Antonio Brothers.
D A L E
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Hala nasan ako? Napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad na umupo. Sino ba itong lalaki na 'to?
"S-sino ka?" Sinusubukan kong lumabas sa kotse pero parang akong tanga dahil hindi naman pwede. "Ibaba mo nga ako at bakit ako napunta dito?"
"Calm down" Malamig niyang sabi napahinto naman ako at kumalma. Napalunok nalang ako sino ba kasi 'to.
"Sino k-" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng tanggalin niya ang cap at shades niya. Srsly? Bakit? bakit siya? Ang dami kong tanong. Kasama ba siya sa mga lalaki kanina na pumatay ng tao?
"Hindi ko sila kasamahan" Tipid niyang sabi. Nababasa niya ba nasa isip ko.
"Okay salamat nalang ibaba mo nalang ako diyan" Sabay turo ko sa isang kanto pero nilagpasan niya lang yun. Anak ng! Ano ba problema ng isang 'to?
"Sabi ko pakibaba nalang ako" Tumingin lang siya sakin. Hala!
"Hindi ka pwedeng bumaba palipasin mo muna ang gabi dun kana matulog sa condo ko" Ano? Hindi pwede mag aalala si mama sakin.
"A-ah k-kasi Mr.Antonio a-" Utal kong sabi.
"Chris nalang" Pigil niya sa pananalita ko.
"Okay uhm Chris baka kasi pagalitan ako ni Mama, baka kasi mag alala yun" Diretso lang tingin niya.
"No magtext ka nalang" Wala akong load eh pano yan. Inabot naman niya cellphone niya mind reader ba siya parang alam niya agad nasa utak ko. Napailing nalang ako.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa condominium napatingala ako sa sobrang taas. Dumiretso kami sa elevator at pinindot niya yung 25th floor nalula naman ako bakit ang taas.
"Bakit pala ako napunta sa loob ng kotse mo?" Nakakapagtaka lang kasi bigla akong napunta dun sa kotse niya naalala ko lang may humila sa akin at umatake na naman yung pananakit ng ulo ko.
"Nakita kong may humahabol sayo kaya dinala kita sa loob ng kotse ko" Oo nga pala nakakatakot sila naalala ko yung lalaking pinatay nila. Teka stalker ko ba siya? Assumera.
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
Roman d'amourMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...