-12-

126 5 0
                                        

Jimin's POV

"Next!" rinig kong saad ni Ms. Son.
Kabado lahat. Bukod sa Head si Ms. Son, isa pa siyang kilalang singer sa loob at labas ng bansa. Nakakapressure. Baka pagtawanan niya lang ako sa loob. Hays.

"Hoy Pandak! Pasok!"sigaw ni Jhope. Napairap naman ako. Kitang hinahanda ko pa sarili ko eh.

Binuksan ko na yung pinto ng recording room at dumeretso sa lamesa ni Ms. Son.

May katabi siyang Organ. Iba ang aura niya ngayon kesa kahapon. Halatang professional na professional siya dahil kung titingnan mo siya ngayon, napakaseryoso niya.

"Don't be nervous." hindi nakatinging saad nito. Tumango naman ako kahot di naman ako siguradong makikita niya ba ito o hindi.

Pumindon siya ng isang key sa organ at inutusan akong ihum ito. Good thing at naiwan ko ata ang hiya at kaba ko sa labas kaya nakuha ko ng maayos yung key.

Pinakanta niya ako ng ilang kanta habang tumutugtog siya, pinataasan niya ang lahat ng ito ng isang key kaya medyo kinabahan ako. Masyado bang mababa boses ko? Mali ba ang nakasanayan kong tono sa pagkanta? Napakarami kong gustong itanong pero iwinalang bahala ko na lamang at nagfocused sa mga pinapagawa ni Ms. Son.

"Great. Tama nga na inilagay ka sa Lead Vocalist. You did well. Next!" bigla akong napangiti.

"Really?! Thank you! Thank you so much!" pasasalamat ko. Nang tatayo na sana ako, napansin kong may nakasandal sa may Door frame.

Syeeet, Ms. Kangggg why so frettyy?

Ngumiti lang ito at nagthumbs up.
Mas gumanda pa lalo ang araw ko dahil doon.

---

V's POV

Napahawak ako sa ulo ko.

Nangyari na naman. Nagiging malimit ang pagsakit ng ulo ko. Kailangan ko na atang magpacheck up, baka mamaya niyan di na pala ako iaabot ng debut date namin. Wag naman po sana.

"You okay?"tanong ni Ms. Park.
Kasalukuyan kasi kaming sinusukatan ng mga staff niya para na din sa costumes namin.

Pinilit kong ngumiti, wala akong panahon para sa ganito. Naparaming dapat gawin at tapusin. "I'm fine." simpleng sagot ko.

"You don't look fine to me.." sagot niya bago may idinial sa phone niya.

"oh eonnie, bat nasayo phone ni wannie?" wannie? Sino yun?

"Makikisuyo sana ako. Nandyan yung gamot ko para sa sakit ng ulo, sumasakit kasi ulo nitong isang trainee eh." napatingin pa siya sa akin habang sinasabi yun.

"really? Thanks eonnie. It's at the first drawer. Love you!" sabi niya bago nya ibinaba ang knyang telepono.

"You Kim, sit there for a minute." Utos niya sa akin. Pinaupo jiya lang ako sa gilid bagi siya bumalik sa trabaho.

Napakamot na lamang ako ng ulo. Ang tagal kong naging trainee pero bakit ngayon ko lang to naramdaman? Ngayon pang magdedebut na kami! "Tss! Badtrip!" napasipa ako sa hangin.

"Hey." napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko. .

"Oh, Ms. Bae!." gulat na saad ko. Tumayo ako para igreet siya.
Tumango lang ito at umupo sa katabing upuan ko.

Nailang naman ako. Sa dami ng upuan dito, bakit sa tabi ko pa siya uupo? Hello? Nagwapuhan ba sakin to? Hahaha asa!

"You're Taehyung right?" tanong niya habang may kinakalikot sa bag niya. Tumango lang ako.

Naglabas ito ng isang bote ng tubig at .. Gamot?! Teka! Siya yung tinawagan ni Ms. Park?! Napalingon ako kay Ms. Park. Busy siya ngayon sa pagchecheck ng mga damit.

Reminisce (Revels Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon