CHAPTER 7

328 16 0
                                    


**

Not because you think you forget, you really were forgotten. Not because you think you can do it, you really are capable of doing it, and not because you think you had moved on, you really do. A lot of things might be misinterpreted and misunderstood depending on how you would want to think of it to be.

**

"WHAT THE HELL DID YOU DO SHAN! KUNG HINDI PA KO PUMUNTA SA MGA GUTIEREZ AY HINDI KO MALALAMAN!" Sigaw niya sakin. Hindi ako makaimik dahil alam kong ako ang nagkamali. Malay ko ba naman kasi na anak pala ng mga Gutierrez yung malditang babaeng iyon.

"I'm sorry...Hindi ko naman kasi alam ehh" Pangatwiran ko pero hindi parin ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata.

"That's exactly what I'm talking about!"Natutuliglig na ang taenga ko sa kanya dahil sa kasisigaw niya. Bakit ako lang ba ang may kasalanan? He didn't even inform me about that Gutierrez! For Christ sake!

"Teka lang naman, bakit ako lang ba ang may kasalan! It's your fault too. You didn't even inform me that she's a Gutierrez!" Paninisi ko sa kanya. Defense mechanism, kailangan ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Alangan namang umamin ako na kaya hindi ko pinapasok yung babaeng yun ay dahil sa akala kong babae na naman niya yun. Baka isipin niya eh nagseselos pa ko.

"And you can't even admit your fault now? What else could I expect..." Pagkasabi niya noon ay tumalikod na ito. Ewan ko ba sa lalaking yan, ayaw pang umamin eh kaya lang naman siya nagagalit kasi nanghihinayang siya na hindi man lang siya nakascore sa babaeng iyon. Kung ano-ano pang pinagsasabi.

Nandito kami ngayon sa bahay, day off ko kasi ngayon at bukas, ganun din siya, syempre ano naman gagawin ko sa office kung wala siya kaya sabay lagi ang dayoff namin. Minsan nga ay wala nakong dayoff dahil pinapasok niya ko kapag may gagawin din siya sa office at hindi naman ako makapagreklamo dahil siya ang boss.

When it comes on the company na iniwan samin ni papa, okay naman ang pagpapatakbo ni kuya doon, bilib naman ako sa kanya dahil nakakaya niyang mag-isa ang business namin. Sabagay, matalino naman talaga iyon pareho nga silang Sumacumlaude ni Johann na grumaduate samantalang ako ay cumlaude lang ang inabot ng grades ko. Ewan ko ba hindi naman ako bobo pero hindi rin sobrang talino, nagtataka lang talaga ko hanggang ngayon dahil ni minsan ay hindi ko nakitang humawak ng libro ang makulit kong kuya pero naachieve niya ang pagiging sumacumlaude, I don't even remember him reviewing his notes as well unlike me na pinaghirapan ko talaga ang mga grades ko. Talagang nag-aral ako ng todo at nagsunog ng kilay para lang hindi bumaba ang grades ko buti nga nagawa ko yun eh.

Pumasok nalang ako sa kwarto namin ni Johann para matulog na dahil gabi narin. Masyado kasing hyper itong lalaking ito at kakauwi lang namin ay pinagalitan na ako agad.

"Maliligo lang ako..." paalam ko dito ng makita kong nagbabasa ito ng libro. Ibinaba naman nito ang hawak na libro at nilingon ako.

"How many times do I have to tell you that whatever you would do is none of my business? Do whatever you want, understood?" sarkastiko niyang saad. Naiinis man ako sa inasal nito ay tumalikod nalang rin ako. Hindi ko alam kung bakit pa nga ba kailangan kong magpaalam sa kanya. Asawa ko nga siya pero hindi naman ganun ang turing namin sa isa't isa. Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko. Mali ito, I don't feel anything special for him at all, wala na talaga at wala na dapat.

Dumeretso nalang ako sa loob ng banyo dala-dala ang mga damit na kinuha ko sa aparador para maligo.

Nagshower lang ako at hindi na nagtaggal, 30 minutes lang siguro ang itinagal ko sa banyo at lumabas na rin kaagad. Pagkalabas ko ay nakita kong tulog na si Johann kaya naman tumabi na rin ako dito at tumalikod sa kanya. Nagtatabi kami sa kama pero wlang kahit anong espesyal na ibig sabihin iyon dahil para sa kanya ay walang halaga ang pagsasama naming dalawa.

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon