Seulgi's POV
"Thanks Sheen kita nalang uli tayo sa monday." Paalam ko sa isang back up dancer ko pagkalabas ng audio room. Pinakinggan kasi namin ang mga bagong tracks sa Album ng BTOB. Magcoconcert na kasi sila at kailangan naming gawan ng steps ang ibang songs sa loob ng new album nila.. Hays bakit ba ganito kahirap magkapera?
Tumango lang ako. I'm too exhausted to even talk. Wala na akong pahinga, bwiset na buhay to.
"I'm bac--"natigilan ako nang maabutan kong wala sila sa loob ng office.
"Saan naman kaya nagpunta yung mga bruhitang yun? Di man lang nagsabing aalis sila."
Dumeretso na ako sa lamesa ko para matulog saglit, may sched pa kasi ako mamayang 2pm.
"psst."
Alam ko.
Hindi galing sa tao ang tunog na yun. Parang nakaedit ang boses nito.. Yun bang nageecho..
Putcha! Mumultuhin pa ata ako sa kaisa isang free time ko. Napakumo ako. Nanatili lang akong nakapikit.
Tinalasan ko ang mga tenga ko.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz* sound
"what the he---"
Teka!
Agad akong napaayos ng upo ng mapagtanto ko na nilagyan pala ng barrier ni Wendy ang buong office namin. That's where the buzzing sound was coming from. Pero bakit nakapasok ako? Tsaka para saan naman tong shield na to?
"Psst!" mas malapit na ito kesa kanina. And I know exactly where it is. Hinawakan ko agad ang pendant ko. Wala ka nang takas ngayon haha
"Yah no!!" sigaw ni irene. Kasama niya sila wendy, joy at yeri. nagulat ako kaya nabitawan ko ng tuluyan ang aking palaso.. It was aiming at the ghost hiding behind the curtain.
"Wendy!" sigaw ni Yeri. Agad namang umilaw ang kamay ni Wendy. Napakunot ang noo ko.
"What are you guys doing?" tanong ko.
"Saving you from killing an innocent spirit." simpleng sagot ni Irene. Sumama naman ang mukha ni Joy at naunang umupo sa desk niya.
"Innocent my ass. May inosente bang naninilip? Tss." iritadong saad nito.Napalingon naman ako sa dereksyon ng spirit. Nakahawak ito sa dibdib niya at naghahabol ng hininga.
"This sure is the scariest office i've ever been at." saad nito. Hindi naman siya mukhang kaluluwa ah.
"Kagagaling lang namin sa office ng mga Grim. And she's not on their list."
Yeri. Umupo na ako. Anong wala?"Paanong wala siya? Kahit nga mga hindi pa namamatay nasa listahan na nila ito pa kayang kaluluwa na?" sagot ko. Tumango tango naman si Joy.
"Exactly unnie! That's what I've been telling them for an hour now. " dismayadong sagot ni Joy. Minasahe naman ni Irene ang sentido niyo. Probably because of stress.
"Ano bang pangalan niyan? Akin na at hahanapin ko sa website ng---"
"She doesn't have one." simpleng sagot ni Wendy.
"impossible!"angal ko. Nakita ko namang lumungkot ang mukha ng babaeng espiritu.
"Wala ka bang naaalala kahit isa?" mahinahong tanong ni Wendy sa kaluluwa. Malungkot itong umiling.
"Wala, 1 year na akong paikot ikot dito sa lugar niyo. Basta ang naaalala ko lang nung unang beses kong magising....nasa park ako. Wala akong maalala kung bakit ako napunta roon.pati pangalan ko hindi ko din alam kaya nagbakasakali akong magtanong tanong...nainis pa ako noon nang hindi nila ako pansinin kaya hindi ko sinasadyang hampasin yung isa...laking gulat ko nalang ng tumagos lang ang kamay ko sa katawan nung lalaki. Doon ko lang napansin na patay na pala ako. "kwento ng kaluluwa.
![](https://img.wattpad.com/cover/158193832-288-k881246.jpg)