Dinala ako ni Xander sa isang restaurant at doon kami kumain. I never expect na may makakakilala sakin dito bilang si Prayne na model sa Korea.
" Ahh... Miss Prayne? boyfriend mo siya?" tanong ng isang babae na nagpapicture sakin kaya napatingin din naman ang iba at inabangan ang sagot ko.
"mmm... no he's not my boyfriend." naramdaman ko naman ang kamay ni Xander na pumulupot sa aking bewang at hinigit ako palapit sa kanya.
" Sorry girls.. I'm not her boyfriend....
..
..
..
..
..
..
..
..
I'm her fiancé." hinigit na ako ni Xander at umalis na doon. Sumakay na kami sa kotse nya. Hindi ko na enjoy ang pagkain ko dun. Napasimangot tuloy ako.
"Let's visit Tito Alex." tumingin siya sakin at sumang-ayon. Habang nagdadrive siya ay napatitig lamang ako sakanya.
Hayysss. hindi makatarungan ang lalaking 'to. Kaya nakakainis na sobrang dami kong kaagaw sakanya. Wala pa nga siyang gigagawa nakakaakit na, Lalo na pag naka-fierce. Masyado siyang perpekto haysss.
"Masyado ka nang inlove sakin, Mine." natauhan ako sa sinabi nya. Kinindatan pa ako bago humarap sa daan.
"B-bwisit" bulong ko. Bumili muna kami ng prutas para kay tito at dumiretso na kami sa mansion nila kung nasaan si tito.
Ngayon lang ulit ako nakadalaw dito sa mansion nila. Sumalubong samin ang napakadaming katulong at si Butler Ken.
"Master!!! Hi Prayne!!" Isip bata parin si Butler Ken kahit kelan. But don't judge him easily because he is very professional. Sobrang galing nyang makipaglaban at higit sa lahat pumatay. Sobrang nakakatakot siya kapag seryoso.
Kinuha ng maids ang binili naming prutas at dinala sa kwarto ni Tito Alex.
"Prayne namiss kita!!!!" Niyakap nya akong mabilis habang nakatalikod si Xander at kausap ang isang katulong.
"Miss you din. Kamusta si Tito?" Naglakad na kami paakyat sa kwarto ni Tito Alex.
"He's okay na, alam mo naman ang mga tumatanda hehehe" napangiti ako sa kalokohan ni Butler Ken.
"Lagot ka kay tito kapag narinig ka nun!!" Nagtawanan lang kami.
Pagpasok ko sa kwarto nagulat ako sa biglang pagyakap sakin ni tita Claire.
"My favorite daughter-in-law!!! Bakit ngayon ka lang nagpakita samin!! Miss na miss na kita Prayney ko!!!!" Halos masakal ako sa higpit ng yakap sakin ni tita.
"Mom!!" Hinigit naman ako bigla ng nasa likod ko na si Xander.
"Hindi siya makahinga sa higpit ng yakap mo!!" Hinarap naman ako ni Xander at sinuri. Inayos nya ang buhok ko.
Ang OA nya....
"Namiss ko lang naman si Prayney ko anak!! Hindi ko naman siya aagawin e!!" Parang bata si tita na nagpapapadyak papunta kay tito na tulog pa.
"Alex!!!yung anak mo inaaway ako!!" Ginising nya si tito kaya nagulat ako.
"Ikaw naman kasi" bulong ko kay Xander at siniko sya ng mahina.
Matagal kaming nagusap-usap nina tita. Ayos na naman daw si tito kaya baka makabalik din agad ito sa trabaho.
"Dito ka na matulog Prayney!! Pinapalinis ko lagi ang kwarto mo dito.." nakapout na sabi ni tita.
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...