*Tok Tok Tok*
"Yuna?"
Boses ni mommy ang unang nanggising sa akin. Minsan lang niya ako tawagin, pag may kailangan lang siya. Kaya dali dali kong binuksan ang pinto at nakita ko siya doon.
"Bakit po?" Tanong ko.
"May lalaking naghihintay sa'yo sa baba. Bakit hindi mo siya ipakilala sa akin?" Sagot ni mommy na medyo inis ata siya. Sa bagay, hindi ko nga alam kung pano siya mainis o magalit.
"Sige po teka lang po." Sagot ko pagkatapos ay sinara ang pinto at nag-ayos na ako ng itsura ko. Hmm. Sino lang ba ang baliw na pupunta nang ganitong oras?
Bumaba na ako at habang nasa hagdanan ako ay piniringan pa ako ng di ko kilalang tao. Naka-mask kasi siya sa mukha at naka-all black. Linead naman ako nito sa pagbaba ko sa hagdan. Ano bang meron ngayong araw? Tss. Umgang-umaga, patulugin niyo naman ako!
"HAPPY BIRTHDAY, AERITH/YUNA!!" Sigaw ng mga ito. Birthday ko ba? Ni di ko nga alam na birthday ko pala. Di ko rin kasi hilig ang mga birthday birthday na yan. Nakakaubos na ng oras, magkakalat lang kayo ng kung ano anong kulirite.
Nasa sala kaming lahat. Nandun sila MJ at Grazielle. Ung Dex at Aisu. Pati si Tito Lex nandun rin. Teka teka, tama ba nakikita ko? Nandito rin si Harold at Jericho. Pati ung John Robin at si Raine. Bakit alam nila lahat na birthday ko? Samantala ako ni birthday ni mom di ko alam T___T
Dumiretso kami sa dining room para kumain. At huwaaw! Sinong may birthday? Ay, ako nga pala. Tss. Ang daming handa, grabe! Meron spaghetti, pansit, sushi, fried chickens at isang malaking malaking cake! Uwaaah! Sana araw-araw birthday. First time ko kasi magcelebrate ng birthday ko na ganito. Syempre, laging busy ang mom ko.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, Aerith... HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" Kanta nila para sa'kin. Oo nga pala, 18 na ako. So. does that mean na kelangan ko ng sagutin si Harold? Teka teka, magpapakasaya muna nga ako!
"Mmmm, anhg sharap sharap pho." Sabi ko habang lumalamon. Syempre, kumakain na rin sila. Ang sarap talaga! "Ui, 'Kulaw. Bakit nandito sila?" Tanong ko kay MJ habang tinuturo sila Harold at Jericho. "Ah eh-- Gusto lang daw nila pumunta. Sinabi ko naman kay tita na apo sila ng principal eh." Sabi nito. Tsk tsk. Nahihiya ako sa kanila eh. Ang gwapo gwapo ksi nila tignan. Lalo na si Jericho. Grabe ung pagkakaroon niya ng badboy-look. Tsk.
"Gift ko para sa'yo, Yuna" Sabi ni Kuya Aisu. Kwela rin pala sila kasama. Ngayon ko lang na-enjoy na nandito sila. Binigyan na nila ako ng kanya-kanyang gift. Nag-thank you naman ako pero sabi ko sa kwarto ko na lang bubuksan ang mga ito.
Naging masaya naman ang lahat. Magkakasundo sila Tito at kuya pati sila MJ. Ngayon lang ako naging masaya na ganito. Yung parang wala akong problema na iniintindi. Yung wala akong kaaway. Hmm, thank you po Lord sa lahat.
Nag-gabi na, kaya dito na rin sila nagdinner. Pagkatapos nun ay nagsi-uwian na rin ang lahat. Maski sila Tito Lex. Tinulungan ko na rin si Mommy sa pagliligpit sa mga kalat.
"Mommy, thank you po. Sa lahat ng bagay. Sorry kung ngayon ko lang ito masasabi sa'yo. Mommy, I love you po. Sobra." Sabi ko habang naghuhugas ng plato si Mommy at nanonood ako sa kanya. Last 8 years ako bago nakapag-I love you sa kanya. Ngayon ko nadama ang pagmamahal ng magulang.
"Sorry, Yuna kung ngayon ko lang naintindihan ang feelings mo. Ngayon ko lang nalaman na nahihirapan ka kapag wala ako. Yuna, mahal na mahal kita anak. Salamat kahit di tayo naging close dahil lagi akong wala. Tandaan mo lagi na mahal kita. 18 ka na. Siguro naman bibigyan na kita ng kalayaan sa pagdedesisyon sa buhay mo. Sige na, magpahinga ka na." Mahabang drama ni Mommy. Pero aaminin ko, sobra akong nagulat at natuwa. First namin mag-usap ng ganun kahaba. Wow, isang achivement 'to ha.
Nagpaalam na ako at umakyat na nang kwarto ko. Naisipan kong buksan ung pinakacute na gift wrapper. Pagkatingin ko, galing pala kay Jer.
Sana magustuhan mo.
-Jericho<3
Binuksan ko nga ito. At wow! Ang cute na nga ng wrapper, ang cute pa ng laman. Grabe. Isa siyang figurine ni Aerith Gainsborough ng Final Fantasy na tumutunog. Uwaaaah! Kawaiii ^~^
Meron pa itong sulat sa ilalim.
You really look like Aerith. So innocent.
... That's why I like you :)
BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?