Jungkook's POV
Huminto kami sa isang club.
"Huh? Akala ko ba may imemeet siyang mga tao?" i thought. Lumabas ako para pagbuksan siya ng pinto. Pagentleman effect."Jeon. " tawag nito paglabas nito ng pinto. Paglingon niya, sobrang seryoso na ang mukha niya. Kinabahan naman ako.
"Don't talk to anyone and wag na wag kang lalayo, understood?" seryosong saad nito. Napatango naman ako.
"Good. Let's go. " biglang nagbago ang ekspresyon niya. Ngumiti ito at.... Kumapit sa braso ko.
Laking gulat ko ng hindi man lang ako nakaramdam ng ilang, i even felt comfortable with her beside me. Weird.
Pumasok na kami sa loob.
"Good day ma'am and sir." bati sa amin nung bouncer. Di naman siya binigyan ng pansin ni Ms. kim.Nakakasilaw na mga ilaw at malakas na tugtog ang sumalubong sa amin. Sumasabay na din sa beat ng tugtog ang tibok ng puso ko. Ang lakas.
"Je---"
"Jungkook." pagcocorrect ko.
"Jungkook, remember what I said okay? " paalala niya. Tumango naman ako.
Lumapit kami sa isang table. Ewan ko ba pero napahigpit ang kapit ni Ms. Kim sa akin.
"Well well well.. Look who brought us dinner." sabi nung babaeng blonde with matching lip bit. Maniac ba tong mga to? Kakaiba makatingin eh. Parang kakainin ako na ewan.
"Stop right there girls. He's mine." sabi nung isa at hinila ako paupo sa tabi. Napabitaw naman sa akin si Ms. Kim. Nanatili siyang nakatayo.
Naningkit ang mga mata niya sa mga kasama.
"Don't touch him." mahina pero i managed to hear her. Nakakumo na ang mga kamay nito. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng takot... Hindi lang basta kaba.. Para bang may mangyayaring di maganda pag di pa ako umaksyon.
"Baka gusto mong umupo Yeri?" natatawang saad ng katabi ko. Padabog itong umupo.
Kung anu-ano ang tinanong sa akin ng mga kaibigan niya.
Nalaman ko din na kay Ms. Kim pala tong Club at taga industry din tong mga kasama niya 2 of them are models while itong katabi ko naman ay Singer.
Tahimik lang na umiinom si Ms. Kim.
"Look at yeri. Mukhang di niya gusto ang pagtabi namin sayo ha? Ano ka ba talaga niya?" natatawang bulong nito.
Napalingon naman ako sa direksyon ni Ms. Kim. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya ngayon... Baka patay na ko.
"Huh? Bakit?" tanong ko. Lumapit uli siya sa tenga ko.
"Wala. Hindi siya heavy drinker kaya for sure lasing na yan, just send her home." natigilan naman ako. Ano?! Eh bakit inom lang siya ng inom ?! Tsk!
Pumulupot naman ang kamay nitong isang katabi ko.
Hindi pa din nagbabago ang posisyon ni Ms. Kim. Nakakailang bote na siya.
Fine. I really don't have any other choice, do I?
Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ng katabi ko at tumayo para akbayan si Ms. Kim.
"I'm sorry girls. Lasing na ata girlfriend ko. I think we have to go." tumayo ako para maitayo si Yeri.
"You bitch! Kaya pala nagmumukmok ka dyan. Bf mo pala tong si gwapo!" natatawang saad nung isang model.
"Bye, ingatan mo yan pogi. "sabi ni Shaira. ngumiti lamang ako.
Nang makarating kami sa parking lot bumitiw siya at naunang maglakad papunta sa sasakyan niya.
Huh? Problema nito?
Di ko mapigilang hindi mapangiti.
Para kaming magjowa na nagkatampuhan na ewan."Ms. Kim! Wait!" natatawang twag ko. Napalingon naman siya dahil doon.
"What's funny Jeon?" galit na tanong nito. Mabilis akong napailing. "wala po." hindi ko pa din nabubura ang ngiti sa labi ko.
She looks so cute."Are you that happy because of how my friends cling on to you?" nagulat ako sa pagsigaw niya.
"uhm.. Ano.. Hindi po--"
"Siguro ang saya saya mo no? May pabulong bulong pa kayong nalalaman ni Shaira! Akala mo ata wala kang--" ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at niyakap ko siya at..
"Yeri I'm sorry." saad ko. Lasing na din ba ako? Bakit ko naman yayakapin at tatawagin ang CEO namin with her first name?! Napaface palm ako.
Di ko ineexpect ang sumunod na nangyari.
I felt her arms wrap around my waist.. "I love you Kookie." she said before falling asleep
Bwoyah?! Sino si Kooki--- ako?
-----The next day hindi ko matanggal sa isip ko ang nangyari kagabi.
"Jiminnnnnn! May kilala ka bang Kookie?" sigaw ko. Nasa labas kami ng recording studio. Isa isa kaming pumapasok para kantahin ang mga parts namin.
Inirapan naman niya ako
"May iba pa bang kookie? Ikaw lang naman ang may ganon ka pangit na nickname eh" saad nito. Pwede bang manuntok? Sarap sapukin nitong pandak na to eh.Natahimik ako. Kung ako nga talaga yung sinasabi niya..bakit naman niya ko yayakapin at sasabihan ng...
"Oy bat namumula ka dyan?" puna ni Namjoon. Agad akong napahawak sa mukha ko.
Namumula ako?!
"Good morning.." greet ng isang pamilyar na boses.
"Good Morning Ms. Kim.." greet ng mga loko. nanlaki naman ang mga mata ko.
"Uhm. Can we talk Jungkook?" tanong nito. Napatingin ako sa mga kasama ko. They are all glaring at me as if I've done something terrible.
Kinakabahan naman ako.. Magagalit kaya siya kasi niyakap ko siya kagabi? .
Paksyet! Di kaya nagalit siya dahil sinabi ko sa mga kaibigan niyang Bf niya ako?!
Natatakot akoooooo!
Napatingin ako sa pinto ng recording room..
"Ah.. Ano Maam.. Ako na kasi yung susunod---"
"Go ahead Jungkook..si Jimin na lang muna.." singit ni Namjoon. Bwiset kaaaaaaaa!!!
Panira kaaaaa!!"Well..?" nakatinging saad nito. Inaantay niya sagot ko. Napakamot ako.
"Okay then."sagot ko. Nagpaalam nito sa mga kasama ko. Tahimik lamang akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa rooftop.
Nakatalikod siya sa kin habang nakatingin sa view.
"Jungkook about last night.." panimula nito.
"Sorry ms. Kim! " mabilis kong sagot at lumuhod. Napaharap naman siya sa akin dahil dito.
"Why are apologising? I'm the one who had caused you trouble." natatawang saad nito. Lumapit ito para itayo ako. Nakatingin lamang siya sa mga mata ko.
"These past few days.. I've been having dreams.. At first I thought it were all just a dream but then.. Kahapon... I realized that those were memories that I've lost 7 years ago.. " kwento nito.
" Really? That's good. Nagkaamnesia po pala kayo?" tanong ko. Matipid muna itong ngumiti at tinalikuran uli ako.
"Nung una oo masaya.. Pero ngayon hindi na." malungkot na saad nito.
"Bakit naman po? Teka paano po kayo nagkaamnesia?"tanong ko
"Hindi ko pa alam, but one thing is for sure. " humarap ito sa akin teary eyed.
"You're one of the things I've forgotten, kookie." pagkasabi niya non ay binigyan niya ako ng isang napakahigpit na yakap.
