Love Cafe.
D A L E
Ilang araw na ako naghahanap ng trabaho minsan pagtapos ng klase ay naghahanap ako. Hindi ako pumasok ngayon araw ng Huwebes dahil naghanap ako ng trabaho para sa extra income na pangbayad sa bahay at school. Tipid para maka survive.
Ang dami ko nang in-applyan pero hindi ako natatanggap napapagod na ako. Kahit mainit at tirik ang araw lumaban pa din ako wala ng tutulong sa amin kundi ako nalang. Umupo ako sa gutter grabe ang init mabuti may silong kahit papano itong inupuan ko.
Naagaw ng pansin ko yung isang Shop. Heart yung theme ng store kaya siguro Love Cafè ang name. Ang cute lang. Pumasok ako sa loob at nag-apply.
"Talaga po? Seryoso na po ba kayo?" Nakangiting tumango si ate. Napahawak ako sa kamay niya at nang makitang nailang siya binitawan ko at nag tatatalon.
"Maraming salamat po talaga god bless po"
"It's okay priority kasi namin ang mga working student so you will be start by next week monday... nandiyan na din sa binigay Kong papel ang schedule mo dito sa shop so be nice, are we clear?" Tumango ako. "Okay god bless see you"
"Maraming salamat po ulit una na po ako" Nagpaalam na ako sa manager at nakangiting umalis. Success woooh! Paniguradong matutuwa si Mama.
Pauwi na ako sa bahay ng may bumisina sa likod ko na sasakyan. Ano ba iyan ang ingay. Tumabi ako at naglakad na palayo. Pero dahan dahan sumusunod yung sasakyan nako sino naman 'tong sumusunod.
Sa sobrang takot tumakbo ako pero nasusundan parin niya ako. Ewan ko ba parang tanga siguro ako na tumatakbo. Nang mapagod umupo ako sa gilid pero nakasunod parin siya.
Matapang kong pinuntahan yung driver seat ng sasakyan at kinatok. "Hoy ibaba mo nga sino ka ba? bakit sinusundan mo ako?" Kinalampag ko at para ibaba niya pero hindi niya binababa. Matigas ka ha?
Kumuha ako ng bato tatakutin ko lang isang 'to. Akmang ipu-pokpok ko ang bintana ng kotse. Sabi na takot binaba niya yung bintana. Nagulat ako sa nakita dahil si... si Regil.
"Akala ko nagbibiro ka lang bitawan mo nga yan" Utos nito binaba ko naman yung bato at inismiran siya wala akong time para makipag usap sa kanya.
Umalis ako dun at naglakad ulit. Pero sinusundan niya parin ako. Ano na naman problema ng isang 'to naiinis naman ako.
"Slave pumasok ka na dito" Aya niya. Asa siya hindi ako sasakay diyan. Huminto ako, maghihintay nalang ako ng tricycle.
![](https://img.wattpad.com/cover/154614312-288-k674435.jpg)
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
RomansaMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...