**
Love isn't perfect, but behind its imperfection, you'll find the happiness and forgiveness.
**
Mataman lang akong nakatingin sa mga anak ko habang masigabo silang naglalaro dito sa living room namin. Sila talaga ang kaligayahan ko pero pati ba sila nasasaktan ko na dahil sa mga mali kong desisyon?
"Hija, Manghihingi sana ako ng pera pamalengke, ubos na kasi ang stock natin ngayong linggo."
"Hija, malalim na naman yata ang iniisip mo, may problema ka ba?" Biglang tanong ni Manang na nakapagpalingon sakin sa kanya. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatayo sa harapan ko, masyado kasing preoccupied ang utak ko sa dami na ng nangyari, kahit kasi ako ay iniisip ko pa rin kung tama nga ba ang lahat ng naging desisyon ko o baka naman ito lang ang desisyong pinili ko dahil sa takot ko na masaktan akong muli at makasakit ng iba. Pero tama nga ba talaga ang mga ginawa ko?
Tama bang magpatuloy pa ako na mahalin si Johann na siyang ama ng mga anak ko kahit alam kong wala ng kasiguruhan?
O tama lang na manatili ako kay Jonathan na tumayo bilang isang mabuting lalaki at ama ng mga anak ko sa nakalipas na panahon kahit alam kong hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay niya?
Sana lang talaga ay malaman ko kung ano talaga ang dapat kong gawin at kung ano man ang maging desisyon ko ay ito sana ang tama at makakabuti.
"Pasensya na manang, ano nga po ulit yung sinasabi niyo?" Tanong ko rito pero mataman lang itong tumingin sakin, kahit hindi ako magsalita ay alam kong batid niya ang nararamdaman ko dahil halos kilala na rin niya ako sa tagal na namin magkakilala.
"Hija, hihingi lang sana ako ng pera para sa pamalengke, ubos na kasi ang stock natin." Saad niya na may malamlam na tono. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumayo na para kumuha ng pera sa kwarto. Paglabas ko ay iniabot ko ito kay manang pero bago pa man niya ako iwan ay hinawakan niya ang balikat tanda ng pagsimpatya.
Hindi ko na kailangan sabihin pa sa kanya kung ano ang nararamdaman ko dahil batid kong alam na niya ito. Ngumiti nalang ako bilang sagot sa kanya.
Nang umalis si manang ay dumeretso agad ako sa banyo para kunin ang isang bagay na kanina ko pa pinag-iisipan kung titingnan ko.
Pumasok ako sa banyo at dumeretso sa sink para kunin iyon, hindi ko ito tiningnan kanina dahil sa takot sa kung ano ang resulta nito.
Dali kong kinuha ang kulay puting parihabang bagay na maaring magbigay kasagutan sa ikinatatakot ko.
Nang mahawakan ko ito at matingnan ang resulta ay doon na bumagsak ang luha ko.
Dalawang pulang linya.......
I'm pregnant.......
**
Kasalukuyan akong papauwi na, tinatapos ko pa kasi ang pag-aayos ng wedding preparation namin ni Raine, alam kong hindi ko dapat pangunahan ang lahat dahil sa hindi pa sila annulled ng lalaking iyon pero kahit ganun ay kailangan ko ng magpakasiguro na sa oras na lumabas ang annulment papers nila at voided na ito ay pakasalan ko agad si Raine.
Ipinark ko na agad ang sasakyan ng marating ko ang bahay, pagbabang-pagbaba ko ay excited akong makita si Raine at ang mga bata para ibalita na ayos na ang lahat.
"PAPA!" Sigaw ni Joseph at Joshua ng makita nila ako, kasalukuyang naglalaro silang dalawa sa terrace kasama si Manang.
"Papa, let's play." Pag-anyaya sakin ni Joseph.
BINABASA MO ANG
Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)
RomanceThis is the story of a girl name Shannon that is really persevered to get Johann, her dream guy. She can do everything just for her to get the attention and love she's dreaming of. The question now is..... CAN she make him fall for her or her despe...