"Remove his barrier."Utos ko. Natutulog pa din si Taehyung hanggang ngayon. 2 araw na siyang natutulog. Kinakabahan na kami ni Wendy. Paano kung di na siya magising?
"Why?" tanong ni Wendy. Kami lang dalawa ang nakakaalam sa totoong nangyari kay Taehyung. Pinalabas na lamang namin na dahil ito sa pabalik balik na sakit ng ulo niya which is partly true.
"I need to know the truth. Jaebal Wendy.. " tanging sagot ko. Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos. Laging bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Taehyung. Sinubukan kong basahin ang mga isip ng kasama niya pero failed. Lahat sila may mga nakapalibot na barrier.
"Okay then.." nagsimulang mawala ang barrier ni Taehyung.
"There, antayin na lang nating magising sya." ani niya. Umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa higaan niya.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. I wanted to ask him alot of things.. Unang bese ko palang siya nakita sa lobby, alam kong may iba na sa kanya e.
What if he's telling the truth?
But...
What if he's not?
God! This is Killing me.
Ilang oras akong nanatiling ganito.. Nakaidlip na ata si Wendy sa tagal.
Maya-maya'y gumalaw ang katawan niya. He's finally awake.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napaayos ako ng upo.
Dahan dahan siya nagmulat ng mata.
Nagkatinginan kami, bakit bigla akong kinabahan sa mga tingin niya.
"Oh, hello Ms. Bae." he greeted. Bakit ang gwapo niya kahit 2 araw na siyang di naliligo? Tsk. Ms. Bae? Bakit hindi Irene? O yung isang tinatawag niya sa akin na babyloves? Ay bebeloves ata?
Sinubukan kong basahin ang isip niya.
"The f! Bakit nandito sila Ms. Bae at Son?!"
"Hala! Asan ako?!"
He's panicking inside and I find it cute.
"Bakit ako nandito?!"
"Pakshet! Anong oras na?! "
Napatingin siya sa akin.
"Why so ganda ateyyy huhuhuhu mah hearteu huhuhu.."
Napatigil ako sa pagbabasa ng isip niya. Wth Irene! You always hear those words! Bakit ngayon ka pa naapektuhan?
"So...how are you feeling?" tanong ni Wendy. Napansin niyang naiilang ako kaya siguro siya na ang gumagawa ng dapat ay gawain ko.
"Anong how am I feeling? Nagkasakit ba ako?! Napahawak siya sa noo niya. Ichecheck ata niya kung mainit siya.