CHAPTER 32

239 10 2
                                    

**

True colors

**

I already talked to him about the annulment and I was surprised when he just accepted the papers without any hesitation and questionings. He just told me that he'll think about signing it without me intervening on his decision and that's what I'm doing right now. I also talked to Jess about that matter at sinabi naman nito na ayus lang iyon as long as makukuha ko itong papirmahin.

"Hija, wala ka sa sarili mo, may problema ka ba?" Biglang tanong ni manang na kasalukuyan kong tinutulungan sa paghahanda ng pananghalian. Medyo preoccupied kasi ko ngayon dala na rin ng ilang usapin patungkol sa mga issues ng buhay ko.

"Wala po ito manang, wag niyo nalang po akong alalahanin, may iniisip lang po ako." Tugon ko dito. Nakita ko namang napabuntong hininga ito. Alam kong gusto lang niyang makatulong at malaman kung ano ba talaga ang prinoproblema ko pero papaano ko naman sasabihin sa kanya ang iniisip ko kung ako mismo ay naguguluhan din.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang ang sama ng loob ko ng tanggapin ni Johann ang Annulment papers, alam ko naman na dapat ay maging masaya ako dahil yun din ang gusto ko kaya nga naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Ilang sandali lang ay natapos rin kami sa paghahanda hanggang sa tinawag na nga ni Manang ang mga bata at maging si Johann. Habang kumakain kami ay wala pa rin akong imik habang si Johann naman ay masayang inaasikaso ang mga bata.

Napansin niya yata ang uneasiness ko kaya nagawi ang attensyon nito sakin.

"Shan, is there any problem?" He asked curiously. Pero hindi ko magawang sagutin siya. Pakiramdam ko kasi ay disappointed ako sa kanya kahit alam ko naman na hindi dapat ang nararamdaman ko.

"Shan...?" He called out and seems waiting for my response.

"Johann, I'm just thinking kung pwede na siguro kaming u-umalis dito. Alam mo na, tutal magaling nam-..." Sagot ko na hindi ko na naituloy. Wala kasi akong maisip na isagot sa kanya and besides ay ilang araw ko na rin pinag-iisipan ang pag-alis namin rito pero hindi ko masabi sa kanya.

"Let's talk about it some other time." Aniya. Hindi na ako sumagot pang muli dahil nasa harap kami ng hapag kainan kaya napaka inappropriate naman kung dito pa kami magtatalo.

I will talk to him about this issue right after we finished eating. Kailangan narin talaga naming umalis dahil sa nag-aalala na rin ako sa inaakto ni Jonathan nitong mga nakaraang araw.

Ilang beses na itong tumawag sakin pero nauuwi ang pag-uusap namin sa sigawan dahil sa issue ng pagtira namin ng mga bata dito, hindi ko na rin kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko at idadahilan ko sa kanya kaya ilang araw ko munang sadyang hindi sinagot ang tawag niya.

Kinagabihan na ng magkaroon ako ng pagkakataong makausap siya dahil mukhang umiiwas siya sakin sa buong maghapon.

Kumatok ako sa kwarto bago ako pumasok, alam ko namang hindi siya nagsasara ng pinto kaya deretso na lang akong pumasok tutal kumatok naman ako pero laking gulat ko nang bigla nalang may humila sakin at niyakap ako.

"Ano ba Johann!" Sigaw ko pero binalewala lang niya iyon.

Amoy alak siya, mukhang nakainom siya.

"Let's stay like this kahit sampung segundo lang." Aniya sa mababang tono.

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sakin na hayaan siya pero ginawa ko at ang mas lalo kong ikinagulat ay ng maramdaman ko nalang na ibinabalik ko na pala ang yakap na ibinibigay niya.

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon