KINABUKASAN, nalate na kami ng gising ni Trex kaya hindi na ako pumasok sa morning class ko. Kaya nagtext ako kay Xander na hindi ako makakapasok, baka kasi lalong magalit yun sakin. Bumaba na ako para kumain dahil kanina pa sila kumakain for sure.
"Bakit hindi kayo lumabas magkapatid?" tanong ni mom.
"Yes, we already have a plan. I really miss purple." nakangiting sabi ni Trex kay mom and dad. I don't prefer to call him kuya kasi gusto ko lang. It's more comfortable for me and we're like bestfriends.
"We're going na." hinalikan kami parehas ni mom." Ingatan mo kapatid mo Trex." bilin ni mom kay Trex.
"Yes, mom hindi ko to pababayaan. Mapapatay ako ng demonyo for sure." may binulong si Trex na hindi ko naintindihan pero rinig nina mom and dad na ikinatawa nito. Magkakadugo nga sila hayysss.
Pagkaalis nina mom natapos din kaming kumain at naghanda na para sa bonding naming. Diretso na din ako sa school mamaya kaya dala ko ang gamit ko.
"What's that bag?" tanong ni kuya ng makasakay ako sa kotse nya."Afternoon class. I still need to go to school mamaya kaya ihahatid mo ako." tumango-tango lang siya sakin at umalis na kami. Napansin kong may dalawang kotse kaming kasunod.
"Sina mom ba ang may pakulo nito?" tanong ko at mukhang naiintindihan naman niya kung alin ang tinutukoy ko.
"mmm.... hindi mo maaalis sa kanila ang mag-alala purple. Dalawa lang tayo, just understand them." napasimangot ako at tumahimik na lang.
Pumunta kaming mall para manood ng movie, maglaro sa Quatum, kumanta pa siya sa videoke kaya dumami ang nanonood samin. Papansin di ang isang 'to kahit kelan talaga. Madami ding nagpapicture samin and I really love receiving good comments from them. Some of them are my certified fan and pinakita pa nila sakin ang mga photo's ko sa phone nila.
"Thank you guys..." nagpaalam na kaming umalis ni Trex.
"Wow." tumingin siya sakin.
"Purple don't forget I'm your number 1 fan." natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa balikat.
"Tara na lang kumain." pumunta kami sa isang restaurant na malapit sa school para diretso na kami doon.
"I will be busy starting tomorrow." napatingin ako kay Trex.
"Yehh just don't forget to rest. AND....
find a girlfriend." niloko ko muna siya tapos niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
Pumasok na ako sa school at dumiretso sa room pero may humarang sakin sa hallway. Dalawang babae na matangkad, mukhang mataray yung isa at may pagkaseryoso naman yung isa. Masama ang tingin sakin nung mataray na babae at halatang manunugod na.
"Malandi ka talagang babae ka! Ano pa nga bang ieexpect mo sa isang kagaya mo?!" napataas ang isa kong kilay sa narinig ko. Nakaagaw siya ng pansin sa mga istudyante.
"Layuan mo na si Xander dahil niloloko mo lang naman siya!!" lumapit ito sakin at halatang galit na galit ito.
I smirk.
"Whatever." naglakad na ako paalis pero pinigilan ako nung seryoso ang mukha kaya iwinaksi ko ang kamay niya at humarap sa kanila. Napapalibutan na kami ng mga tao.
"What?" walang emosyon ko silang tiningnan.
"Get ready Prayne. Makukuha ko rin sayo si Xander." lumapit ito at bumulong sa tenga ko.
"I'm a Perez. So I can get what I want. So I. WANT. HIM" hindi ko siya hinayaang umalis kaya hinigit ko ang kwintas niya na napakadami at inilapit sakin. Naghiyawan naman ang mga nasa paligid pero hindi ko sila pinansin.
BINABASA MO ANG
My Possessive Fiance (COMPLETED)
RomancePrayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinsesa. But LIFE always have CHALLENGES and STRUGGLES. Mula nang pumasok siya sa eskwelahan ng fiancé ni...