prepared. Here is the group and their members." Pinost na un ni Sir sa bulletin board namin. Dahil president ako, ako ang unang tumingin ng mga grupo. YES! Ka-grupo ko si Bakulaw at Taba. Tinignan ko sila at binigyan ng okay look. Nakahinga naman sila ng mabuti. Pero teka-- "Sir, kanino po uli ung campsite?" Tanong ko kay Sir para na rin makaSiguro. "It is owned by our principal, Liza Cruz." Ohmy! Baka pagdating namin doon nandon siya!? Pano ako mageEnjoy niyan?! Uwaaah. All my dreams been crushed! Ok, ako na 'tong O.A. Kasi naman eh. Brinowse ko uli ung mga grupo ng may nakita ako. *Raine Angelica Madrigal* Kagrupo rin namin si Raine! Maasar nga si 'Kulaw mamaya.
"Bakulaw, kagrupo rin pala natin si Raine sa survival camp ah." Sabi ko kay 'Kulaw habang nasa service bus kaming tatlo nila Taba. "Aish, di na nga ako sasama." Reklamo nito. Hay naku, pansin ko this past few days umaarte na 'tong lalaking 'to ah. Don't tell me, bumibigay na siya? "Hala, sumama ka na. Para makita ko ang iyong magandang body." Sabi ni Grazielle. Natawa ako dun ha. Magandang body? In your face. Haha! Nandito na pala ako. "Bye guys. Kita tayo bukas SM Megamall 10am." Sabi ko bago bumaba ng bus. Napa-oo na lang sila. Haha!
Pumasok na ako sa bahay at mukha wala si mommy kaya umakyat na ako sa kwarto ko at nag-open ng Facebook at Twitter. May nakita akong mukha.
Harold Cruz added you as friend. Naman naman.

BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?