Nagising ako kinabukasan ng may ngiti sa labi. Tama ba ang naging desisyon ko? I choose to be with him. I choose my happiness. Kahit na alam kong hindi ito magtatagal at mawawala din. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang kondisyon ko and I have a bad feeling about it. Iiwan niya din siguro ako kapag nalaman niyang hindi ako magtatagal.
Napatitig ako sa mukha niya na nakapikit. I miss everypart of him. I miss his face, smell, presense, touch and his voice. I miss his voice everyday when I was in America. I touch his face and familiarize myself with it.
"I miss you so much."
"I miss you too" nagulat ako ng yakapin ako nito ng mahigpit habang nakapikit padin.
"Kanina ka pa gising?" Ngumiti lang ito at tumango. "Nauna ako sayo. I already cooked our breakfast." Nagtama ang mata namin at ngumiti siya sakin. Tumayo na kami at ngayon ko lang napansin na nakabihis ako. Napatingin lang ako sa kanya ng nagtataka.
"What?" umiling lang ako sa kanya at ngumiti. We eat breakfast together and it was like a dream for me. Natititigan ko siya ng malapitan ngayon. I reach his face at ngumiti naman siya ng bigla akong napamulat. Ilang beses akong napatingin sa paligid at nakahiga ako sa kwarto ko. Walang Xander na nakahiga sa tabi ko na ikinatulala ko.
Unti-unting tumulo ang luha ko ng maisip ko na panaginip lang lahat ng nangyari. F*ck!! Bakit nga ba yun mangyayari samin e ikakasal na siya?!! Bakit niya naman ako aalukin ng kasal kung may mahal naman siyang iba. Napakatanga ko para isipin na totoo lahat ng nangyari. Pero ang sakit pala na kahit panaginip lang yun ay umaasa akong sana naging totoo na lang lahat. Na sana totoong sakin siya magpapakasal. Na sana ako ang totoong mahal niya.
I can still remember what happened to us. Pero bakit parang totoo? Masakit ang katawan ko pero baka dahil sa trabaho. Inayos ko ang sarili at lumabas sa sala. Wala akong makitang kahit ano na magsasabing galing si Xander dito. Pumunta ako sa kusina at wala namang nagbago. Walang pagkain gaya sa panaginip ko. Napabuntong hininga na lamang ako at nag-ayos na para sa trabaho. I should just forget that dream. Nasasaktan lang ako lalo.
Pagpasok ko sa kompanya ay tila normal naman lahat pero napapansin ko na napapatingin sila sakin. I just ignore them at pumunta sa opisina ni Trex.
"Good morning, Purple." masayang bati sakin ni Trex at mukhang good mood ito. Kadalasan kasi bad mood ito tuwing umaga dahil sa trabaho.
"What happened? Bakit ang saya mo ngayon? Tss.. baka mamaya may girlfriend ka na hindi mo pa sinasabi sakin?" napahalakhak naman ito at umiling lang.
"No. I'm just happy for yo--you, I mean... teka kumain ka na ba?" nagtataka ko itong tiningnan. He's hiding something.
"What is it? Mr. Aiden Trex Kingsley?! May tinatago ka ba sakin? Nakabuntis ka ba?" agad naman itong nanlaki ang mata at hindi makapaniwala.
"What are you talking about?! Me?! Nakabuntis?!! No way!! Hindi yun ang dahilan ko Purple. Basta malalaman mo rin yun so just be happy." niyakap naman ako nito.
"By the way, yung birthday ni daddy sinong nag-aasikaso? This coming sunday na yun diba?" tumango lang si Trex at mikhang masaya.
"Yeah.. kaya nga ako masaya dahil malapit na yun. Everything was perfect. Okay na ang lahat mula ng dumating kayo nina mom and dad. I wish you all the best Purple." napangiti naman ako kay Trex.
"Trex hindi ako ang may birthday! Si daddy yun. Ano bang pinagsasabi mo dyan e next month pa naman ang birthday ko." napakamot naman sa batok si Trex. May kakaiba talaga sa ikinikilos niya. Nahagip naman ng mata ko ang isang sobre na kulay silver at may magandang disenyo ng bulaklak.
"What's that?!" sabay turo ko at akmang kukunin ko ng bigla niya ito itapon sa basurahan bigla.
"Ah!! W-wala love letter lang ng isang fan. Nakakainis nga yun e lagi akong pinapadalhan ng love letter. Akala mo madadala ako sa mga ganun ganun." umiling na lang ako sa inakto niya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...