Whole day pt2.
D A L E
Hindi ko alam kung saan kami patungo ngayon ni Regil. Kanina ko pa siya tinatanong kung saan pero ang sagot niya lang at 'basta' so hindi na ulit ako nagtanong.Bumili din kami sa convenient store ng mga pagkain at maiinom dahil wala daw pagkain sa pupuntahan namin kaya tumango nalang ako tapos itong Regil na 'to ang galing makipaglandian iniwan ba naman sakin nga pinamili kakainis diba muntik ko na ngang sampalin yung babae.
Sa mga nagdaang araw hindi ko ma-gets ang ikinikilos ni Regil minsan nga pumasok sa isip ko na baka babae ito lagi kasing dinadalaw.
Napasapo nalang ako nang maalala ko na hindi na naman ako nakapasok sa trabaho panigurado malalagot ako into. Kaya naisipan kong itext si Sir at nagpaalam na din.
Tumingin ako sa labas ng sasakyan nagtaka ako kasi dumadami ang puno ang nadadaanan namin. Teka! wag niyang sabihin sa gubat kami pupunta.
Nakita niya siguro akong balisa kaya tinapik niya ako sa balikat kaya napatingin ako sa kanya.
"Don't worry kasama mo ako" Sa simpleng bigkas niya nun ay napagaan niya ang pakiramdam ko. Nakakapagtaka lang bakit dito kami sa gubat papunta. Nakakatakot kasi although may mga iilang dumadaan na sasakyan. Pa-gabi na kasi at madilim na.
Binuksan ko nalang ang radyo niya para naman may maingay sa biyahe. Nakakabingi kasi ang katahimikan. Kumuha ako ng isang chichirya nakakagutom din pala sa biyahe hindi kasi nagsasabi itong si Regil na pupunta pala kaming probinsya.
"Oh" Alok ko sa kanya.
"Paano ako makakakain e hawak ko yung manibela"
"Edi wag mamaya ka nalang kumain" Sabi ko.
"I mean ano.. subuan mo nalang ako hahaha you know naman diba" Umirap nalang ako at kumuha ng dalawa matakaw kasi 'tong kumag na 'to kaya dalawa.
"Kadiri ka naman pati daliri ko sinama mo pa" Sabi ko sabay punas ng daliri ko na may laway niya. Sinubuan ko kasi ang bastos niya pati daliri ko isinama kaya nagkaroon ng laway.
Ayun parang tanga na tumatawa.
"Please one more" Natatawang utos niya. Binekatan ko lang siya.
"Bahala ka diyan mamaya kamay ko na isunod mo" Tumawa lang siya.
Ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan hudyat na nandito na kami. Agad akong lumabas at napayakap sa sarili dahil sa lamig. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng tela na pumatong sa likod ko... jacket pala. Infairness may gentleman side pala itong si Regil.
Namangha ako sa lugar nasa mataas siguro kaming bahagi kasi kita dito sa taas ang liwanag ng siyudad. Mga ilaw ng kabahayan, gusali at mga sasakyan. Ang ganda ng view. May nagpasarap pa yung simoy ng hangin.
"Regil thank you" Ngumiti lang siya at umupo kami sa damuhan.
"Anything for you" Hinampas ko lang siya ng bahagya. At tumingin sa kalangitan wow ang daming stars. Sa sobrang dami ay may isang namumukod tanging bituin dahil sa liwamang niya siguro siya si Papa. Sabi ko na nga ba lagi niya akong binabantayan hindi binigo ni Papa ang promise niya.
"I miss you 'Pa" Sabi ko. Naramdaman ko nalang na may pumahid sa pisngi ko haha palad pala ni Regil. Goosh naluha ba ako?
"Are you okay?" Tumango lang ako. Parang nasa mood ngayon si Regil hindi niya kasi ako binibwiset. Mabuti nalang dahil ayoko masira mood ko dahil maganda ng ambiance dito.
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
RomanceMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...