**
The desperation begins
**
"ANO! Saan pong hospital iyan! T-teka sandali lang, opo sige po papunta na po ako jan." Nataranta ako ng marinig ko ang isang masamang balita. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ng marinig ko ang pangalan ng taong nasangkot daw sa isang aksidente sa kalye ay kinabahan ako ng biglaan.
"Hija anong nangyari at bakit hinahangos ka?" Tanong ni manang ng nag-aalala ng makitang hindi ako mapakali matapos kong sagutin ang tawag sa telepono.
"Manang, si Jonathan po naaksidente." Taranta kong saad at nagmadali na akong kumilos para iayos ang mga gamit na kailangan kong dalhin.
Kailangan kong makapunta roon dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay ibinilin ko na lang sa kanya ang mga bata. Hindi ko din kasi sila pwedeng isama kaya minabuti ko na ring iwan sila.
"Sige hija, mag-iingat ka at balitaan mo na rin ako. Ako na ang bahala sa mga bata." Tugon nito at tumugon nalang ako bilang sagot.
Nagmadali akong sumakay ng taxi papunta roon. Habang nasa byahe ako ay taranta at pangamba pa rin ang namamayani sa kin.
Anong nangyari sa kanya?
"Manong sa tabi nalang po!" Saad ko, pagkapara ko sa taxi ay patakbo akong pumasok sa hospital.
"Miss, I'm looking for Jonathan Sandoval." Saad ko sa information desk na hinihingal pa dahil sa pagmamadali.
Dali namang tumalima ito at tiningnan sa record nila ang pangalang binanggit ko.
"Room 203 po ma'am." Aniya. Pagkasabi niya noon ay hindi ko na inintindi pa ang iba pa niyang sinasabi at nagderetso nalang ako ng takbo at hinanap ang kwartong tinukoy nito.
Nang marating ko ang kwartong iyon ay dali kong binuksan ang pinto nito at tumambad sakin ang isang Jonathan na halatang may iniinda.
"J-Jonathan...." Saad ko na hindi pinahahalata ang hingal. Lumapit ako dito at nakita ko naman na sumilay ang ngiti nito.
"Hey......" Tugon naman niya ng makalapit ako. Hindi ko naiwasang mapaiyak dahil sa pag-aalala pero naging maayos din naman ang pakiramdam ko ng malamang kong ayos na siya.
"Ano ba kasing nangyari sayo. Akala ko napano ka na!" Saad ko ng medyo pasigaw.
Mabuti nalang at hindi ganun kalala ang nangyari sa kanya maliban lang sa may bali ang kaliwang binti niya.
"I'm fine kaya wag ka ng mag-alala. Okay na ako isa pa, nandito ka na eh." Saad pa nito sabay yakap sakin.
Gumanti ako ng yakap dito pero sa kabila noon ang agam-agam na namuo sa isip ko.
Ilang sandali pa ang lumipas, inasikaso ko siya dahil alam kong kailangan niya iyon. Tinawagan ko na rin si Manang para ipaalam ang nangyari. Nag-alala man ito ay sinabi ko na ring hindi malala ang nangyari, nabanggit daw kasi niya sa mga bata ang nangyari kay Jonathan kaya nagsiiyakan ang mga ito pero mabuti na lang ay madali niya itong naalo. Ipinakausap ko na rin ang mga bata kay Jonathan, knowing them alam kong hindi madaling aluin ang mga iyon.
Naging maayos naman ang lahat at sinabi na rin ng doctor na kinabukasan ay pwede na itong makauwe.
Umuwi rin ako ng araw na iyon para lang kumuha ng damit pero sa kabila ng pagkaabala ko ay isang bagay lang ang patuloy na bumabagabag sa kin.
Papaano na ang gagawin ko ngayon?
Magagawa ko ba siyang iwan at saktan kung nasa ganito siyang sitwasyon?
BINABASA MO ANG
Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)
RomanceThis is the story of a girl name Shannon that is really persevered to get Johann, her dream guy. She can do everything just for her to get the attention and love she's dreaming of. The question now is..... CAN she make him fall for her or her despe...