Chapter 18

241 7 0
                                    

Today is Sunday. I ask Dr. Gonzales na kahit ngayon lang kung pwede akong umalis, kasi hindi niya ako payagan na umalis ng Hospital at delikado na daw para sakin.

"You know what might happened to you, Prayne. You should tell everything to your family. I'll give you this day para masabi mo sa kanila lahat pero kung hindi mo masasabi, sorry pero kailangan na nilang malaman." tumango ako kay Dr. Gonzales.

"I'll t-try." naiisip ko pa lang kinakabahan na ako sa magiging reaction nila. Magagalit ba sila? Matutuwa? O malulungkot?

"Here. Drink this kung pakiramdam mo ay aatakihin ka. Just give me a call kung may emergency." May iniabot siyang gamot sakin.

Nilagay ko sa pouch ko ang gamot at tumingin sa salamin sa condo ko. I'm wearing a white tube dress na long back ang laylayan nito. Napakaganda ng dress na ito at sakto sakin. Hindi ko ito binili dahil pinadala ito ni Trex.

Purple wear this if your going on Sunday. I hope your fine where ever you are. I miss you, Purple.

                                                                  -Trex

Sa isang hotel gaganapin ang birthday ni daddy. I grab a cab para makapunta doon kasi medyo malayo din at alam kong late na ako ng 20 minutes. Wala akong nabili na regalo kay daddy kasi hindi ko alam ang pwedeng iregalo sa kanya.

Nang makadating ako sa hotel ay lakad takbo ang ginawa ko. Napansin ko naman ang mga tauhan nina mommy na nakapalibot sa halos dinadaanan ko.

"She's here."

"Miss Prayne dahan dahan po!!" agad akong inalalayan ng isang bodyguard papasok sa elevator. Sinamahan niya ako hanggang sa papasok na sana ako ng pigilan ako nito.

"Why?" may binulong ito bago tumango-tango. May kausap ata sa ear piece nya.

"Pwede na pong pumasok, Miss Prayne." agad kong tinulak ang double door pero wala akong makitang tao dahil madilim. Nagsara agad ang double door.

"T-teka... nasan sila? Wala namang tao dit---" napatigil ako ng biglang may lumiwanag. Nakita ko ang stage pero walang tao. Sobrang tahimik ng biglang may tumugtog na malamyang musika.

"Good evening everyone. I'm sorry for waiting." napako ang mata ko sa lalaking umakyat sa stage na siyang nagsalita.

Xander.

"So before everything else. Happy Birthday Tito Danver, I know kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng family nyo at sobrang swerte nyo dahil sa kambal nyong anak. If I'm in their position before, I don't think  na makakaya ko ang pinagdaanan ng anak nyo. You two are blessed to have them, to have her in your life. She's someone that should be trasured and I'm sorry for hurting your daughter." tumigil ito sandali at umuli ang mata na parang may hinahanap.

"I'm sorry for hurting you, Asheville. I know na nalilito ka ngayon but please hear me out." tumigil ito nang biglang may tumapat na ilaw sakin. Nasilaw ako ng konti at nagadjust sa liwanag ang mata ko. Now, he's staring at me ng makita niya ako.

"In that five years, I control myself to contact you. Kahit alam kong masakit na hindi kita makita at hindi marinig ang boses mo tiniis ko lahat. I focus on my study and then on the company. Just work. Work. Work. Para malimutan ko kung gaano ko gusto na makita kahit isang saglit lang." napatulo ang luha ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Rinig ko ang panginginig ng boses nya.

"Until now, I can't believe that I survive in that f*cking long years!! You know why I did that? Kasi mas kailangan ka ng pamilya mo. Ayokong kunin ang kahit isang oras mo na pwede mong ilaan sa magulang mo. I know how hard it is for you and I saw how you suffered at halos mawalan ng pag-asa sa bawat araw na lumilipas na hindi sila nagigising." napahalakhak ito na parang inaalala ang nakaraan. What does he mean by that? So he's also in pain in that 5 long years?!

My Possessive Fiance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon