Chapter 11

230 6 0
                                    

Nanghihina na si Prayne ng dumating si Maris kasama sina Cayne. Agad nilang pinrotektahan si Prayne at inilayo.

"Sh*t!!! Lagot sila kay Xander!!" napamura si Cayne habang buhat si  Prayne na nawalan ng malay. Madami itong sugat sa braso at may ilang sugat sa mukha nitong namumula.

"Naku Prayne lagot ako nito kina madam!!" nag-aalalang sabi ni Maris. Dinala nila si Prayne sa Clinic at mabuti may nakaduty na nurse doon.

"Nasan sina Andrei" takang tanong ni Maris.

"They will punish those bi*ch!!" nakatingin sila ngayon kay Prayne na nakahiga at walang malay na ginagamot na ng nurse.

"Nurse hindi naman magkakapeklat ang sugat nya diba??" tanong ni Maris.

"Yes Ma'am. Maliit lang ito kaya maghihilom din agad."

"Malalagot tayo kapag dumating si Xander!! He might kill those b*tch!!" napamura si Cayne habang nagbubukas ng isang lollipop. Napatingin naman si Maris sa kanya.

"Penge nyan." nakalahad ng kamay si Maris na agad namang binigay ni Cayne ang binalatan na lollipop.

"Sayo na nga yan in one condition." nagtaka naman si Maris sa kondisyon nito.

"Ano yun? Wag kalokohan ha!"

"Hindi ko pa alam. Saka ko na sasabihin basta dapat gawin mo!" ngumiti naman si Cayne kay Maris na nakasupsop sa lollipop nya.

"Okay. Isip bata ka naman." Ibinulong lang nito ang huling sinabi at hindi narinig ni Cayne.

May nag-text kay Cayne na agad naman nyang tiningnan. "Parating na si Xander. Prayne gising ka na please!!! Lagot kami kay boss!! Baka hindi na kami noon pakainin sa condo nyo!!" sinundot sundot nito ang pisngi ni Prayne.

"Cayne tama na yan!! pag yan ang inabala mo sa pagtulog lagot ka lalo!!" nagtataka naman si Cayne na lumingon dito.

"B-bakit?"

"Mas masama yan magalit. Kapag inabala sa tulog." napatingin sila sa pinto na bumukas at dumating sina Andrei,Darille at Frenz.

"They are all in Gym. Parating na si Xander kaya siya na ang bahala doon." paliwanag ni Andrei at pumalibot sila kay Prayne.

"Lagot tayo kay Xander." nanginginig si Frenz habang nagsasalita na tumingin sa lahat.

"Who poke my face?" napatingin silang lahat sa nakahigang si Prayne na nakapikit padin. Nagkatinginan silang lahat at nagturuan ang iba ay nailing.

"Hindi ako!"

"Ikaw Frenz?"

"Hindi ko pa siya nahahawakan!"

"Sabay sabay tayong dumating dito e!!"

"Ikaw Andrei!"

Masama ang tingin ni Prayne ng mumulat siya. Bumangon siya at inalalayan naman ni Maris.

"Cayne?" bulong ni Prayne at masamang tumingin dito. Lahat naman ay nakatingin na din kay Cayne na natatakot na.

"He he.... s-sorry..." nagpeace sign ito at inalok ng lollipop si Prayne. "Peace offering.." nangangatal na inabot nya kay Prayne ito.

"No thanks. I hate sweets....." napatingin siya sa braso niya. "That bitches!!! " may mga band aid na ang sugat nito. Ang maputi nitong balat ay may tapal ng band aid kung saan saan.

"Don't worry Prayne. They will surely pay for this." sabi ni Andrei at nagtanguan naman ang kasama.

"Sorry Prayne. Wala kami para sayo kanina. Xander is needed in their company kasi may emergency. Inaayos naman namin yung kumalat sa school forum about sa pictures. They have no clue kung sino yung kasama mo. S-sino nga ba y-yun?" napatingin silang lahat kay Prayne maliban kay Darille na mukhang alam ang lahat.

My Possessive Fiance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon