Chapter 11

16 1 0
                                    

5:30pm

Bumalik kami ng farm para kunin ung mga natirang gamit ko. Pagkababa ni Kuya Harold, pumunta siya agad sa pinto kung saan ako nakaupo at binuksan yun. Inalalayan pa ako habang hawak ang kamay ko. Sa'kin naman parang wala lang. Oo, crush ko siya. Pero siguro hanggang doon lang yun. Ayokong matulad kay mom na--- Ok, di ko itutuloy yun. Masasaktan lang kasi ako.

"Ui, pre! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba galing?" Tanong nung lalaking mukhang bestfriend ni Kuya Harold. Hmm, kung ididescribe ko siya. Siguro nasa mga 19 years old. Gwapo, ganun ba trip niyang kaibigan? Pero medyo badboy look kasi. Ewan ko ba dun. "Ah, sensya pre. Galing ako dun sa school. Binisita ang mga bata. Hinahanap ka nga eh. Nga pala, si Aerith. Aerith, siya si Jericho." Bati ni Kuya Harold dun sa lalaki. Jericho pala pangalan nun. Hmm, bagay naman eh. Haha! "Nice to meet you, Aerith. Jericho Roy nga pala. Oo, apelido ko ung 'Roy.' Ang weird nuh?" Sabay tawa. Oo nga, medyo weird na apelido ang 'Roy.' Pero who cares? Malay mo may lahi 'to. Opps, pangit pakinggan ang may lahi parang aso lang. Haha! Ngumiti na lang ako.

"Pre, san na ba tuloy nyo nyan? Uwi na ba kayo sa Manila? Sabay na ako." Sabi naman ni Kuya Jericho kay Kuya Harold. Sige sige, sasanayin ko na wak mag-kuya sa kanila. Respeto lang kasi, hehe. "Kukunin lang naman ung natirang gamit ni Aerith dito sa bahay tapos alis na. Ge, pre sabay ka na. Para may taga-buhat na rin kami." Tawa naman silang dalawa. Grabe, gan'to ba maging magkaibigan ang mga lalaki? Ang weird.

-Sa Kotse 6:00pm-

Pauwi na kami. Magkatabi kami ni Ku-- Jericho dito sa likod. Trinay ko ng idrop ung kuya ah! Mukhang dadaan muna kami sa drive-thru ah. "Uhm, san po tau magdi-dinner?" inosente kong tanong. Oo, INOSENTE! "Ah, oo nga pala. Bawal ka pala magutom. Jer, may alam ka bang restaurant na malapit rito?" Tanong ni Harold. Nakakainis, emphatize pa naman ung 'bawal ako magutom.' Ugh. "Aw, meron. Un nga lang halos puro japanese food." Un! Sakto! Thank you, Lord! "Oh, buti. San ba banda un?" Tanong naman ni Harold. Syempre alam naman ata niya na half-japanese ako kaya oks lang. "Dun oh. Dali. Gutom na rin ako!!" Sigaw ni Jericho. Naku, atat masyado?

Sa wakas, makakakain na ako. Mwahahaha >:))) Wala akong papatakasin na pagkain dito. "Mukhang excited ka ata kumain sa Japanese Restaurant na 'to, Aerith ah." Haha, wala talaga siyang alam na half-japanese ako. "Uhmmm, Jer. Half-japanese kasi si Aerith kaya di siya ilang dito. Aerith Yuna Mizushima, full name niya." Explanation naman ni Harold. Napanganga si Jericho dun ah. Haha, yan kasi. Bleh! "Ah ganun ba. Di kasi halata eh. Oh sige, order ka na kahit ano--" Naputol, sumingit kasi si Harold. "Jer, wag mong sabihin yan" Napasabi ako ng, "Yehey! Thanks po. *kindat* 20 order ng California Maki, 10 Shrimp Tempura, 10 Mochi, 15 na Green Tea Ice Cream at 5 Dorayaki. Thank you uli!" Sabi ko. Haha, nakalibre ako ngayon ah. "Sabi ko sa'yo eh. Tsk tsk. Dragon ang nasa loob ng tyan ng batang 'to ano ka ba?" Sabi ni Harold kay Jericho. Napakamot naman ito sa ulo. Di ko na pinansin ung panglalait nya saka umupo na ako sa uupuan namin.

May magandang waitress dito at mukha siyang Hapones. Makausap nga. "Hajimemashite, watashi wa Aerith desu. Namae wa nan desu ka?" Tinanong ko name niya. Ang ganda niya kasi. Sobra! "Kore wa Sophie desu. Hajimemashite." Sabi niya sa'kin. Ang ganda ng name niya, 'Sophie.' Huwaaw just huwaaw! Pagkatapos niya ilatag ang food namin, umalis na siya habang nakangiti. Ang ganda niya talaga!

"Uy, anong sinabi mo dun? Na-nosebleed kami ah." Sabi ni Jericho. Hay naku, ang FC naman nito. Psh. "Wala lang. Tinanong ko lang name niya. Ang ganda nga eh, Sophie daw. Ang ganda niya rin nuh?!" Sabi ko habang nilalamon ang tempura at sushi. Hongsorop! "Pero wala pa ring mas gaganda sa'yo." Sagot ni Harold. Nanlaki mata ko pero di ko na pinahalata at tunuon ang pansin sa food ko. "Ano bang meron sa inyong dalawa? Kayo na ba?" Tanong ni Jericho. What!? Kami? No no no no WAY! WHAT THE HECK!? O.A. na kung O.A. pero nagulat ako dun ah. "Oo nga, Aerith. Tayo na ba?" Tanong ni Harold. Ugh. "Ewan ko sa inyo. Gutom lang yan." Matamlay kung sagot. Tss.

"Ang sarap dun nuh. Sa susunod balik tayo dun...." Kwento nang kwento 'tong Jericho. Wala naman akong sa mood makipag-kwentuhan dahil sa pagod. Ang dami ko ring sugat dun eh, grabe ang mga games. Nakakasira ng bangs xD "Ui, Aerith. Ang tahimik mo naman. Wag kang maiilang sa akin ha." Sabi ni Jericho. Ako? Maiilang sa'yo? Oh please, sanay na ako. Mukha kasi ako snobera kahit gustong gusto kong makipagusap. Well, nasa lahi na namin un. "Ah, pagod lang po siguro ako." Sagot ko para di naman siya magmukhang ewan. Hay.

******

Nandito na kami sa tapat ng gate namin at tinulungan na nila akong ibaba ang mga gamit ko. Isang beses nga kinukuha ko ung bag ko, pero inagaw 'to ni Jericho habang hawak ang kamay ko. Kadirdir. Di ba siya nahiya? Ngumiti na lang ako. "Thank you po. Bah-bye night." Sabi ko habang papasok na sila sa kotse ni Harold. Nyaaw! Ang gwapo niya super. "Sige, tulog ka na ha." Sabi ni Jericho. Tinitignan ko si Harold kung magsasalita siya pero mukhang nakatingin lang siya ng masama kay Jericho.

"Bye Aerith. I love you. *flying kiss*"

Yan ang huli ko narinig kay Harold. <3

Nasa gilid po ay si Jer

You AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon