Nasa tapat na kami ng mansion pero hindi parin bitawan ni Xander ang kamay ko.
"Xander babalik ako sa Thursday, don't worry." ngumiti ako sa kanya pero siya nakatitig lang sakin.
"Wag mo na akong sunduin dito bukas, pahahatid na lang ako sa driver." kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. Kita ko ang pagaalinlangan niyang umimik kaya napangiti ako. Hinigit ko ang kamay ko ngunit nahawakan niya ulit ito at hinigit ako palapit.
"Thinking that you are far from me....sh*t!!!" bigla niya akong niyakap.
"I didn't know that it's hard..... ilang araw lang naman e... I can wait" may naramdaman akong dumampi sa noo ko ng napakatagal.
Napangiti ako sa sinabi nya. Para siyang bata na iiwan ng magulang. Unti-unti din niyang binitawan ang kamay ko. Binuksan ko na ang pinto ng kotse nya.
'Wanna say something?" Napalingon ako sa kanya at napaisip.
"May dapat ba akong sabihin?" pagtataray ko sa kanya at halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Nevermind. Bye." Siya na ang nagsara ng pinto ng kotse at mabilis na minaneho ang sasakyan paalis.
Mabilis kong tinawagan si Maris na nasa condo.
"Yes Miss?"
"Dalhin mo kay Xander yung niluto kong adobo." napangiti ako kasi naalala ko ang mukha ni Xander kanina.
"okay, pagdating na lang niya, saka ko dadalhin."
"Thank you." pinatay ko na ang tawag at pumasok na sa loob ng mansion.
Nakain kami ngayon sa hapag kainan nina mom and dad. They are talking about my Brother Trex na nasa ibang bansa at nagaasikaso ng business namin doon. Sobrang sipag naman kasi nun kaso napaka pihikan sa babae. Wala pa tuloy akong pamangkin, gusto ko ng makipag-away sa anak ni kuya.
"By the way anak, where's Xander?" tanong ni mom.
"As of now, nasa condo na siya ngayon. I didn't know that he's childish." binulong ko ang pahuli kong sinabi at napangiti. Nagtaka naman sina mom sa inasal ko.
"Are you two okay?" tanong ni dad at tumingin sakin. I nod and smile to them.
"He's very responsible. I don't know kung paano niya napapagsabay ang work and study this past fiew days."
"Good. Bagay talaga siya sayo. Sabihin mo sakin kapag niloko ka ni Xander." may pagbabanta ang boses ni dad.
"He will never do that. Sakin lang ang adik na yun dad." napahalakhak naman sa tawa si dad.
"Malakas tama nun sayo anak ha!ha!ha!" sabi ni mom sabay tawa.
"By the way, kamusta si Alex?" tanong ni dad.
"He's fine now. Ganun daw talaga kapag natanda na." napatakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko ang sinabi ni Butler Ken.
"Asheville!!!" saway ni mom and dad. At sabay pa talaga sila. Bagay talaga silang dalawa!!
Dali dali akong umalis sa hapag at tumakbo papunta sa kwarto. Naisip ko agad si Xander kaya agad ko siyang tinawagan.
"What?" may pagkainis nag boses niya kaya kinabahan ako.
"I miss you." bulong ko habang yakap yakap ang unan ko at iniimagine na si Xander yun.
"Sh*t!! I should be angry with you.... I miss you too mine. Don't do that again." I felt sorry sa ginawa ko kanina.
"ha!ha!ha! Sorry. " mukhang hindi pa nadadala ni Maris ang pinadala ko. Sakto naming may narinig akong nag-doorbell.
"Wait Mine, I'll be back" narinig kong umalis siya kaya inintay ko na lang siya.
3 minutes
5 minutes
Nagbilang na ako ng 100 tupa hindi parin siya nabalik kaya humiga muna ako at tumitig sa kisame.
"Ano kayang nangyari sa adik na yun?" kung ano-anong pumasok sa utak ngayon.
"Baka hindi si Maris yung dumating? what if ibang babae yun?" napakagat labi ako sa naiisip ko.
"Baka akitin siya nun? Galit pa naman yun sakin." pinaghahampas ko ang unan at nagpagulong gulong sa kama.
Napatingin ako sa cellphone ko na 11 minutes na pero nasa linya padin siya.
"Xander..." bulong ko kahit alam kong hindi nya naririnig.
"Mine, sayo lang ako magpapaakit." nabitawan ko agad ang cellphone ko.
Sh*t!!! nasa linya na pala siya? Don't tell me narinig niya ang mga walang kwenta kong pinagsasabi kanina?
Natataranta kong kinuha ang cellphone ko na nagpatak at agad na pinutol ang tawag. Napairit ako sa sarili kong unan.
"NAKAKAHIYA!!!!! AYOKO NG MAGPAKITA SA ADIK NA YUN!!! WHAT THE F*CK!!!!" abala ako sa, pagmumura kay Xander ng tumunog ulit ang cellphone ko kaya agad akong napaayos ng upo.
" Who is this?" tanong ko dahil hindi nakaregister ang number sa phone ko.
"..." walang nagsasalita kaya napatingin ako sa number kung familiar pero wala akong maalala.
"nakakatampo ka purple..." nanlaki ang mata ko.
O_O
"AIDEN TREX KINGSLEY!!!!!!"
"Andito na ako sa mansion.... bumaba ka na.." tila pagod na pagod ang boses nito kaya agad kong tinakbo pababa. Halos madapa na ako at matakid pababa ng hagdan.
"Purple dahan-dahan.." kita ko na itong nakaupo sa sofa at nakatingin sakin. andito na din sina mom and dad.
"You....." halos maiyak ako kasi sobrang tagal na naming hindi nagkita. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at hinalikan ang buong mukha sa sobrang miss ko dito.
"Hayss...miss me Purple? ha!ha!ha!" tawa siya ng tawa ng hindi ako umalis sa yakap sa kanya.
"Hon let's go namiss nila ang isa't isa." sabi ni dad at hinila si mom paalis.
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"I miss you so much" napa-pout ako sa kanya tumingin sa mga dala niya.
"Don't worry nabili ko lahat ng pabili mo." napansin ko na pagod na pagod na ito at mukhang inaantok na kaya hinila ko na ito sa kwarto ko.
"Purple?" tawag nya sakin habang nagbibihis siya.
"Yes?" napatingin ako sa kanya habang pahiga na ito sa tabi ko.
"I'm sure he will kill me, knowing that I'm sleeping beside you." nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Who?..." napatakip naman ako sa bibig at naalala si Xander. Kinuha ko agad ang phone ko at Nakita ang message nito.
"Good night, Mine. I want to see you on my dream." he texted.
"Good night. Adik ka talaga." I texted him.
"Hindi yun magagalit." napatingin ako sakanya at napangiti. Hinigit ko ang damit niya palapit sakin.
"W-what?" sinuri ko ang mukha niya pero wala namang nagbago. Magkamukha parin kaming dalawa.
"May girlfriend ka na siguro Trex." tinap ko ang ulo niya at sinuklay ng kamay ang buhok niya.
"I don't have time on that thing." humiga na kami parehas. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit and I miss this situation. Lagi kaming magkatabi dati simula pagkabata kahit may kwarto siyang iba.
"He will surely kill me if he found out that I'm sleeping in your room." nakangisi nyang sabi.
"Forget him
Welcome Home, Kuya."
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...