CHAPTER 39

255 9 0
                                    

"Pride will make the scenario worsen, it's better to set aside the emotion to do the right thing at the right time."

**

"IT'S YOU AGAIN, HOW MANY TIMES DO I NEED TO TELL YOU THAT I DON'T HAVE ANY IDEA WHERE SOPHIA WAS!" Sunod-sunod niyang sabi habang nakakunot ang noo.

Alam kong hindi siya magsasalita sa nalalaman niya kagaya ng ginawa niya kahapon.

"P-Please....help me Jerrico. Sophia kidnapped my wife, I need to help her. Of all people, you must know that Sophia is not mentally stable right now. She can do anything to her." Makaawa ko dito.

Pinuntahan ko na siya rito kahapon pero hindi niya ako kinausap. I tried to convince him to tell where Sophia was pero hindi siya sumagot. Alam kong may alam siya at yun yung dapat kong malaman.

"LEAVE!" Sigaw niya at isinara na ang pinto ng kanyang unit.

Ughh....Napasuntok nalang ako sa hangin.

Kailangan ko siyang mapaamin, 2 araw ng nawawala si Shannon, hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nakikita.

**

"Sophia, maawa ka. Pakawalan mo na ako." Hinang-hina kong sabi habang sinusubuan niya ako ng pagkain.

Hindi siya sumagot pero tumingin siya sakin ng mataman. 2 araw na akong ganito at hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko, pinapakain naman niya ako pero hindi niya ako pinakakawalan sa pagkakagapos ko.

Isusubo na niya ang pagkain sakin ng umiling ako.

"KUMAIN KA!" Sigaw niya.

Natakot ako pero hindi ko siya sinunod.

"KAKAIN KA BA O PAPATAYIN KITA?" Panakot niya sakin.

Alam kong may kakayahan siyang gawin ang nais niya sakin pero kung patuloy akong matatakot ay walang mangyayari. Hindi ko siya sinunod at hindi rin ako sumagot sa nais niya.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang kinuha ang pagkain at sapilitang ipinapakain sakin.

"KUMAIN KA KASI KAWAWA ANG BATA HAHAHAHA.....Sige ka baka mamatay ang baby mo." Nakakakilabot niyang salita.

Natatakot ako pero wala nagawa kundi ang umiyak hanggang sa bitawan niya ako at tigilan ang ginagawa niya.

Puro butil ng kanin ang pisngi ko at alam kong dumugo ang labi ko dahil sa sapilitan niyang pagsubo ng pagkain dito.

"S-Sophia pakawalan mo na ako. Gagawin ko ang lahat pakawalan mo lang ako." Saad ko sa kanya sa kawalan ng pag-asa. Kailangan kong mabuhay para sa mga anak ko.

"Talaga?" Tanong niya na parang bata.

Hindi ko alam kung tama nga ba ang salitang sinabi ko sa kanya para pakawalan niya ko.

"K-Kahit ano.. basta pakawalan mo ako."

"Buhayin mo ang anak ko na pinatay niyo? Kaya mo ba iyon? Bilis gawin mo na!" Sigaw niya muli sakin. Wala akong naging imik dahil alam kong hindi ko kaya ang pinagagawa niya.

Diyos ko, kayo na ang bahala samin ng baby ko. Wala akong nagawa kundi ang magdasal.

Nakita ko nalang na ngumisi si Sophia, sabay sabing.

"Wag kang mag-alala, sasamahan ka na ng asawa mo rito."

Yun lang at tumalikod na siya. Ang huli kong nakita ay ng kunin niya ang cellphone ko sa bag ko at nagdial.

Lumayo na siya pagkatapos kaya wala na akong narinig.

Sana wala siyang masamang gawin.

**

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon