Wendy's POV
Magiisang buwan na sa amin si Cherry. "Cherry" ang piniling pangalan ni Joy para sa kaluluwang nahuli namin dahil kada nakakakita ito ng CHERRY nanginginig ito sa takot nang hindi naman niya alam kung bakit.
Hindi na din namin siya ikinukulong dahil nga nakasiguro na kaming hindi ito masamang kaluluwa.
Di pa din kami tumitigil sa paghahanap ng kung anu anong impormasyon tungkol kay Cherry.
Pagkalabas ko sa Recording room, nadaanan ko ang Practice room ng mga bagong trainees. Nakaramdam ako bigla ng curiousity nang marinig ko ang tawanan mula sa loob.
I reached for the knob...
Bakit parang excite na excite ako?
"Miss what are you doing?.." A cold deep voice asked behind me. Napabitaw ako sa mga dala ko sa gulat.
"Aishh! Sorry sorry I didn't mean to--"nagmadali akong pulutin ang mga nahulog na papeles ko. Hindi na ako tinulungan ng lalaki dahil nga tatlong papel lang naman ang dala ko.
Pagkalagay ko lahat sa bag, hinarap ko na ang lalaki.
I don't know why my heart started racing.
What the heck is wrong with me?! Bakit parang naiiyak ako? Bakit parang ang saya saya ko nang makita ko tong lalaking ito?
Our eyes met, he was just staring at me...
"Hello Wendy."Tipid itong ngumiti. Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Aishh.. So--sorry.. Napuwing ata ako."agad kong pinunasan ang mga luha ko. Sheeeet nakakahiya. Para akong tanga! Baka isipin nitong naiyak ako nang makita ko ang kagwapuhan niya--teka!! Sino ba to?
"Ah, Hi! Isa ka din ba sa Trainees namin?" mahinahong tanong ko. Mas lumapad pa ang ngiti nito at umiling.
"Kaibigan ako ni Sungjae.. And I 'm here as those trainees' Dance Instructor..." oh..bakit ba ang gwapo nito habang nagsasalita. So siya pala yung sinasabing FRIEND ni Sungjae. Akala ko talaga walang kaibigan yung isang yun eh.