**
Forgiveness will come its way to your heart once you're totally healed.
**
"NO!! please....S-Stop......stop Johann!!!" Hirap na hirap kong sabi. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi ang bagay na iyon, pero patuloy lang siya sa paghalik sa leeg ko.
This can't be. I can't do this to Jonathan!
"I SAID STOP!" Nang isigaw ko iyon ay dali ko siyang naitulak. Hindi ko pwedeng hayaang may mangyari sa pagitan namin. I'm committed to Jonathan already at hindi ko siya pwedeng lokohin, hindi ko hahayaang masira na naman ang commitment na meron ako ngayon.
"I-I'm sorry...." Saad niya na parang nabigla sa ginawa ko. Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya pero ganun pa man ay mali ang ginagawa namin.
"Mali ito Johann, ikakasal na ako! Wag mo sanang kalimutan na mataggal ng tapos ang lahat sa atin!" Tuloy-tuloy kong saad sabay tayo ko sa kama at lumayo sa kanya.
"There's nothing wrong with this Shannon, We're married, mag-asawa pa rin tayo kaya..." Hindi ko na siya pinatapos dahil alam kong hahantong kami sa isang diskusyong hindi ko alam kung kayang kong tagalan.
"Oo mag-asawa pa tayo but that marriage is about to reach an end...." Saad ko na ikinatahimik niya.
Alam kong kahit sa dibdib ko ay may kumirot ng sabihin ko iyon pero kailangan kong gawin ito. Mahal ako ni Jonathan at hindi ko pwedeng sayangin lang ang pagmamahal na ibinigay niya sakin at sa mga anak ko.
Masakit? Oo masakit dahil natuklasan ko na may natitira pa palang parte sa sistema kong nagmamahal pa rin
sa kanya na kailangan ko ng pigilan dahil kapag nagpatuloy ang nararamdaman kong ito, maraming masisira at masasaktan.
Sa pagkakataong ito, maraming bagay na dapat isa-alang-alang, mas dapat unahin, mas dapat pagtuunan ng pansin kaya hindi ko dapat hayaang magpatuloy ito.
"T-This is wrong Johann, hindi na pwede ang gusto mo.....h-hindi na pwede." Saad ko sabay talikod. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito bago pa magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.
Dali kong inayos ang suot kong damit at nagdere-deretsong lumabas ng kwartong iyon. Walang lingon-lingon akong lumabas dahil baka hindi ko na kayanin ang nararamdaman kong sakit kung sakaling magpatuloy pa ang pag-uusap namin.
Dumeretso ako sa kwarto ng mga bata at dali kong kinuha ang maletang dinala ni Manang, not because I'm leaving but because I need to take a shower. Pakiramdam ko kasi, nagtaksil ako kay Jonathan, pakiramdam ko napakarumi kong babae na hindi kayang makuntento sa isa. Nakokonsensya ako sa isiping hindi ko kayang ibigay ang sarili ko ng buo kay Jonathan pero pagdating kay Johann ay muntikan ko na namang ibigay. Naiinis ako sa sarili ko!
Mahal ko pa ba talaga siya?
Hindi! Nalilito lang ako, nakamove on na ako at isa pa, mahal na mahal ako ni Jonathan kaya tama lang ang ginawa ko kay Johann at kung ano man itong nararamdaman ko ay kailangan ng mawala. Kailangan kong ituloy ang annulment para matuloy ang kaligayahang gusto ko para sa mga anak ko.
Pagkatapos kong magshower ay lumabas na rin ako ng banyo at nagpapatuyo na ako ng buhok ko ng maalala ko ang mga bata. It's 4 in the afternoon at hindi ko alam kung nasaan na sila.
Minadali ko na ang ginagawa ko para makalabas na ng kwaro at ng makita ko na ang mga bata.
Pagkalabas ko ay dumeretso ako agad sa sala pero hindi ko sila nakita roon. Ang sabi ni Johann ay pumunta ang mga ito sa park but that was 2 hours ago kaya imposibleng hindi pa ito nakakabalik. Pupunta sana ako sa kusina ng makita ko si Manang na papalabas roon.
BINABASA MO ANG
Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)
RomansThis is the story of a girl name Shannon that is really persevered to get Johann, her dream guy. She can do everything just for her to get the attention and love she's dreaming of. The question now is..... CAN she make him fall for her or her despe...