-6:30m-
Pagkagising ko, nakita ko na marami ang nagtext sa'kin. Pero si Harold at si Jer ang nangingibabaw. Kainis! Pano ko sila lalayuan? Kelangan ko na maligo, papasok pa ako.
Pagkatapos ko maligo, magbibihis na sana ako pero narinig ko ang phone ko at may tumatawag. Nakita ko ung caller I.D. kaya ayokong sagutin. Pero baka mas mag-alala sa'kin 'to.
"Hi Kulaw!" Sagot ko. Mamaya uminit dugo nito sa'kin eh.
"BAKIT MO KAMI TINAKASAN KAGABI HA?! HINDI MO BA ALAM NA MARAMI PA KAMING SUPRISES PARA SA'YO!" Ito na nga sinasabi ko. (ToT) Kelangan ko gumawa ng reasonable na excuse. Tsk.
"Ah-eh. Masakit kasi ulo ko saka may pasok ngayon di ba? Hehe, sorry na."
"EWAN KO SA'YO! Alam mo bang hinantay ka ni Harold at Jer hanggang 2 kanina? Nauna na kami umuwi ng bandang 11 pero sila? Tignan mo naman sana yung effort nila para sa'yo." Nakaka-konsensya siya magsalita. Hays.
"Ge. Usap na lang tayo sa school dali mala-late na naman ako eh!" Saka ko in-end call.
Masama ba ako? Oo, masama ung di ko pag-papaalam pero may reason rin naman eh. Ayoko talaga masisi kung magkasakit man ung dalawa. Siguro ii-explain ko na lang rin kila Grazielle at MJ. Pero teka, kelangan ko ng pumasok!
Muntik-muntikan na akong ma-late, buti na lang kilala na ako ni Manong Guard at pinapasok na lang ako. Hay salamat. Wala pa atang teacher ng first subject. Wala rin sila MJ, Grazielle, Raine at John Robin. Bakit kaya? Pero pansin ko rin ang mga tingin sa'kin ng buong klase. May muta pa ba ako? Dun ako napalingon sa pinto at nakita ko si MJ at Grazielle na pulang-pula na ang mukha. Naku, paktay ako nito sa kanila!
"ANO BANG GINAWA MO!?" Sigaw agad sa'kin ni Grazielle. Nandito kami ngayon sa rooftop dahil alam kong makakagawa kami ng scene kung sa room pa kami mag-uusap. Sana naman maintindihan nila ako sa mga reasons ko. Gusto ko lang talaga gawin un para rin sa kapakanan nila.
"Teka naman oh. Let me explain. Ganito kasi un..." At kwinento ko na lahat lahat ng nangyari sa cr. Buti na lang at di pumalag si Grazielle dahil kung hindi? Paktay na!
"Aerith, napaka-selfish mo. Inisip mo ang tingin sa'yo ng ibang tao kesa sa mga taong nagpapahalaga sa'yo. Sila ba ang nandyan sa tuwing nalulungkot ka? Sila ba ung kasama mo kapag ayaw mo kumain? Sila ba ang nagpapasaya sa'yo? Hindi naman di ba? Kaya napaka-selfish mo. Hindi mo man lang kami inisip. Kaming nagpapahalaga sa'yo. Kami na nandyan lagi kapag may problema ka. At mas lalong di mo man lang inisip ung dalawang tao na masasaktan kapag lumayo ka sa kanilang dalawa. Sana naman intindihin mo rin kami." Word of wisdom ni MJ.
Pero tama naman siya hindi ba? Ayoko lang talag siguro masaktan ako. Ayokong mapahiya sa ibang tao. At mas lalong ayokong nakikita silang lumulungkot kapag naririnig nila ang mga ganun salita. Selfish ba ako? Di ko na namalayan na umalis na ung dalawa. Nahihiya man akong sabihin pero tama naman sila. Ayoko na. Wala na akong nagawa kundi umiyak.
Nagisip-isip ako sa rooftop. Kanina pa ako nandito pakiramdam ko nga para na rin ako nag-cutting sa ginawa ko eh. Pero nahihiya talaga ako magpakita ng mukha sa kahit kanino. Isa lang ang matatakbuhan ko sa panahon na ganito ang kalagayan ko. Pero syempre, hantayin ko muna mag-uwian. Mamaya malagot ako nito kay Manong Guard eh. Ang bait bait na nga nya sakin, abusuhin ko pa ba?
Nag-ring na ung bell, uwian na! Pinunasan ko ang mukha ko dahil pakiramdam ko ang panget na ng itsura ko. Bago ako pumunta ng room namin, dumaan muna ako sa cr para mag-ayos ng mukha. Para di haggard tignan. Pansin ko rin kasi pinagtitinginan ako ng mga tao rito eh. Para tuloy ako nakapatay ng ilang libong tao!
"Ui, Aerith! San ka ba nanggaling? Pinapatawag ka kaya ni Ma'am Liz." Sabi sa'kin ng isa kong classmate pagkarating ko sa room. Mukhang umalis na rin sila Grazielle kaya kinuha ko na ung bag ko at umalis papuntang office ni Ma'am Liz. Baka tungkol ito sa party kagabi? Uwaaah nakakahiya! >///<
*Tok tok tok* "Ma'am Liz?" sagot ko habang papasok ako ng principal's office. Ano ba talaga kasing meron? Natatakot na ako. "Oh, Aerith. Sige maupo ka, iha. Nakwento kasi sa'kin ni Harold kagabi ang nangyari. Nagulat rin naman ako dahil alam kong hindi ka aalis ng walang dahilan. Napansin ko rin kanina na matamlay ang mga kaibigan mo. May nangyari ba?" Tanong ni Ma'am Liz. Anong isasagot ko? Nininyerbos ako. Naguguluhan. Siguro sobrang halata na sa mukha ko ang pagkagulo.
"Iha, hindi naman sa pinipilit kita mag-kwento sa akin pero kung magkwekwento ka baka mapayuhan kita at para rin magka-ayos na kayong magkakaibigan." Gustong gusto kong magtiwala kay Ma'am pero nahihiya ako sabihin ang nangyari. Baka sabihin nya sa akin na sobrang babaw ng dahilan. Ilang minuto rin akong nananahimik. Gusto kong umiyak, pero naunahan ako. Napaiyak na nga ako. Nakakainis!
"Ang totoo po kasi nyan...." Kwinento ko ang nangyari sa cr kagabi. "Gusto ko lang po talaga iwasan muna si Kuya Harold. Gusto ko mag-isip isip muna. Pero ang sabi ng mga kaibigan ko napaka-selfish ko daw. Ngayon po ay naguguluhan pa rin ako." Paliwanag ko rito. Totoo, naguguluhan talaga ako ewan ko ba.
"Sa tingin ko kung bakit nasabihan ka ng selfish ng mga kaibigan mo dahil nag-alala sila sa'yo. Kung tutuusin, mukhang selfish nga ang pagkakaisip sa ginawa mo pero dahil sa rason mo naisip ko rin na nagawa mo ito para sa kanila. Aerith, matalino ka. Alam kong hindi ka magpapatalo sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Kausapin mo sila, gumawa ka ng paraan para magkaayos kayo. Hahayaan mo bang mawala ang ilang taon nyong pagkakaibigan ng dahil sa isang problema lamang?" Mahabang paliwanag nito.
Mukhang tama nga ang sinabi nya. Dahil sa gustong-gusto ko na siya yakapin ay hindi na ako nagpa-pigil pa. Yinakap ko siya tulad ng gusto kong pagyakap sa isang ina. Natawa naman ito. Pagkatapos nun ay binigyan nya ako ng panyo at pinunasan ko ang mga luha ko at nagpaalam na.
Kelangan ko silang makausap bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/20138582-288-k584218.jpg)
BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?