DALAWANG araw akong natutulala dito sa kwarto ko. As usual wala naman akong ginagawa at hindi mawala sa isip ko ang nangyari.
Wait for me, Mine
Sinabi nya ba na maghintay ako sa kanya? Anong ibigsabihin nun? Na iiwan niya si Erille?
Napailing na lang ako sa naiisip nang biglang pumasok si Trex sa kwarto ko na may kasamang dalawang babae.
"Get ready, Prayne. Aayusan ka nila, may pupuntahan tayo." seryosong sabi nito kaya nagulat ako. Nakakatakot naman ito kaya agad akong naligo at inayusan nila ako. Gusto ko sanang humarap sa salamin pero tinakluban nila yun ng tela.
"Saan kami pupunta? Galit ba si.. Trex?" tanong ko sa magandang babae na nag-memake up sakin. Yung isa naman may hawak na kamera at pinipicturan ako. Napailing na lang ako sa ginagawa nito.
"Ewan ko nga po. Bigla na lang kaming pinatawag at mukhang bad mood si Sir." napatango na lang ako. Anong nangyari sa lalaking yun?
"Can I see a mirror?" umiling lamang ito at ngumiti. "Maganda ka na ma'am. Naku ngayon lang ako nakapag-make up sa kagaya nyo. Ang swerte naman ng mapapangasawa nyo." napangiti ako sa kanya.
"Sad to say, I don't have my fiance. Hindi ko alam kung okay kami nun. Matagal kasi akong nawala so baka nalimutan na niya ako." napanguso lang ako sa naiisip. Mabilis itong natapos at yung isa naman ang nag-ayos ng buhok ko. Kinuha naman niya ang camera at siya naman ang nagpicture.
"Para san yan?" tanong ko at ngumiti lang ito. "Lahat po ng minemake-upan namin ay may ganito. Ang ganda nyo po lalo, nakakainggit." napangiti lang ako dito. Hindi ko alam kung anong itsura ko pagkatapos ng isang oras. Mananalamin sana ako sa phone ko pero kinuha naman sakin. Napataas ang kilay ko sa babae.
"Sorry ma'am. Napag-utusan lang po." hindi ko na sila pinansin at pinasuot nila sakin ang isang dress na color white. Sobrang ganda ng mga batong nakalagay dito. It's a dress off the shoulder lace up with appliques and crystals, above the knee.
"Wow!! Ang ganda nyo Ma'am!!" napangiti naman ako sa kanila.
"Thank you. Saan ba kami pupunta?" naguguluhan kong tanong at lumabas na. Nakita ko si Trex na nag-iintay na sa baba at naka Tux na lalong lumitaw ang kagwapuhan nito. Nang makalapit ako ay nakangiti parin ito.
"Hoy Aiden Trex where the hell are we going? Nasan sina mommy?" nagtataka kong tanong pero nakangiti parin ito. Naiinis ko itong tiningnan. Lumabas ito kaya sumunod lang ako sa kanya. Sumunod ako dito at sumakay kami sa kotse.
"Trex where are we going? Nakakainis ka naman!!" maya-maya ay itinigil nito ang kotse sa tabi at humarap sa akin.
"Just be happy, Purple. Remember that I love you. Your my only sibling. Live your life to the fullest and be happy with him." nagtataka ko itong tinaasan ng kilay.
"Ano bang pinagsasabi mo Tre---WHAT THE!! ano to Aiden Trex!!" napamura ako ng may inilagay siyang kung ano sa mata ko kaya wala akong makita. Pagkatapos ay tinali niya ang dalawa kong kamay.
"Sorry Purple. Advance Happy Birthday na lang." naramdaman kong umandar muli ang kotse.
"Anong advance happy birthday? Next month pa yun. Ano ba bang pakulo ito?!! I hate you! Isusumbong kita kay daddy at mommy!! Tanggalin mo to Aiden Trex Kingsley!!!" ilang minuto ko na siya minumura hanggang sa mapagod ako at tumigil. Naiinis padin ako hanggang ngayon. Then, tumigil ang kotse at inalalayan ako na lumabas.
Hayss.. ano bang nangyayari?
Naramdaman ko na sumakay muli ako sa kotse. What's the difference? Bakit kailangang palipat-lipat??
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...