CHAPTER 11

354 12 1
                                    


**

Love is not everything in this world; don't say any stupidities like you can't live without him/her because in the first place, he/she is not the one who taught you to breathe. Wake up! Your life will not be depended whether he will stay or you will leave. It depends on how you would end it up with yourself.

**

Nilingon ko si Manang na ngayon ay nakaupo sa couch at nagbabalat ng mansanas "Manang, alam po ba ni Johann na nandito ako?"

"Oo, alam niya. Sinabi ko kanina bago ako umalis papunta dito." Ani manang. Gusto ko sanang tanungin kung pupunta siya rito pero kapag ginawa ko iyon ay gagawin ko lang tanga ang sarili ko. As if he cares!

"Manang, gusto ko na po sanang umuwi." 2 araw na ako dito sa hospital pero hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapayagang umuwi, sabi kasi ni Doc pwede naman daw nakong umuwi dahil overfatigue lang at anemic kaya neresetahan lang ako ng vitamins pero sabi ni Jonathan ay dito muna ako kahit 2 to 3 days lang para daw makapagpahinga ako.

"S-Sigurado ka ba hija?" Bakit parang alam ko na kung ano ang gusto niyang tumbukin. May nangyayari na naman siguro.

"M-manang, tama po ba ang iniisip ko?" Bahagya naman itong napatungo nangangahulugan na tama nga ako. Hindi na ako nagulat, dapat pala talaga ay hindi na ako makonsensya sa mga susunod kong gagawin.

"Oo, may kasama siyang babae sa bahay ng sinabi ko sa kanya na pupunta ko dito kaya malamang na hindi siya pumunta dito." Kinagat ko ang labi ko ng marinig ko iyon. Kung ganun, talaga palang mas importante ang mga babae niya. "O-Okay po...I expected that bakit pa ba ako nagtatanong."

Nag-isip ako na kailangan ko na nga sigurong magdesisyon.

"Don't worry manang, hindi ako dun uuwi." Napatingin naman ito sakin na parang nagtataka. Totoong wala naman na akong balak pang bumalik sa bahay namin ni Johann. Tutal, wala naman na akong rason para makisama pa sa kanya dahil siya na rin naman ang gumagawa ng paraan para lumayo ako kaya ibibigay ko na sa kanya ang gusto niya. Kahit masakit at mahirap kakayanin ko.

"And where are you going then?"Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita at ng mapatingin ako sa pinto ay naroon siya na prenteng nakatayo. Hindi ko alam kung kanina pa siya dun pero wala nakong pakialam. Isa pa, ano namang ginagawa niya rito?

"Johann hijo, nariyan ka pala, ikaw munang bahala sa asawa mo. Sandali lang at kailangan ko munang lumabas may bibilin lang ako sa cafeteria sa baba." Paalam ni manang sakin. Hindi naman na ako nakapagreact, I can't blame manang, alam kong ayaw lang rin niyang madamay sa namumuong tensyon sa pagitan namin ni Johann.

Nang makalabas na si Manang ay lumapit naman ito sakin at umupo sa couch malapit sa bed ko.

"Tell me Shan, san mo naman balak pumunta?" May kakaiba sa paraan ng pagtatanong nito pero minabuti ko nalang na hindi siya sagutin. Ayoko siyang makausap at ni tignan siya ay hindi ko magawa. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito katinding pandidiri sa kanya at maging sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang gawin ang mga ganung bagay sakin.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng medyo nanginginig.

"Is it really important for you to know, what do you think? Of course, I wanted to see my wife." Anong wife ang sinasabi niya? for godsake kung asawa ang turing niya sakin ay hindi niya gagawin ang ganung mga bagay.

"Umalis ka na, your wife isn't here. She's in your bed, right?" Sarkastiko ko ding sagot.

"Shannon, what are you thinking? Hindi mo naman siguro iniisip na iwan ako?" Biglang napukaw ang attensyon ko sa tanong niya. Ano naman ngayon kung umalis ako? Yun ang gusto niya diba kaya yun ang gagawin ko pero bakit parang may kakaiba sa kanya? Tama ba ang nakikita ko na takot sa mga mata niya?

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon