Irene's POV
Ang lakas ng trip ni Yeri ngayon.
Pinapunta ako dito sa pinareserve niyang resto. Sinong hangal ang magpapareserve sa isang mamahalin na resto tapos di naman pala pupunta?
"It's okay. Atleast makakakain tayo ng libre Ms. Bae." nakangiting saad nito. Napatingin ako sa kanya.
Napansin niya atang naiinis ako.
He gave me that box shape smile. Napaiwas ako ng tingin."You're quite right. Let's eat." tanging sagot ko at simulang kumain. Ang gusto ko na lamang ngayon ay matapos kumain at umuwi. Di ako mapakali hanggat nasa malapit si Taehyung.
"You look tense Ms. Bae. Okay lang po ba kayo?" tanong nito. Na conscious naman ako dahil doon. Masyado ba akong halata? How can he tell something's wrong with me eh hindi pa naman kami gaano magkakilala?
"No..I'm fine. Continue eating." pagkasabi ko nun ay sunod sunod na ang subo ko. I want to go home, It's so suffocating but... It feels weird..in a good way. Naalala ko na naman yung mga sinabi niya noon.
"How will I not know my girlfriend's nickname?" I shake my head to get rid of that. I took a sip from my juice. Bigla kasing nanuyo lalamunan ko.
"May Boyfriend ka ba Ms. Bae?" napabuga naman ako ng ininom ko. Buti di ganon kadami ang ininom ko.
Bakit niya naman kailangan itanong yun?!
Nagtama ang mga tingin naman. Masyado akong nabigla sa inakto ko.
Maya-maya'y tumawa na siya at kumuha ng table napkin. Tumayo siya ng kaunti para abutin ang pwesto ko at
Pinunasan ang gilid ng mga labi ko. I was so stunned to even move.
"Why are you so surprised Ms. Bae?" natatawa itong bumalik sa pagkakaupo.
"I....uhm.." pinapanood niya lang akong magmukhang tanga sa harap niya habang nakangiti. Aish. I composed myself. For goodness sake Irene! Umayos ka!
"I.. I..wait why do you ask? I think you're not on the right place to ask me that Kim. Are you trying to hit on me?" seryosong saad ko. It's already too late that I've noticed my action. Doon ko lang naisip na baka matakot ko ito o mailang ito dahil don sa sinabi ko. We're outside our company meaning hindi ko siya dapat ginanon. At yung last sentencce ko medyo.. Aish.
Pero laking gulat ko ng ngumiti pa ito lalo. "I was just asking you that Ms. Bae because you were feeling uneasy. Kaya baka kako may boyfriend ka at nagaalala kang may makakita sa atin at pagkamalan kang nangangaliwa. I was not planning on courting you Ms. Bae. I know my limits. " paliwanag niya. Napapikit ako ng mariin.
At this moment gusto ko ng kainin ako ng lupa. I've never been so humiliated in my entire life.
"I.. I don't.. I don't have a boyfriend. Excuse me, I need to go to the wash room." nagmadali akong pumuntang wash room.
----
V's POV
Natatawa akong umiling habang pinapanood si Ms. Bae tumakbo papuntang Wash room.
Akala ko talaga nung una nakakatakot siya eh, may ganito din pala siyang side.
Nagpatuloy akong kumain hanggang nakabalik na siya. Di ko siya tiningnan. Feeling ko kasi mas lalo siya mahihiya kung pansinin ko pa siya. She was too embarassed dahil sa kanina.
"Are you done eating?" tanong nito. Saka lang akong tumingin sa kanya. Di ito nakatingin sa akin which made me smile inside. Ang cute ni Ms. Bae pagnahihiya siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/158193832-288-k881246.jpg)