-Four-

131 4 3
                                    

Wendy's POV

"Ano ba?! Kitang importante tong ginagawa ko eh! Isa nalang talaga ikukulong ko kayong lahat!" kakaimbyerna! Kanina pa nila ko pinagtritripan. Di ba nila nakikitang nageedit ako ng Kanta dito sa Laptop ko?! 4 na buwan nalang kasi at ilalabas na namin ang bagong boygroup nitong KYM entertainment kaya busy kaming lahat masyado..

May humila na naman ng buhok ko. THAT'S IT!!!

Marahas kong ibinagsak ang kakatangal ko lang na Headset sa table at hinarap sila.

"Gusto niyo talaga ng Gulo ha? Pwes pagbibigyan ko kayo---"

Natigilan ako ng mapansin kong natutulog si Irene sa lamesa niya habang si Joy naman ay nasa kabilang side ng office nakaheadset, nanunood ata sa Youtube. Wala naman sila yeri at seulgi ngayon.

Biglang nagtaasan ang balahibo ko. I remembered what Yeri had said 2 weeks ago about the ghost/devil she saw. Naglakad ako papuntang gitna ng silid.

Pinalibutan ko naman ng mga barrier sila Joy at Irene bago ko hinila ang earings ko para maging Spear.

"woah" rinig kong saad ng di kilalang boses. She's here.

"Who are you?! Show yourself!" sigaw ko. Nagising naman dahil doon si Irene. Gulat na gulat ito ng mapansin niya ako. Hinagilap niya agad ang ribbon niya sa drawers niya.

"What's happening?! Remove this shield now." utos nito. Agad ko naman siyang sinunod. Nagmadali siyang lumapit sa akin.

Nanatiling busy si Joy sa pinapanood niya, pambihirang bata!

"I.....I would never tell hahhahahahah" saad ng nakakakilabot na boses. Nanlaki naman ang mga mata ni Irene. Hindi pa kasi namin nasasabi sa kanya ang tungkol sa nadiskubre ni Yeri.

"What the?! Anong nangyayari?! "naguguluhang tanong ni Irene habang hinahanap ang pinanggalingan ng boses.

"A ghost.. Or a devil broke in our building two weeks ago.. Yeri witnessed it. Hindi ko na sinabi sayo dahil wala namang kakaibang nangyari after that kaya akala namin wala na ito dito." paliwanag ko. Tumango naman siya.

"Now, tell me.. Are you a demon?" tanong ko sa kausap naming dalawa.

"Yah! Sobrang ganda ko naman ata para maging demon.. Duh!" maarteng sagot ng kaluluwa. Geez! Paano kaming makakasigurong hindi ito demon?!

"Really? Eh bakit di ka magpakita sa amin kung totoong maganda ka? Hmmn, hidding is only for ugly people so I bet youre not as beautiful as you think you are.."panghahamon ni Irene. Napangiti naman ako, she's really good at playing games with her mind.

"Hahahhahahahha, kung yan ang gusto niyo"sagot niya. Napatingin naman sa akin si Irene. "Capture her." sabi nito sa isip ko. Tumango lang ako.

Nagtalikuran kaming dalawa at maingat na nagmasid sa paligid.

"One... Two...----"








"Got her." nagulat kami ng magsalita si Joy. Nakita naming may hawak siyang Kumot?! Teka!! Hindi ito basta bastang kumot..


"Akala mo ba papalampasin lang kita sa paninilip mo sa beybii ko?! Pwes nagkakamali ka! Hindi ako tumilig sa paghahanap ng paraan para mahuli kita sawakas!" di kami makapaniwala sa naririnig namin. For the first time, ginamit na din niya isip niya! Omyyyy!! Grabe talaga ang nagagawa ng pagmamahal kay Joy haha

Nagpupumiglas naman ang babae sa pagkakabalot sa kanya ni Joy. Sinenyasan ako ni irene na ikulong ito na agad ko namang ginawa.

"Now let's see kung tama nga ang hinala nating demon ito.." dahang dahang hinila ni irene ang telang nakabalot sa kanya.

Reminisce (Revels Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon