Irene's POV
"Uy tulala ka dyan." puna ko kay Seulgi. Natauhan naman ito at biglang ngumiti. "I'm okay." sagot niya. Huminga ako ng malalim bago ko isinara ang laptop ko.
"I'll make you coffee." i said. Hindi ko na inantay ang sagot niya.
Alam kong pagod siya. Well, lahat naman kami but she got the most tiring work. Choreographer siya sa Entertainment na pinapagtrabahuan namin. Sikat siya kaya in demand siya, other entertainments are requesting her and offering her huge amounts para lang hindi siya makahindi sa kanila. Well, di ko naman sila masisisi. Lahat kasi ng mga kinochoreograph ni Seulgi nagiging hit at trending.
Pagkabalik ko, nakatulala na naman siya.
"Why don't you sleep? You still have 2 hours thou." i suggested. I placed the coffee on her desk and took the seat next to her.
She shrugged. "That would be great but, I can't." pilit itong ngumiti.
"Thanks for the coffee unnie, this taste really really bad." she commented. I made a face. Di nalang magpasalamat eh, kailangan pa talagang magcomment. Alam niya di ako marunong magtimpla ng kape. Wala na kasi ready mix sa kabinet kaya yun... Tantsa tantsa lang ako sa paglalagay ng kape, creamer at sugar.
"So have you talk with Jinhwan already---yahh!! " napatayo ako ng bigla niyang iluwa sa sahig ang nainom niyang kape.
Inabutan ko siya ng tissue at ipinunas naman niya ito sa gilid ng labi niya.
"Don't throw fast balls at me like that unnie!" she said. Napakamot naman ako.
"Why? It has been 3 years! He said he didn't really cheated on you. That girl was his cousin! " pagkasabi ko nun ay bumalik na ako sa lamesa ko.
"I know." biglang sagot niya. Napatingin ako. Di ako nagsalita, hinayaan ko lang na siya na mismo ang magpaliwanag.
"I just made use of that situation to break up with him. " napakunot ang noo ko. Why the hell did she do that?!
Naalala ko pa noon na ang saya saya niya tuwing binibisita siya dito ni Jinhwan. I thought she really fell for him.
"I don't think I really lo----"
"SEULGI YAAAAAHHHH!!" Nagulat kami ng biglang bumukas ang sliding door nitong office.
"What the hell Joy?!" inis na tanong ko. Dito talaga nagmana si Yeri eh. Napatingin ito sa pinto. Nang makita niyang ayos pa ito nakahinga siya ng malalim.
"Wew, i thought i broke it again for the seventh time. "she said. Tumalon talon pa siya habang papunta sa kinauupuan ni Seulgi...
"Sooooo, guess who I've bumped with this morning..." kinikilig na saad nito. Napairap naman ako.
"Go away Sooyoung.." pagkasabi ni Seulgi non ay ipinatong niya na ang kanya ulo sa lamesa..matutulog ata.
Napatingin sa akin si Joy. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Move on na din kasi Joy. Nakamove on na si ateng mo eh. " pangiinis ko. Ngumuso naman siya.
"Hay naku, mga walang puso! Kawawa naman si Jinhwa baby ko.." nagkunwari siyang malungkot kaya binato ko siya ng ballpen, nasalo naman niya ito at agad humagalpak ng tawa.
"hays, hindi ko naman talaga siya gusto eh.. Pero bakit kada nakikita ko siyang malapit kay unnie parang aish ewan.. Hirap ipaliwanag.. Kasing hirap nitong si Sungjae.." inis niya inilabas ang phone niya.
She's deadass inloved with that Vampire pero hindi man lang siya nito pinapansin. Dito din siya nagtratrabaho since artist namin siya.
"NAKUUUU! Pag ako talaga maassign sa kanila rarapin ko na yun para mabuntis ako tapos di niya na ako maiwasan-yah! Kanina ka pa nambabato ha!" hahaha headshot!
