Chapter 20

266 4 1
                                    

Nakatulala lang ako sa buong byahe namin pauwi. Naiisip ko talaga yung panaginip ko. It was like real kasi hanggang ngayon nararamdaman ko pa yung sakit sa puso ko. Pero wala naman akong sakit sa puso. Wala nga ba?

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang pagtibok nito. Maayos naman ang nararamdaman ko at walang mali. Siguro natatakot akong baka totoo ang panaginip nayun? Yes, I'm really afraid. Hindi ko kaya ang bawat senaryong yun. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pa siyang makita kahit......wala kaming communication.

May iba na kaya siya?

Vien?

But.... she's his cousin. Is she real? Sa panaginip lang yun eh..

Naiiyak ako sa mga pumapasok sa isip ko na mga what if's ko. What if nainlove na siya sa iba kasi iniwan ko siya? What if naikasal na pala siya? What if galit siya sakin at gustong maghiganti? What if.... masaya na siya... sa iba?

Kaya ko ba?

Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako. Hindi ko kayang may iba na siya. Ayoko. Mamamatay ako. Kung may iba na siya, siguro dapat nangyari na lang yung panaginip ko. Mamamatay din naman ako kung hindi ko siya makakasama.

"Purple let's go."

Napalingon ako kina mommy at daddy na nakatayo na. Nakalapag na pala ang eroplano na sinasakyan namin. Agad akong sumunod sa kanila at hinila ang maleta ko. Sinalubong naman kami ng mga tauhan nina daddy at si Trex.

"I miss you, Purple." bulong niya sakin ng niyakap ako nito. "I miss you too. Kamusta siya?" bulong ko sa kanya at ngumiti lang.

Napasimangot naman ako at sumunod na sa kanyang kotse. Nasa unang kotse sina mommy at daddy.  Tapos may dalawang kotse pa na nakasunod samin na puro tauhan ni daddy.

Nakasimangot ako habang nagdadrive lang si Trex. "Don't be sad Purple."

"I hate you. I'm just asking kung kamusta siya? M-may....

g-girlfriend na ba siya?"

Bumaling ako kay Trex at nakangisi lang ang gago. Naiinis akong kinuha ko ang Phone ko at nagtype. Never ko siyang nakausap o nakita sa loob ng limang taon. Iniiwasan ko din ang mga balita tungkol sa kanya.

Xander Achilles S. Lockhart

Maraming balita tungkol dito. Isa na siyang sikat na businessman.

The 23 years old Billionaire.

Girlfriend of the Billionaire, Xander Achilles Lockhart.

The successor.

Bachelor's in Town.

Halos napanganga ako sa dami ng balita tungkol sa kanya. Sa bachelors in town kasama niya sina Cayne, Frenz, Andrei, Darille at Trex. They all grown up and matured. I want to see them. Namiss ko silang lahat, yung kaingayan nila at pag-kaisip bata. I miss those days na wala pa kaming problema.

Nagtingin ako ng photos at naiinis ako sa nakikita ko. Nanggigigil kong pinindot ang pangalan ng babae.

Erille Perez

Anak siya ng isa sa may malaking share sa company ni Xander. Napasimangot ako habang tinitingnan ang picture nila. Bakit siya nakangiti. Masaya ba kasama si Erille kaysa sakin?

Ang dami nilang pictures na magkasama sa iba't ibang event. Naiinis na talaga ako. Nakalimutan na ba niya ako? Sabi sa balita Girlfriend na nya ito. Maganda naman si Erille at...... maganda siya. Yun lang.

Sumasakit ang puso ko sa naiisip na baka sila na nga. Masaya na siya. So paano ako?

Siya parin yung mahal ko.

My Possessive Fiance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon