-22-

105 1 0
                                    

Joy's POV

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.


"oy. Baka gusto niyong magexplain." napalingon naman sila sa amin. Finally, narealize din nilang nandito kami.

"Joy..  Si V.. He's my boyfriend." napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalala ko walang lablyf to eh.

"pfft!Weh? Kelan pa?" gusto pa ata akong igood time ng mga to. Kahapon lang siguro to. Naku naku naku sinasabi ko na nga ba at----

"9 years ago." nakangiti itong tumingin kay Taehyung. She was smiling like there us no tomorrow.

"You're kidding right?" di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti lang sa akin si Eonnie.

This is madness!

"Impossible!! Paanong---" napatingin ako kay Sungjae. I was asking for help pero umiwas ito ng tingin.

He...He knew something.

"You..You knew?" gulat na tanong ko. Di namn ito sumagot.

"Yes. Hindi pa ko pa fully nareremember ang lahat but I can remember him... At alam kong may alam siya sa nangyari sa akin... Sa atin Joy. " natigilan ako.

"Sa..a..atin?" tinuro ko ang sarili ko. Kasali ako?

Tumango si Taehyung.
"But I think may taong dapat magpaliwanag sayo nyan and that's not us." tumingin ito sa katabi ko. Napakunot ang noo ko. Why is he looking at sungjae?

"Sun---"

"I need to go." paalam nito at mabilis na umalis. Kahit habulin ko pa siya, di ko siya maaabutan. Try niyo kayang maghabol ng Vampire, tingnan natin kung di lumaylay mga dila niyo sa sahig.

Napatingin ako sa dalawang nasa harap ko. Naguguluhan pa din ako.

"Kahit anong gawin ko.. Di ko pa din maalalang nagkaboyfriend ka." pagaamin ko. Napangiti naman si eonnie at yumakap ng mahigpit kay Taehyung.


She's happy.




She looks very happy...










And that made me happy too..

"pero kahit wala akong maalala..ang importante lang ay masaya ka...at may boyfriend ka na...hahaha oh siya maiwan ko na kayo! Alalahanin niyo puno ng CCTV dito ha? Wag gagawa ng milagro!" biro ko. Namula naman agad si Eonnie while tumawa naman si Taehyung.

Pagkasara ko ng pinto.. Naalala ko ang nakangiting mukha ni Eonnie..



-------

Jungkook's POV

Lumabas ako ng practice room para bumili ng Tubig sa Cafeteria. Nang pabalik na ako napagpasyahan kong maghagdan.
Exercise. Maaga pa naman eh.

6th floor kami, nasa 2nd floor pa lang ako ng makarinig ako ng hikbi. Biglang nagtaasan ang balahibo ko.

Nagdahan dahan ako paakyat..

Galing sa 3rd floor ang iyak. Umakyat pa ako at nakita kong may tao nga.. Nakahinga ako ng maluwag. Kala ko multo.

"Hey. Okay ka lang ba?" tanong ko. Kilala ko siya, siya yung kapatid ni Ms. Kim.

Napatingala ito sa akin.
"What do you want?" inis na tanong nito. Inabutan ko siya ng panyo.

"Ano yan?" tamomg nito.

"Panyo?" sagot ko. Mas sumama mukha niya.

"I know. But why are you giving me that?stupid" napabuka ang bibig ko. Di ako makapaniwala, ako pa ang stupid ngayon?!

Reminisce (Revels Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon