Chapter 5: Visit Him

404 9 0
                                    

Nakatitig lamang siya sa mga mata ko.

Napatitig lamang ako sa labi nya na ngumuso at nagpipigil ng ngiti.

"Of course............. I dont love her and I didn't love her before. It was just because of a game. Don't cry baby, I love you" he kiss my nose and my forehead then he hug me so tight.

______________________

One week kaming busy sa school at madalas wala si Xander dahil punong puno ang schedule niya this month. Sumabay pa na nagkasakit si Tito Alex, ama ni Xander kaya ngayon si Xander ang nagmamanage ng company nila. One week na siyang hindi napasok. Minsan pag-gising ko nakaalis na siya dahil nasa trabaho na o di kaya may sched siya ng modelling.

Sakay ako ngayon sa kotse ni Xander at ngayon nya lang ako inihatid siguro wala siyang gagawin ngayon. Si Andrei kasi ang naghahatid sakin kapag maaga siyang umaalis.

"I'll pick you up later" sabi nya habang inaalis ko ang seatbelt ko.

"No. It's okay. Magcocommute na lang ako at isa pa halos wala ka ng pahinga ngayon." tinitigan ko sya at ganon din siya. Hindi ata papatalo ang lalaking to.

"I'll ask Andei to pick you up. I don't want you to commute." hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan niya ito ng marahan.

"Thank you, Mine" niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Your always welcome, mine." ngumiti na naman siya ng kita ang biloy at kinindatan ako.

Masaya na naman ang araw ko kahit wala si Xander. My classmate are all good to me I don't know why but it's like they are treating me like a princess in school. I think my fiancé.....

May ginawa na naman ang lalaking yun.

Habang naglalakad napatigil ako dahil sa babaeng kasalubong ko sa hallway. Madaming estudyanteng napatingin samin. Nabuksan na naman kasi yung issue about sa kanila ni Xander at nadamay ngayon ang pangalan ko.

"Colleen. Can I talk to you?" tumango lang siya at parang nag-aalinlangan siyang magsalita. Pumunta kami sa music room dahil dito walang tao na makakarinig ng usapan naming.

Humarap ako sa kanya at napansin ko na nakatungo siya.

"Sorry" humarap siya sakin at Nakita ko na naiyak na siya.

"Last year, alam ko naman na laro lang ang lahat pero kasi hindi ko naisip na mahuhulog pala ako sa kanya. I'm the school beauty last year lahat ng estudyante dito napag-usapan na bakit hindi maging kami ni Xander. Pumayag siya pero para samin laro lang ang lahat kasi wala talaga akong tiwala sa mga lalaki noon. Pero ng makasama ko si Xander nagiba lahat." pinahid nya ang luha niya at hinawakan ang kamay ko.

"Prayne I'm sorry.... that time hindi ko alam na may fiancee siya. Si Xander na mismo ang nagsabi na maghiwalay na kami kasi napansin nya na may gusto na ako sa kanya. Pagkatapos noon binago ko ang sarili ko at nagfocus ako sa studies ko." niyakap ko siya at pinatahan.

"I trust him. I know na Mabuti kang tao. Unang kita ko pa lang sayo I know na magiging kaibigan kita." hinarap ko sya at nginitian.

"Siguro nasaktan lang ako in the first place because he didn't tell me that issue. But, I really trust him yung tipo sigurong kahit siya na yung mali, siya pa din yung paniniwalaan ko." hinawakan nya ang kamay ko.

"Para ka nga talagang anghel sa sobrang bait tapos ang ganda ganda mo pa. Sobrang swerte ni Xander sayo at ikaw din sa kanya. Simula nang pumasok ako dito last year wala pa akong nakikitang tao na hindi plastic, ngayon ikaw lang ang tanging nakakuha ng atensyon ko. So from now on your my only true friend." napangiti ako sa sinabi nya.

My Possessive Fiance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon