Everyone is crying.
Everyone is in pain.
They can't accept it. Hindi nila kaya. Nasasaktan sila sa nakikita nila. Walang ibang naririnig kundi ang iyakan sa loob ng isang silid. Inis, lungkot galit at takot ang nararamdaman nila ng sabay sabay. Inis dahil sa pagtahimik nito at isinekreto ang lagay niya. Lungkot dahil sa nakikita nila itong nahihirapan at nasasaktan. Nahihirapan silang tanggapin na bilang na lamang ang oras nito. Galit. Galit sila sa sitwasyon nito na hindi man lang nila naagapan at hindi man lang nila natulungan sa mga panahon na kailangan sila nito. Takot. Takot na hindi nila maiwasang isipin na baka ito na ang huli.
"A-Asheville.... Mine.... w-wake up.. p-please?" lahat ay umiiyak dahil sa nakikita nila. Hindi pa din gumigising si Prayne mula kanina. Then, they meet Dr. Gonzales na nagpaliwanag ng lahat. In the first place hindi sila makapaniwala at halos masuntok pa ni Xander si Dr Gonzales pero nang makita nila ang records ni Prayne ay nag-umpisa na silang mag-iyakan.
Napaiyak si Maris ng maalala ang pag-uusap nila ng kaibigan.
"May m-mahal na siyang iba, Maris. Mamamatay ata ako ng mas maaga sa tuwing iniisip ko yun!! In the second thought, mas bagay pala sila ni Vien." napatitig ako kay Prayne that time.
"Mas magiging masaya siya kay Vien at pang-matagalan. Compaired to me? Hindi na ako magtatagal." napahalakhak si Prayne at halata ang sakit na nararamdaman nito. What does she mean?
Naisip niya mga pinagdaanan nito sa loob ng isang taon na wala ni isang makausap tungkol sa problema. Napakawalang kwenta niyang kaibigan dahil wala siyang nagawa para dito. Sinaktan pa nila si Prayne dahil sa pesteng pakulo ni Xander!
Ngayon nag-sisisi Maris ng sobra sobra. Sobrang sakit na makitang nakahiga si Prayne at wala paring malay. Napakadaming nakakabit sa katawan nito na kung ano-ano. Lalo siyang nanlumo dahil sa lahat si Xander ang mas nasasaktan sa kanila. Alam nilang magkakaibigan kung anong pinagdaanan ni Xander sa loob ng limang taon. Halos mabaliw ito dahil sa pag-alis ni Prayne. Simula noon naging seryoso na ito sa trabaho then suddenly nagpatayo ito ng mansyon at nagulat sila ng pinakilala sa kanila si Vien na pinsan nito. At ang gago may plano palang engrandeng kasal sa pagbalik ni Prayne.
Napayakap si Maris kay Cayne na umiiyak din. Kasalukuyang kausap ni Dr. Gonzales ang magulang ni Prayne pati si Trex. Tanging ang mga kaibigan lang nito ang nasa kwarto niya.
"Mine... you accept my proposal... pero bakit ka nandyan.. please.. mine... wake up..andito na kami... ako." bulong ni Xander sa babaeng nakahiga at walang malay. They don't have any idea kung kelan ito magigising.
"Please.. mine wake up, I love .. you"
~PRAYNE POV~
Nagising ako sa isang silid at naalala na ito ang room ko sa hospital. Napapikit ako bahagya at naisip kung ano ang nangyari. Then naalala ko si Xander na nagpropose sakin.
Napalingon ako sa kamay ko na may mahigpit na nakahawak doon.
"X-xan.. der." napaluha na lang ako bigla. So they already know my condition. Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa sofa at may kumot.
Maris.
"Mine?" gulat ang mukha ni Xander na nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Don't worry, Xander. Ayos na ako." agad ako nitong niyakap nang mahigpit.
"Why? B-bakit hindi mo sinabi sakin?!" nakita ko ang pagpatak ng luha niya na agad niya namang pinunasan. Umiling lang ako.
"Hindi ko kaya. Ayokong malungkot kayo dahil lang sakin, Xander. Ayokong mamroblema sina mommy sakin. Ayokong m-malungkot sila sa pangalawang buhay nila. Mas maganda kung ako na lang ang makaramdam nun. Mas okay sakin yun. Na ako na lang ang nasasaktan"
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...