Jericho's POV
Ang ganda ni Aerith ngayon ah. Pero maganda talaga siya araw-araw. Mas lumulutang lang ang kagandahan niya ngayon sa suot nya. Bakit ba kasi ikaw pa pinili ni Harold eh? Alam naman niya na ikaw talaga ang gusto ko, inunahan pa ako. Tae yan. Tch.
Ah, ako nga pala si Jericho Roy. Mas kilala akong Jer ng karamihan. Badboy look ako at lahat ng babae nalalaglag ang panty kapag ako ang dadaan. Maliban sa kanya. Siya lang ang babaeng di ko nadaan sa looks ko o sa pagiging 'gentleman' ko.
Aaminin ko, nung una gusto ko lang siya lokohin. Gusto ko na siya maging akin. Matagal na akong may gusto sa kanya. Pero nahihiya na akong gumawa nang moves. Masyado kasi siyang precious kaya di ko siya magalaw-galaw.
Tinawag ko siyang 'pusa', ang cute cute cute cute nya kasi! Halos lahat ng katangian ng pusa nasa kanya na ata. Cute, sensitive, independent, at kaya niya depensahan sarili niya. Noong tinawag naman niya akong aso, kinilig ako. Kahit na pangit ang pagkaka-describe niya sa aso, kasi nakakatakot daw. Bakit ba kasi si Harold pa eh?
Aerith's POV
Parang ewan 'to si Jer, ngumingiti mag-isa? Ang creepy. Sadistic ata 'to eh. Baka-- Baka binabalak na niya ako patayin! O____O Uwaaah! Wak po. Masyado pa akong bata (ToT) Uwaaaaaaah!
"Ui, anong nginingiti mo dyan? Mukhang mamamatay-tao sa ngiti. Yucks! Aso ka talaga!" Sabi ko dito. Nakakatakot kasi siya eh (-____-) "Anong mamatay-tao? At bakit naman aso? Kagatin kita eh." Sagot naman niya. Uggh! Kumukulo na dugo ko ha! Makapag-cr nga muna.
"Ui, feeling ko masyadong sipsip lang yan si Aerith kay Ma'am Liz kaya linalandi niya ung apo ni Ma'am Liz." Narinig ko na usapan nang dalawang babae sa cr. Hay, alam ko naman na ganito mangyayari eh. Bakit ba ako nakipag-close kay Harold? Pati na din si Jer, ganun rin.
Lumabas ako ng stall nung wala na un dalawang babae atsaka tumingin sa salamin. Aerith, layuan mo na kaya sila. Un lang ang nasabi ko sa sarili ko. Pano mo nga ba malalayuan ang taong nagpapakilig sa'yo? Ung taong nandyan kapag kailangan mo. Taong gusto ka lang lagi kaasaran at kasama.
Meron na lang tumulo sa mata ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Hindi naman ako ganito ah. Bakit may sumasakit sa dibdib ko? Hindi na rin tumitigil ang luha ko. Gusto kong sumigaw. Gusto ko pigilan ang luha ko.
Pero siguro nga tama na layuan ko si Harold. Kesa naman pag-usapan kami at ganoon pala ang tingin ng ibang tao sa'min. Kahit sa iba, maayos ang tingin nila. Minsan andyan lang pala sila para pag-tsismisan ka. Pinunasan ko na ang luha at hindi naman namugto ang mata ko.
Lumabas na ako ng cr. Bumalik ako sa table namin para kunin ang bag ko, tinanong ako ni Jer kung saan ako pupunta sinabi ko naman na sa cr lang. Bumalik ako sa cr at nagpalit nang damit. Lagi akong may dala na extrang damit kapag umaalis ako. Lumabas ako ng stall at tumingin sa salamin. Ito na, Aerith. Huminga ng malalim at sinuot ko na ang cap ko.
Kelangan ko ng umalis dito. Lumabas na ako ng hotel na di man lang bumalik sa event. Wala na akong paki, kelangan ko ng pahinga. Nung nasa may sakayan na ako, narinig ko na may sumisigaw ng pangalan ko. Tumakbo agad ako at pumara ng taxi. Sumakay na ako at napatingin ako sa bintana...
Si Harold.
(A/N: Napaka-ikling update. Humihingi po ako ng vote, readers! :) Thenchuu!!)
BINABASA MO ANG
You Alone
FanfictionSi Aerith ay hindi ang iyong typical girl. Siya ay gamer at laging napapagkamalang tomboy but heck, she is sexy. She fall in love with a guy whose bestfriend is TRULY, MADLY, DEEPLY inlove with her. Will they ever have a happy ending?