Baekhyun's POV
"Babe." napalingon agad ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Palihim akong napangiti.
"Babe mo mukha mo." pangiinis ko. Nagmake face lang siya.
"So, nakita mo na ba hinahanap mo dito? Kanina pa ako naiinip ha!" reklamo ni Chanyeol. Siya lang ang napilit kong sumama sa akin dito sa Library ng mga Mundane. Busy kasi yung iba.
Napalingon ako sa paligid at umiling.
Hindi ko pa talaga nahahanap ang hinahanap ko..
Hindi ko pa din siya nakikita.
Oo, Siya. Alam kong dito ko siya makikita dahil nga sa dito siya nagtratrabaho. All these time, sisingsisi ako at sinunod ko ang gusto ng mga magulang namin noon. Wala siyang ginawang masama o mali para gawin ko yun sa kanya pero ano? Ginawa ko pa din, sinaktan ko siya ng sobra.
"Oy, joker ka? Bakit ganyan mukha mo? Nagpapatawa ka ba? Nakapout ang put*! Haha" natatawang saad ni Chanyeol. Itinapon ko nalang ang hawak kong libro sa kanya. Bwiset! Bakit ko pa ba to pinasama?
Tumayo ako at nagsimulang maglibot nang makita ko si Seulgi. "What the hell is she doing in this kind of places?" bulong ko. Nagtago ako salikod ng shelf. Binabaan ko ang inerhiya ko para di niya ako mapansin.
Matagal tagal na din kaming di nagkikita. 3 taon na din siguro.
Nagpasya akong hindi na muna magpakita sa kanya dahil tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang kahangalan na ginawa namin sa kanila. They've saved us, but then we took away their happiness in return for their bravery.Ibang iba na sila ngayon, kung nakakatakot sila bago pa nila makilala ang mga lalaking yun noon, mas grabe na ngayon.
Sila ang pumalit sa amin sa pamumuno ng institute dahil nga inilipat kami sa mas mataas na rank. Balita ko sa mga SH doon minsan lang daw sila bumisita sa institute pero wala pa daw pumapalyang mga trabaho doon simula ng maging sila ang pinuno.Kwento nga nung isa ay may ginulping group leader si Joy dahil lang sa di nito nagawa ng maayos ang mission niya. May nakakita raw na mundane sa pagpatay nito sa isang Wanted na Bampira. Simula noon, lahat ng SH sa ilalim nila ay ginagawa na ng malinis at maayos ang kanila mga mission. Kalokohan! So hindi pala kami naging mabubuting pinuno noon ganon? Tss.
May inilabas siyang panyo galing sa bulsa niya, doon ko lang napansin na umiiyak na pala ang kapatid ko. Napatingin ako sa Cover ng Librong binabasa niya..
When the heart forgets..
F*ck.
"Kaawa awa diba?" napatalon ako bigla sa kinalalagyan ko. And there, I saw her.
"Hello baekhyun, long time no see." dagdag pa nito. Napalunok ako, she's as beautiful as ever.
"Taeyeon." yun lang ang nasabi ko. May hawak siyang libro habang nakasandal ang likod sa isang shelf.
"You should not feel sorry if you think what you did in the past is right." makahulugang saad nito. Nagtama ang mga mata namin.
"Pero..."
"Tama nga ba ang ginawa niyo, Baek?" tanong nito. Di naman ako nakasagot kaya nilingon ko na lang uli ang pwesto ng kapatid ko. Nakangiti na ito ngayon habang patuloy na nagbabasa.
"Look at her smile Baek.. When was the last time you've seen her smile? Yesterday? Last year? Or 7 years ago before you took away the only thing that make her smile like that?" di ko alam pero nagsisimula akong mainis dahil sa mga sinasabi niya.