CHAPTER 8

308 10 0
                                    


**

Sometimes, you're making records of the things you wanted yourself be reminded of the happiest memories in the past. The only conflict in it is that the reality of getting it into reality was just beyond reachable.

**

"Woah! Let's party!" Sigaw ni Lovely ng makapasok kami sa loob ng bar. Napatakip naman ako sa tenga dahil sa sobrang lakas ng tunog. Nakakainis, do it have to be this loud?

"Have fun! Ano ka ba naman Shannon! Is this your first time?" Tanong naman nito and yes this is my first time to enter a bar. Kung hindi lang niya talaga birthday ay hindi ko siya pagbibigyan. Lovely is one of my co-employee na naging close ko.

"It's too loud!" Ganting sigaw ko naman dito para marinig niya na nabibingi na ako.

"Don't worry, you'll get used to it later." Ani Lovely sabay tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa aking tenga.

"Let's get a sofa. Come on!" Anya at sumunod naman kaming lahat. Iilan lang naman kami tsaka puro girls naman din kami kaya napapayag niya ako at isa pa ay close ko din naman ang mga ito. Hindi na rin ako nagpa-alam kay Johann tutal sabi din naman niya ay wala dapat kaming pakialamanan pero sinabi ko naman ang lakad ko kay manang bahala nalang si manang kung sasabihin niya iyon kay Johann pero malamang na hindi na nito sabihin dahil hindi naman nito ugaling magsalita kung hindi tinatanong.

Nakita ko nalang na may kinausap na waiter si Lovely at tumango-tango lang ito sa kanya.

"Let's go, girls" Saad ulit ni Lovely at sinundan naman namin siya habang ang sinusundan naman niya ang waiter.

Huminto kami sa isang lugar doon na may sofa "This is your place, Ma'am, pasensya na po. Ito nalang po kasi ang vacant" saad naman ng waiter at tumango nalang si Lovely, wala namang kaso samin kahit saan pa ang pwesto as long as comfortable naman.

"Thanks" Nagpasalamat nalang siya sa waiter at naupo na kami, para sakin ay ayus nga pwesto naming dahil hindi masyadong nakakabingi ang tunog dito. Talagang sa dancefloor lang ang todo ang tunog na parang bibigay ang system nila, I can't even imagine na natitiis ng mga sumasayaw ang ganun kalakas na music halos nakakamatay kasi ang lakas.

"Still not comfortable Shan?" Tanong naman ni Justine, financial analyst sa company, madalas din kasi siya sa floor namin dahil nandun ang boyfriend niya kaya naging close din kami dahil sa madalas ko din kasi siyang kausap.

Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya.

"No...I'm fine now, buti nga hindi masyadong nakakabingi ang tunog dito" Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Mas mahina ang tunog sa may bar stool, kung nabibingi ka na talaga, doon ka muna if you want. Don't worry naiintindahan naman namin dahil hindi ka sanay" Ani naman ni Natasha na siyang Accountant naman sa company namin.

Tumango naman si Lovely at ang iba pa kaya ngumiti ako at nagpaalam sa kanila para pumunta sa bar stool.

"I will." Nakita ko naman na tumayo na rin sila upang pumunta sa dancefloor.

Tumayo na ako at ng marating ko yon ay totoo ngang hindi maingay sa part na iyon. Hindi pa man ako natatagal sa pag-upo ko roon ay may humintong waiter sa mismong harap ko.

"Vodka, Ma'am?" Tanong nito sakin at nakangiti akong umiling.

"No, thanks." Sabi ko at tumango lang ito saka nagsimula ulit maglakad.

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon