CHAPTER 24

338 9 0
                                    

**

The beginning of everything starts from the time when you begin that with.

**

I'm currently fixing myself up preparing to off to work. I have no choice but to go, trabaho pa rin ang pinag-uusapan kaya malamang na hindi ako makakatanggi once they asked me to work urgently.

Pagkatapos kong mag-ayos ay tumungo na ako sa kwarto ng mga bata at hinalikan ang mga ito. Sinikap kong hindi sila magising dahil pagnagkataon ay mahihirapan na naman akong makaalis.

Pagkalabas ko ng kwarto ay tumungo naman ako sa kwarto ni Jonathan pero nakita ko namang wala na ito rito, marahil ay nakaalis na rin patungong trabaho.

Medyo naguilty tuloy ako, malamang ay nagtatampo ito sa inasal ko kagabi ng halikan niya ako, alam ko naman kung ano ang gusto niyang mangyari pero hindi ko man lang siya magawang pagbigyan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng maramdaman kong nagvibrate ito.

Jonathan calling.....

"Hello? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sakin?" I asked him trying to sound calm.

"Pasensya ka na babe, I tried to tell you last night that I'll be leaving for a week pero hindi na ako nagkaroon ng chance kagabi dahil sa t-tinalikuran mo ako." Naramdaman ko naman ang tampo sa boses niya. I shouldn't have done that, we're a couple for God's sake! Bakit ba kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga ikinikilos niya.

"I-I'm sorry....." I stated with bit guiltiness. Alam ko namang naiintindihan niya pero hindi ko alam kung anong meron sakin at hindi ko man lang siya mapagbigyan sa hiling niya when in fact, we're gonna be married soon kaya dapat assured na ako sa kanya pero iba kasi ang nararamdaman ko. I knew that I love him and I can't leave him the way Johann did to me. Kung nasaktan man ako noon ay sisiguraduhin kong hindi ko ipaparamdam sa kanya ang naramdaman ko noon, mahal niya ako kaya marapat lang na tumabasan ko iyon sa dami ng kabutihang nagawa niya para samin ng mga anak ko.

"H-hey..... Don't be sad, I understand that we're not married yet to do such thing kaya naiintindihan ko ang pagtanggi mo. Mas m-magtatampo pa siguro ko kung mag-asawa na tayo tapos hindi mo ko pinagbigyan. Hahahahaha Just don't overthink that thing Raine, mahal kita at handa akong maghintay sayo." He sincerely stated.

Natutuwa ako sa pagiging understanding niya pero sa kabila noon ay parang may kulang na hindi ko matukoy kung ano. Ano ba ang kulang sa relasyon namin? Naguguluhan ako sa sarili ko.

"Salamat Jonathan.... Sa pag-intindi." Yun lang ang nagawa kong masabi dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat ko pang sabihin.

Sinabi din niya sakin na kakailanganin niyang pumunta ng Singapore dahil sa photo shoot na kailangan isagawa roon.

"Sige basta mag-ingat ka." I said.

"Yeah, I will.... I love you babe." He said with in a sweet voice registry. Napangiti ako pero ng sasagutin ko na ang sinabi niya ay hindi ko alam kung bakit parang may bumara sa lalamunan ko.

"S-sige na basta mag-iingat ka ha..." I said as I ended the line. Nalulungkot ako sa isiping hirap na hirap akong bigkasin ang salitang I love you sa kanya samantalang siya naman ay lagi niya ipinararamdam at sinasabi sakin ang mga salitang iyon.

Lumabas na ako ng kwarto dahil pasado alas otso na ng umaga kaya kailangan ko ng pumasok sa trabaho dahil alas nuebe ang eksaktong pasok ko at malamang na traffic na naman ang sasalubong sakin once na umalis ako ng late.

Tumungo ako sa kusina dahil para puntahan si Manang.

"Manang alis na po ako, kayo na po ang bahala sa mga bata." Pagpapaalam ko dito.

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon