CHAPTER 10

364 12 2
                                    


**

Giving yourself up to your one love will not be enough until he/she truly sees your real worth. Remember to respect yourself first and don't do sudden decisions that will make you in immerse conflict.

**

Nagising ako sa ingay ng cellphone na kanina pa tumutunog. Nang tingnan ko ito ay 54 missed calls at 20 messages at ang lahat ng iyon ay galing lang sa isang unknown number.

"Sino ba ito?" I tried to composed myself para makabangon dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko kasi ay ang sakit lahat ng buto ko at ang pinakamasakit ang gitna ko.

"Uhgh..." Napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi sa parteng iyon ng bahagya akong kumilos para umupo. Nang masapo na ng likod ko ang armrest ng kama ay binuksan ko isa-isa ang messages at doon ako nagpanic.

"Where are you? Asan ka na kanina pa ako nag-aalala." Yun ang huling text message na narecieved ko. Ang ibang messages naman pareho lang ang nakalagay dun. Puro nasan kana? Dito nako? Sunduin na kaya kita?

Naguilty tuloy ako ng maalala ko kung bakit ko nakalimutan na may lakad pala kami ni Jonathan.

Akmang tatawagan ko na sana ito ng marinig kong may nagsalita. At nagulat nalang ako ng makita kong kalalabas lang nito sa banyo.

"Don't ever try to call him again. Hindi ka na makikipagkita sa kanya." Pirmis na saad ni Johann kasabay ng paglapit niya sakin. Halatang kakatapos lang nitong maligo. Kinuha niya ang cellphone mula sa kamay ko.

"Teka lang Johann, I need to call him baka kasi hin--" Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng tumingin ito ng masama sakin at nagsalitang muli.

"He's not going to look for you kung yun ang iniisip mo. Nagpunta siya rito kanina." Aniya na ikinagulat ko.

"WHAT! Anong ginawa mo? Bakit hindi mo man lang ako ginising?" I asked. Nag-aalala lang ako, baka kasi kung ano yun sinabi o ginawa niya dun sa tao. Hindi naman sa gusto ko talaga si Jonathan pero nakakaguilty lang kung nalaman niya na may asawa na ako ng hindi ko man lang sinabi.

"Why? Are you scared that I'm gonna tell him I'm your husband? Don't worry, I won't do that." Pirmis niyang sagot. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Tama ba na maging masaya ako dahil sa hindi niya sinabi? Pero kung ganun bakit parang nasaktan ako dahil ipinagkaila na naman niya ako.

"N-No. Alam ko naman kung ano lang ako sa buhay mo." Hindi ko naiwasang sabihin iyon. Umaasa sana ako na pagkatapos ng nangyari samin ay magbabago na ang sitwasyon na meron kami pero ayokong umasa dahil sa bandang huli ako lang ang masasaktan.

"A-At least, you know your place." Sa sinabi niyang mas lalong kumirot ang puso ko. I'm aware that he was only provoked kaya nangyari ang bagay na iyon samin. At alam ko na kahit na ibinigay ko na sa kanya ang lahat ay wala lang sa kanya yun, tama nga ang iniisip ko, I'M JUST ONE OF HIS BABES.

Nakita ko nalang na nagbihis siya at mukhang may lakad, hindi na ako nag-abalang magtanong kung saan siya pupunta dahil alam kong mapapahiya lang ako. Nang matapos naman na siyang makapagbihis ay lalabas na ito pero bago pa man ito lumabas ay lumingon muna ito sakin.

"Just take a shower, make sure to clean the mess. Ayokong maabutang marumi pa rin ang hihigaan ko." Marahan niyang sabi at lumabas na ng kwarto.

Tulala lang akong naiwan dito sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sakin ito. There's a part of me asking why this has to happen? I don't have any idea what I've done wrong in past para maramdaman at maranasan ko ang ganito. Huli na ng marealize ko na wala na ang virginity ko sakin, nakuha na pala niya.

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon