Alas nuebe na ata ako nagising sa loob ng office kundi lang ko nilapatan ni Inday ng ice sa muka."Kanina pa tumatawag si Tito sayo boss. Uwi daw muna tayo" alam kong kanina pa tumatawag si dad, I'm not bulag para di makita ang miscalls niya.
Tumango ako rito at inutusan. "Kuha mo nga ako ng tubig, at nauuhaw ang reyna"
Agad naman itong lumabas at tinungo ko ang drawer ko. May iniiwan akong damit kung sakaling gamitin ko. Thanks to me. May silbi din pala ito.
"Boss tubig mo. Saka ito oh gamot"Sabay kong ininom ang bigay niya "let's go" sumakay na kami ng kotse pauwi. At dahil late na ako nagising ay inabutan kami ng traffic. "Kapag talaga ako ang naging presidente...argh tatanggalin ko tong EDSA!"
Inday laughed at me. Tinaasan ko 'to ng kilay. "Nako Inday. Umayos ka at naiinis ako"
"Tamo 'to, eh kung tinanggal mo ang EDSA san mo ilalagay?" Oo nga no?
"Wag na lang pala. Bwesit ka Inday!"
__
"Buti naman nakarating na kayo Lindsey. Itong si Ronaldo ay ayaw sagutin ang tawag ko. Sabi ko pa naman na agahan siya pumunta" Dad isa bibigwasan kita. It's Ron!
"What is it, Dad?"
"Tara sa hapag at naghihintay ang pagkain"
So ayon na nga, lumapit kami sa hapag. At dahil gutom na din ako ay kumain na ako. Kapag ganitong gutom ako ay nawawala ang pagiging classy ko. Hak. Hak. Hak. Hayok kung hayok ang paglamon.
"Before i forgot. Anak, may hihilingin sana ako sayo" Dad started.
"Yes?" Sabay punas with poise sa labi ko. Nilagyan ko naman ulam ang plato ni Inday at Migs. Bago tumingin kay Dad. "Spill the beans Dad"
"Your Tito Nick came here last night. Kinausap niya ako na sana ay pakiusapan kita na bantayan ang an--"
I hate to do this pero sumabat na ako. "Dad naman. Hindi ako nag-aral para maging julalay. Sa ganda kong Ito?"
"Ron, anak. Nick is a good friend of mine. Magbestfriend kami. His daughter's life is a bit in danger. Kailangan niya ng bodyguard para bantayan ang unica hija niya" i sighed. Ibinaba ko ang kubyertos at mariing tumingin kay Dad.
"Dad, why me? Bakit hindi siya kumuha sa Agency ng sampo?" Maging si Inday ay tumigil sa pagkain habang nakatingin sa akin. She knew na irritation is building up inside me. "This is nonsense Dad"
"Malaki ang naitulong ni Nick sa pamilya natin. Utang na loob lang ito anak. Sana ay pagbigyan mo ako---ito ang litratro ng anak niya" sabay abot sa akin ng polarised photo. Kamuntik-muntik ko ng maibalibag ang hawak kong baso kay Dad ng makita ang sinasabing anak ni Tito Nick.
"This is some kind of joke, Dad? Ito? This?" Sabay turo sa bwesit niyang buhok na kulay pink.
"Si Strawberry Mondragon. Mas bata sayo ng apat na taon iyan" i don't care kung mas bata siya o matandang hukluban! Hinding hindi ko babantayan ang babaing ito!
"No. Ayoko" alam naman ni Dad na may sinalihan akong organisasyon dati. Wala akong sikreto na tinatago ko sa kanya. Pero this, ang bantayan ang hipong ito is too much!
The heck? This bratinela gurl is my..no way! Ayoko maging julalay. Sa ganda kong ito. Saka she's so maarte.
"Please son. Malaki ang naitulong ni Nick sa pamilya natin. Just do this?"
Nako Dad! Kung alam mo lang ginawa ng gurl na yan sa nag-iisa mong anak. You'll never insist me doing this.
"But dad, i don't like this gurl. Just look lang kasi"
BINABASA MO ANG
Making Ronaldo Sia Dead Jealous
Fiksi UmumBabae ang puso't isipan niya. Literal na babae dapat siya. But he was living his Twenty-eight years of existence's as a Guy. Lalaki ang ginagamit niyang katawan. Isn't too ironic, just like Alannis Morrisette's song? He wanted to become a woman. Pe...