Ilang minuto akong nakatulala sa office ko dahil sa nangyari. I really can't understand him. Nakakagago talaga ang mga ginagawa niya. HE is going to MARRY Vien tapos bigla na lang siyang pumasok dito sa office ko at sasabihing invited ako sa kasal nila tapos hahalikan ako!!! Sinong hindi mababaliw ngayon!!
I reach my phone and search for Maris number. Colleen for sure are busy kasi bagong kasal lang sila so I can't talk to her now.
"Yes Prayne? How are you?" napangiti naman ako ng marinig ko siya.
"I'm not okay! Pwede ba tayong magkita? Hindi ko na talaga kaya!!" nanggigigil na paliwanag ko.
"O-okay relax Prayne."
Then nag-meet kami sa isang coffe shop at pagdating ko naka-order na siya. Malapit lang kasi ang bahay ni Cayne dito, you know they have this thingy.
"So what's the problem?"
"Nakakagago si Xander!" nagulat naman si Maris sa inasta ko.
"Bakit? May nangyari ba?" nagtataka na tanong nito at sumubo ng cake.
"Maraming nangyari!! He invited me to his wedding kanina tapos ang lalaking yun bigla na lang akong hinalikan?!! Sinong matutuwa dun? Nag-momove on ako tapos gagawin niya yun? I'm going crazy because of him!!" Napainom ako ng kape sa sobrang gigil.
"Hindi na nakapagpigil ang gago." nakangising sagot ni Maris.
"Should I call Vien?" napakagat labi ako dahil nakokonsensya. "Should I tell her about what happened? Pero baka hindi matuloy ang kasal nila. Pag nangyari yun parang kontrabida naman ako. Mang-aagaw na ex ang kalalabasan ko dun" napabuntong hininga ako ng marinig ang tawa ni Maris
"Sorry. Kasi naman wag mo ng isipin yun. Hindi mo na ba mahal si Xander?" napaiwas ako ng tingin.
"You know my answer Maris. I can't stop myself loving him kahit na ilang taon kaming walang koneksyon. Kahit ilang taon ko siyang hindi nakita siya pa din naman." sumasakit ang puso ko kapag na-aalala ko yung dating kami.
"Then now? He love's Vien. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita silang magkasama. Ang sakit palang makita siya na may iba nang mahal. Pinapatay ako sa sakit araw-araw. Mali ba na pinili ko ang pamilya ko noon? Mali ba yun? Kasi siguro yun ang dahilan kaya wala na siya sakin diba? Na pinili kong tulungan sina mommy kaysa magpaiwan at makasama siya." napaluha na ako sa sakit ng nararamdaman ko. Napahawak ako sa dibdib ko.
"No Prayne. Wag mong mong isipin na mali ang desisyon mo dahil hindi ka niya pinapili kahit kailan. He let you go kasi kailangan ka ng pamilya mo." umiling lang ako sa sinabi niya.
"No! Kung hindi niya ako pinapili, bakit hindi niya ako kinokontak? Maraming paraan para mag-kausap kami! But he didn't do it. Kasi siguro nagsawa na din siya sakin? Kasi mas malaya siya kung wala ako." napatango ako sa naiisip.
"Don't think like that Prayne. Hindi ganyan si Xander. Alam mo kung gaano ka niya kamahal, hanggang ngayon." natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hanggang ngayon? But he's g-getting m-married!!" napaiyak na ako ng tuluyan. Buti na lang walang ibang tao kundi kami lang.
"May m-mahal na siyang iba, Maris. Mamamatay ata ako ng mas maaga sa tuwing iniisip ko yun!! In the second thought, mas bagay pala sila ni Vien." napatitig si Maris sakin. "Mas magiging masaya siya at pang-matagalan. Compaired to me? Hindi na ako magtatagal." napahalakhak ako sa tuwing naiisip ko yun.
"A-anong sinasabi mo, Prayne." nag-aalalang tanong ni Maris na lalo akong naiyak.
"I can just feel it. Wala na akong silbi sa mundo kung wala siya sakin. H-hindi na ako-- PRAYNE!!!"
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...